"Bakit ata ang aga ng pasok mo, iba na ba sched mo Miguel?" tanong ko sa kanya habang hinihintay ko siyang matapos sa pagsusuot ng kanyang plantsadong long-sleeve polo.
Ganito na talaga ako sa kanya, simula nang tumira kami sa iisang bahay, I didn't make him feel na wala akong kwentang asawa para sa kanya. I did everything I can and I am still doing all I can. Hindi ko gustong sabihin niya sa akin na nanghihinayang siya because hindi ko alam kung ano ang dapat na gawin ng isang asawa.
Kahit alam kong, his love fades .. eventually .. and gradually.
Hinarap niya akong di maipinta ang mukha habang inaayos ang damit. "Paki mo ba? Tsaka bakit ka ba tanong ng tanong ha Geneva?"
Hindi na ako umimik. Inilahad ko ang aking kamay hawak ang kanyang necktie at binawi itong padabog at hindi man lang tumitingin sa akin. Dahil kung sasagot pa ako, alam ko na ang sasapitin ko sa kanya. Nakatitig ako sa kanya habang inaayosan siya ng necktie. Kung minsan, mas magaling pag magtie ang mga babae kesa sa lalaki pero ibahin mo siya- he is so expert.
"I will not eat dinner here okay, may ka meeting ako." pasabi niya sa akin.
"Ganoon ba? So anong oras ka uuwi?" tanong ko sa kanya na ikinalungkot ng aking mukha. I thought dito siya kakain maghahanda pa naman sana ako. Mabuti na rin iyong masarap na pagkain ang kakainin niya para naman kahit papano ay bumalik na siya sa dati.
"Ewan ko, hindi ko alam. Basta."
Tiningnan ko siya kung paano niya kunin ang bag at suitcase sa kama. Sumunod rin ako sa kanya nang pumunta siya sa pagkainan at umupo. Kumuha ng isang plato at nagsimulang kumain. Nakatayo lang ako sa may harapan niya at tinitingnan siyang kumain.
Tiningala niya ako. "Hindi ka kakain? Sabay ka na Geneva."
Ngumiti ako sa kanya at halos ay di makapaniwala sa narinig ko ngayon mula sa kanyang bibig. Seriously, hindi man lang iyon masasabing nag-aalala siya dahil sa hindi ko pagkain sa kanya ng sabay ay napakalaking bagay na rin ito sa akin. Dahil sa simula pa lang ng nagbago siya ng pakikitungo sa akin ay hindi na niya nagawang alalahanin ako.
I sat beside him and gave him a smile.
Kunot ang noo niyang nakatingin. "What's with the smile?"
Umiling ako sa kanya at nilagay ang isang platong rice sa hapag. "Nothing. Just .. This is not you."
"What me?" dali niyang tanong.
"I mean .." kandauda kong sagot. "I mean, hindi ka kasi masyadong nag-aaya sa akin kapag kumakain ka, ngayon lang?" I still had this smile on my face.
He rolled his eyes at halatang nairita. "Simple thing Geneva, napakalaking value na ito sa iyo? How funny .. at tsaka hindi kita ginugutom, ayaw kong may marinig ang papa mo sa akin at baka magsumbong ka pa!" mahaba nitong sagot.
Sumakit ang aking loob. He treated this as just simple thing. Kunsabagay hindi na man kasi niya ako maiintindihan kasi nga hindi nya alam ang nararamdaman ko. I don't know if he really realized how change he had become, that he is not the Miguel I used to know before.
The Miguel who begged, scared at did everything just to win me. Just to have me with his life.
"Miguel?" nakita ko siyang tumingala ulit sa akin. "Is this still because of losing Tristan?" tinatanong ko sa kanya ngayon ang bagay na hinding-hindi ko nagawang itanong sa kanya.
Ayaw kong iopen na naman ang lahat because I knew if I do, natatakot akong baka mawala siya sa akin dahil iyong araw na iyon na simula ng manyari ang lahat, iyon ang araw na alam kong doon nagsimula kung bakit siya nagbago.
"Stop it!" galit niyang sabi sa akin at halos ay itapon na niya ang kanyang plato sa aking mukha.
=====
"I am so sorry Mrs. Geneva, ginawa na po namin ang lahat, nakunan na po talaga kayo."
Ito ang salitang halos ay ikinadurug ng lahat. Ikinadurog ko at lalong-lalo na si Miguel. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. My baby's gone. My baby's gone. Iyan ang paulit-ulit na sinasabi ko sa aking isip habang sinisipsip sa utak ko ang mga katagang sinabi ng doktor bago ito umalis.
PAIN. BROKEN. DEAD.
Hindi ko siya halos matingnan. He was sitting beside me with this puzzled and wary look on his face. I can't blame him. Kasalanan ko. Alam kong kasalan ko dahil nagpabaya ako. Kung sana ay hindi ako nagdemand ng kasal sa kanya- hindi mangyayari ito. Hindi mawawala sa amin si Tristan.
Kung sana ay pinalamig ko muna ang sitwasyon sa dalawang panig. I was so self-centered, I was so selfish and jealous kaya ko nagawa ang mga iyon. Ayaw ko lang talagang mawala siya sa akin right after knowing that Brenna and he had history.
I did it because I don't want to lose someone I love.
"Miguel." kinapa ko siya sa kanyang kamay. "I am so sorry. It was all my fault." Buhos ang luha kong tumingin sa kanya. He faced me. He didn't react.
Then suddenly, he stood up and got my hands off from his. " I need time to think. This is unacceptable Gev."
Then he walked away.
BINABASA MO ANG
Geneva- Fiercer
RomanceThe Book 2. Geneva thought that marrying Miguel would be a happy ever after for the two of them. But what if, a mystery is leading the way for them to separate? Would she be hurt? At paano kung sa pagluluksa at pagkalungkot niya ay may darating na...