"Miguel?"
Nasaan ba kasi siya at halos ay sinuyod ko na ang buong bahay para lang mahanap siya. Nakahanda na ang makakain at hindi pa naman niya gusto na nakahain itong malamig na. Tiyak, aawayin na naman ako noon.
I looked at him everywhere. I thought sa labas siya ng CR naligo na minsan na rin ay nakaugalian na niya. Di na rin siya sumasabay sa akin na maligo dahil nga daw ang bagal ko maligo at may hahabulin pa siyang trabaho kaya di ko na magawang magalit sa kanya dahil alam kong masasaktan lang ako.
"Miguel?"
I shouted his name sa likuran ng bahay. I saw him standing na may hawak-hawak na cellphone na halos ay mabilis niyang tinago sa kanyang jeans. Humarap siya sa akin kung saan nanatili akong nakatitig sa bulsa ng kanyang jeans.
May tinatawagan siya. Bakit hindi pa sa loob siya tumatawag?
"Hoy Geneva". Rinding-rindi na talaga ako sa kakatawag mo sa akin ah, hindi ka ba nahihiya sa mga kapitbahay at halos ay nagmimicropono kana diyan sa boses mo ha .." hinila niya ako sa kaliwang braso at mahigpit na pinisil iyon.
Hindi ko halos makita na nakalapit na pala sa akin dahil sa ibang atensiyon ako nakatingin.
Inihila niya ako paparating sa loob ng bahay at ipinalipad ako sa kung saan man ako makadapo. Hawak-hawak ko ang braso kong may pasa pa dahil sa ginawa niyang pagbugbug niya sa akin kagabi.
Umiiyak ako sa sakit at hapdi ng aking braso. "I just called you because food is done."
Mabilis siyang nakadagan sa akin at hinawakan ako sa may baba. "Iyon naman pala eh, maghintay ka. Eh di yong ang aga-aga ay ang maingay na boses mo ang naririnig ko ha!!" isinisiksik niya sa aking pisngi ay kanyang kuko na halos ay ikinadurog ko.
"Nasasaktan ko Miguel. Please .. stop." pagmamakaawa ko sa kanya.
Kitang-kita ko ang galit sa kanyang mga mata. Wala naman akong ginawa sa kanya ngayon kaya hindi ko alam kung saan galing ang galit niya at halos ay ang ginagawa niya ngayon ay ang patayin ako gamit ang kanyang lakas.
Di ako halos makapanlaban dahil wala na talaga akong lakas dahil sa ginawa niyang pagpipilit sa pagtatalik sa akin kagabi. At ang paggising ko nang maaga ngayon, ay hindi nga kaya ng aking katawan pero kailangan ko syang pagsilbihan dahil asawa ko siya.
"Para magtanda ka Geneva." sinampal niya ako ng di masyadong malakas at paulit-ulit. "Naiintindihan mo." sampal ulit. "Sagot."
"Oo Miguel. Oo." paghihikbi ko.
Tuluyan na niya akong pinakawalan at tumungo sa kwarto namin. Naiwan akong hawak-hawak ang aking baba at braso na sobrang napakahapdi na talaga. Niyakap ko ang sariling umiiyak dahil ang sakit. Ang sakit na ito ang nangyayari sa akin ngayon.
"Geneva .. Geneva" malakas at galit na sabi niya sa kin.
Agad akong tumayo at hindi na ininda pa ang sakit na nararamdaman. Nadatnan ko siya sa kusina at galit na galit. Alam ko na kung bakit nagagalit siya. At ngayon ay di ko magawang makalapit pa sa kanya dahil baka ano na naman ang gawin niya sa akin.
"Bakit ang lamig na ng pagkain ha?" sigaw niya sa may mesa.
"Kaya nga tinatawag kita kanina pa Miguel." sagot ko sa kanya.
Lumapit siya sa akin na dabog ang mga paa. Nakahanda na naman ba ako sa kung ano ang gawin niya sa akin. Nakalapit na nga siya kaya nakalayo na ako sa kanya ng konting distansiya. Natatakot na talaga ako sa kanya.
"YUn naman pala eh, sana hindi mo muna hinaing diba? Bobo ka ba ha? Talaga bang bubo ka?" nang papalayo na ako sa kanya ay siya namang mabilis na paglapit niya sa akin.
