16: Brenna

1.2K 34 1
                                    

Ilang ulit ring nag-ring ang cellphone niya. Kahit sa nasa kabilang kwarto ako natulog kagabi ay iyon ang nakamulatan ko kahit alam kong gusto pa ring mahulog ng aking mga mata. The noise sound of his ringtone irritates me.

Kaya pinasya kong matulog dito sa kwarto dahil ayaw ko na ng ayaw but that doesn't mean na kinalimutan ko na lahat ng nasaksihan ko. Just that, my ranting and curses were nothing to him. Ano pa gagawin niya, eh tatalikuran ako at hindi makikinig at sasabihing nonsense ang mga sinasabi ko.

"I told you everything already Geneva .. baka namamalikmata ka lang"

Nakarehistro pa rin ito sa aking isip. Sinabi na niya lahat daw, namamalikta lang daw ako. Hmpp. Lokohin na niya lahat ngunit hindi niya ako malololoko dahil alam ko at sigurado ako sa mga nakita ko.

Dinig na dinig ko pa rin ang pagtunog ng kanyang telepono kaya't tumayo na ako para pumunta sa kwarto kung saan siya naroroon. Madilim-dilim na rin ang kwarto kaya baka tulog pa rin ito kaya hindi niya masagot ang cellphone niya.

Ngunit bago ko pa nabuksan tuluyan ang pinto ay rinig na rinig ko ang boses niya kaya kahit alam kong masama ang pag eeardropping ay ginawa ko na.

"I told you .. walang magagawa ang pagbalik niyo rito .. ninyo .. ninyo ni Lucas. " tapos narinig ko na ulit ang pagtahimik niya. Pinapakinggan niya ang nasa telepono.

"Okay, I'll find a way .. and don't forget to send the money on my account. Naiirita na ako sa kahihintay, you know that?" may galit pero kalmadong sabi nito.

Then a minute paused of him.

"Yeah, okay. Okay. Just make sure Brenna. Bye." then I saw how he dropped the call and got back to sleep.

Hindi ko alam kong ano ang iisipin ko. Tama ba iyong pangalan na narinig ko? Or maybe I heard it wrong? But he really just mentioned Brenna? Brenna? Sino ba hindi magugulo ang isip pag narinig mo sa taong mahal mo ang babaeng dapat ay papakasalan niya at hindi ikaw.

At ang pangalan ng babaeng unang minahal ng mahal ko bago naging ikaw. Brenna was his first love and everything. And yet they still have this communication. Hindi kaya si Brenna ang babaeng nakita ko kanina at magkasama sila?

Labis akong napaiyak sa narinig. Dali-dali akong tumungo sa kwartong pinanggalingan ko kanina. Grabe na ang napagdadaanan ko. How could Miguel do this to me? How could Miguel cheat me at sa lahat pa ng babae ay ang babaeng kinamumuhian ko pa?

=====

The next morning. I have this eye bags on me. Kitang-kita ko ang reflection ko sa salamin. I have to wake up early today dahil gustong-gusto kong makita kong sino ba talaga ang katawag niya kagabi. Was it really Brenna?

It is still past 6 at alam kong tulog pa rin siya hanggang ngayon. Miguel used to wake up around 7 half and I know na kapag ganitong oras ay tulog-mantika siya kaya mas madali kong ganitong paraan ko mahahawakan at makikita ang cellphone niya.

Nasa kwarto na ako at eksaktong natutulog pa rin siya. Nakatalikod siya kaya mabilis kong nakuha ang phone niya. Dahan-dahan kong nilapag ang aking pwetan sa kanyang kama para hindi siya magising.

I directly grabbed the phone. But fuck. It is Locked. LOCKED. How can I open this one? I directly figured numbers, words, dates or even his birthday para maopen ang phone pero hindi pa rin. Naiirita na ako.

Nakakairitang isipin na lock ang phone niya habang ang akin ay FREE pa sa FREE kung makatingin siya. Damn. Fuck. Shit!! napapamura na ako sa galit dahil sa punyetang cellphone niyang nakapassword.

Ngunit bigla akong nabunutan ng tinik nang biglang nagring ang phone. May tumatawag at tama na rin ang hinila ko. It was Brenna last night because the one who's calling right now is her. Only her.

I don't know what happened but I realized na sinagot ko ang phone and put the phone on my ear nearly.

"Hello, Miguel." tinig babae. Si Brenna nga.

"Miguel?" paulit niyang tanong. "Si Brenna ito, magkita tayo mamaya." dugtong nito. "Sa dating tagpuan!"

WTF! dating tagpuan? Magkikita ulit. Ganyan na ba talaga ako dapat lokohin? Iyong ilolock ang phone, pinagsisinungalingan, binablind sa lahat at sa asawa ko pa.

The call ended. The call proved everything.

Ni hindi ako halos makagalaw sa aking kinauupuan. Nakakatawang isipin na ginaganito ako- ginagago at harap-harapan pa.

"Geneva?" he moaned as he just woke up from sleep.

He noticed the tears that were running down my cheeks. He moved and sat beside me as he was caring me asking me why am I crying. Alone.

"If this is all again about last night ... I am so sure that I never hide something on you Gev." he caressed me in my arms as he touched me gently to my arms and up to my spine.

I smiled. I smiled in tears as I faced him.

"Brenna called and she wanted to see you later. Dating tagpuan daw" I told him everything about the call.

Nakita ko ang gulat sa mukha niya. Hindi ko maipaliwanag kung nagulat ba siya or natakot. Hindi ko na tuluyan pa siyang tiningnan dahil sa lahat ng nangyayari ngayon- wala na akong dapat pagkatiwalaan sa kanya.

"Gev, please let me explain." Hinila niya ako pabalik sa kanya. Nanatili akong nakatayo sa kanya habang siya naman ay nakatingala sa akin.

"Too much for the explanation. It was clear to me." I said.

Nang tuluyan na akong mapaalis sa kanyang kwartong may luha ay bigla siyang napasigaw kung kaya't hindi ko alam kung lilingunin ko siya or hindi.

"Gev, I have a twin brother. His name is Lucas." he said with a weary eyes.

I stared at him like nothing.

Again. He lied at me.


Geneva- FiercerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon