Umagang sobrang tahimik sa kalsada namin sempre back to school na ang mga bata at ako'y back to normal hanap uli ng dyaryo hanap pwede ma applyan, lagi may handang dyaryo si manang rosie para daw sakin, tuwing umuga ko binabasa habang nag kakape sa terrace, hanngang sa ilang araw na pag hahanap naisip ko magpaalam kay mommy kung ok lang gamitin ang pc sa sala para maghanap sa jobstreet.
Mommy: Oh sige saglit lang at jobstreet lang ah
Ako: Ok mommy
Nagpasa na ako ng resume sa lahat ng nagugustuhan kong company, at pinatay na uli ang computer para maglaba ng mga damit kasama si manang rosie, mga ilang araw marami ang tumawag isa isa ko sila pinuntahan kaso paulit ulit lang na tatawagan nalang nila ako.
One time pumunta kami sa kamag anak namin dahil may pinabibigay mommy ko, ng pumunta kami ni manang rosie sa lugar nila may nadaanan kami na namimigay ng fliers, agad kong kinuha ang inabot ng lalaki at nakita ang sogo big discount hindi ako naging interesado binigay ko kay manang yung fliers.
Manang: Hannah sana hindi mona tinanggap kalat lang to eh
Ako: Eh malay ko ba tsaka tapon mo nalang manang
Manang: Wait ahh basahin ko lang
Habang binabasa niya yung fliers tinali ko yung sintas ng rubber shoes ko at napatingin sa kanya ng hawakan niya balikat ko.
Ako: Bakit manang?
Manang: Tignan mo hannah hiring sila applyan mo dali
Ako: Patingin nga
Nakita ko house keeping at may front desk na excite ako pagkauwi ko palang sa bahay inayos kona agad resume ko at pumunta sakanila kunabukasan. Maraming nag apply at sa huli napalad akong makuha ang position sa pagiging house keeping, monday ay nag report agad ako at nag simula na sa unang araw ng pagtratrabaho.
Tumagal din ako ng 5 buwan sa pagiging house keeping pero dream ko maging front desk ang ganda ng uniform nila, sinabi ko 1 year ko dito mapupunta din ako dyan.
Habang tumatagal parang tinatamad na ako sa trabaho ko, pinipigilan ko mag inarte sa mga gawain pero ng may mabangga ako sa hagdanan nakita ko si bangs garcia paakyat sa second floor na star struck ako at hindi ko naisipan mag papicture.
Joe: Nakita mo yun?
Ako: Oo diba si bangs yun?
Joe: Oo buti hindi ka sinungitan
Ako: Bakit naman?
Joe: Eh nabangga mo eh mostly masungit like shaina nun hindi mopa naabutan yun.
Ako: Talaga?
Agad akong umakyat sa 2nd floor at nakita ko si bangs nandun papasok palang sa kwarto, agad namin nilapitan yung pinto ng kwarto na kung saan si bangs ay nandun.
Joe: Tara na mahuli pa tayo niya dito masungitan kana nyan sige ka
Ako: Ganda niya noh?
Pagkauwi agad akong nagbukas ng fb ang nag status about sa nakita ko, kaka browse ko ng mga pic ni bangs sa fan page niya sa giling ng page nakita ko yung mga suggested friends, at nakita ko pic ni belle pero nakapangalan ay stacy perez agad ko siya minessage at nalaman kong yun ay isang account niya para sa mga ka fun fun niya.
Belle: Add mo ko dun hannah secret lang natin
Ako: Grabe ka stacy pa talaga name ah
Belle: Hahaha ok na yun tignan mo dami kong mga boys haha
Ako: Sige pag ikaw nagkasakit sa pagiging ganyan mo yari ka sa pamilya mo
Belle: Gawa kadin sayo promise maaaliw ka tsaka enjoyin mo life mo hannah hindi yung puro work ka lang, alalahanin mong kailangan mo din lumigaya hindi lagi stress, try mo lang isang beses pag ayaw mo talaga edi wag mona pagpatuloy pero ako sure ako mas magugustuhan mo talaga.
BINABASA MO ANG
Sweet Chubby Lover
RomansaSweet chubby lover is restricted to 18+ only / Romance / Drama / Suspense / Comedy / This is my untold story.