Napansin niya ang ginagawa ko. "At lumalayo ka talaga sa akin ha babae ka?"
Mabilis niya akong nahabol kaya't halos ay paikot-ikot ako sa sala para hindi man lang niya ako mahabol pero ang bilis niya at kaya noong mahawakan niya ako sa buhok ay napasigaw ako dahil sa malakas na pagsabunot niya sa akin.
"HUHUHHU.. Miguel tama na." napako ang aking tiyan sa may edge ng mesa na ikinasiksik ng aking tiyan. Nararamdaman ko na ang sakit dahil sa tulis nito. "Miguel. Ang tiyan ko. Miguel"
Sa halip na maawa dahil sa pagkabangga ko ay mabilis niya akong tinapon sa sahig at napaliyad ako sa sakit dahil unang dumapo ay ang aking hita na ikinaaray ko naman.
"Yan ang napapala sa mga babaeng bobo. Ulitin mo pa yang ginawa mong paghain sa pagkain, malilintikan ka talaga sa akin."
Nang hindi pa makontento ay kinuha niya ang malamig na sabaw ng manok na hinain ko sa mesa at ibinuhos sa akin. Napaubo ako dahil sa ginawa niya. Halos naligo ako sabaw at sa amoy ng aking pagkain.
Umiiyak akong tumingala sa kanya habang hawak-hawak ko ang aking tiyan na sumasakit.
Sinundan ko siya ng tingin habang papalabas siya ng bahay.
"Makaalis na nga, nakakabwesit ang tao rito."
=======
Maga ang mga mata, ang raming pasa at halos ay may mga galos na akong tinatamasa dahil sa kanya. Habang hinahawakan ko ang aking pasa ay siya naman pagkaramdam ko ng sakit dahil napakasakit pala ng mabuhay ng ganito.
Nakatanaw ako sa harap ng salamin at patuloy pa rin sa pag-iyak. Kung hindi ako aalis rito ay tiyak dito ako mamatay. Pero hindi ko kaya, tiyak pag-aalis ako hahanapin niya ako at tiyak sasaktan na naman. Gusto ko ng umuwi kina papa pero natatakot ako na baka malaman nito ang lahat ng sinasapit ko sa asawa ko.
Ayokong lumala ang kanyang sakit at baka ano pa ang mangyari dito.
Sandali pa lang ay narinig kong tumunog ang phone ko.
"Zach?" sagot ko sa katatawag lang.
"Gev, hey It's Mike birthday. Pasyal ka dito sa apartment ko ngayon din." masiglang sabi nito sa akin na halos ay ikinadurog ulit ng puso ko.
Bakit hindi ko masabi sa kanya ang mga nangyayari sa akin. She is my bestfriend pero hindi ko magawa. Natatakot ako. Natatakot ako na baka ilayo nila sa akin si Miguel. Ayokong mangyari iyon. Even if he's hurting me, mahal na mahal ko pa rin ang asawa ko at ayokong maghiwalay kami dahil hindi ko kaya.
"Naku. Sorry Zach, may dinner kasi kami ni Miguel mamaya. Pasensya na talaga." pagsisinungaling ko sa kanya.
"Ay ganun ba, sige okay lang basta mag-ingat ka diyan ha tapos hayaan mo dadalawin nalang kita diyan one of these days." sabi nito.
"Ay naku, wag na. Ako .. Ako nalang dadalaw sa iyo zach and besides, alam kong busy ka kaya papasyal ako sa opisina mo okay?" sabi ko sa kanya.
Narinig ko siyang tumawa sa kabila. Siguro dahil kay Mike. Masayang-masaya ito sa piling ng nobyo kaya ewan ko ba kung nagsisisi ba ako kung bakit pinakasalan ko ng madalian si Miguel kaya heto ang napapala ko ngayon.
"Sige ba. Sige Gev. Bye."
I sighed.
BINABASA MO ANG
Geneva- Fiercer
RomanceThe Book 2. Geneva thought that marrying Miguel would be a happy ever after for the two of them. But what if, a mystery is leading the way for them to separate? Would she be hurt? At paano kung sa pagluluksa at pagkalungkot niya ay may darating na...