chapter 1

746 15 6
                                    

ML/N: Binago ko ang chapter na ito dahil na boringan ako! hahahaha!!! marami akong binawas na mga pangyayari at mga dialogue at may mga idinagdag din ako.... pasensya na baliw lang! ^0^

Maley's POV

"Hi miss pwede ka bang maging girlfriend ko?

Napahinto ako sa paglalakad nang may humarang sa akin na pitong lalaki. tinignan ko lang sila ng walang emosyon. tss! akala nila ma uuto nila ako? sa itsura nila ngayon hindi mo aakalain na gagawa sila ng katarantaduhan. sanay na ako sa ganitong senaryo halos gabi-gabi nalang ganito ang drama ko sa lugar na to. dahil na rin sa oras ng out ko sa trabaho. Wala nang katao-tao sa lugar na ito pag oras ng uwi ko at may kadiliman pa, isang street light lang sa di kalayuan ang nagsisilbing liwanag sa lugar kung nasaan kami nakatayo ngayon..

 "Your lucky para maging girlfriend ng guwapong kaibigan namin miss. Saan ka pa makakahanap ng ganyang mukha di ba?" Ani ng isa pa. Lango sila sa alak. mga lasing

Iisipin mong mga matitinong tao sila. dahil mala adonis at piolo pascual ang mga itsura nila..sa pustura at tindig palang nila aakalain mong knight in shining armour ang papel nila sa isang action romance movie. na magiging hero ng bidang babae laban sa masasama. iisipin mo na sila yung description ng isang prince charming na ililigtas ang kanyang prinsesa mula sa mga beast. pero hindi eh..kung titignan mo sila ng mabuti ngayon.. mamula-mula pa ang mga mata at halatang high na high pa. sila ang mga taong halang sa kaluluwa at hayuk sa laman. mga manyak!

"oo nga miss swerte mo na sa best friend namin maraming naghahabol na babae dyan." "edi habulin lang nila! paki alam ko? gusto nyo habulin ko pa yan ng itak e!" sabi ko nalang sa isip. pagod na ako sa maghapung pag ta-trabaho at tinatamad na akong magsalita sa mga custumer palang ubos na ang boses ko..gusto ko nang makauwi at lumanding sa higaan ko.. 

maglalakad na sana ulit ako nang hinawakan ng isang adonis ang kanang braso ko. "man! pag ako napuno baka hindi ako makapag pigil!" piping sigaw ko sa utak habang nagpipigil sa inis. iritang tinignan ko yung may hawak ng braso ko. "ano miss choosy kapa ba? abah bihira nalang ngayon na kaming mga gwapo pa ang lumalapit sa isang kagaya mo." "abah! anong tingin nito sakin? panget?" pinasadahan nya ako ng tingin mula paa hanggang ulo.. maganda!

inis na tinabig ko yung kamay nya. "hwag ka nang pakipot pa at sumunod ka nalang samin.." singit ng isa sa kanila. hindi pa rin ako nagsasalita. "siguradong mag eenjoy ka sa gagawin natin.. ma fe-feel mo ang heaven! promise ko sayo yan" napapikit at nakangiting sabi nya at nakalahad pa ang dalawang kamay habang nag iimagine. langit ba kamo? hindi sila nararapat dun. nababagay sila sa impyerno!

"so ano miss? sasama kana? hwag kanang magmatigas pa sayang naman kung tatanggi- ay mali! kahit na tumanggi ka pala ay wala ka nang magagawa pa. sasama ka sa amin sa ayaw at sa gusto mo." sabi nung nagtanong sakin nung una. nagtawan lang silang lahat. inuubos talaga nila ang pasensya ko! urg!

lumapit na yung tatlo at balak na akong hawakan sa magkabilaang braso. pero bago pa nila magawa yun. pinasalubungan ko na sila ng flying kick at turnado punch..

*PAAAAAKKK~* suntok dito suntok doon

*BLAAAAAGGG~* bagsak ng mga katawan nila

*BOOOGSSSH~* tadyak ko sa pang pito at  huling hinayupak na adonis na humarang sa akin sa daan.

aba kahit na gwapo sila hindi ko sila sasantuhin.lalo na at naiinis ako sa mga katulad nila. balak pa nila akong gawan ng masama.. well sorry nalang sila. ang akala nila dahil gwapo sila ay maa-akit ako? duck! ASA! 

hindi ako BH at MH o yung tinatawag nilang broken hearted at man hater, talagang naiinis at naiirita lang ako kapag nakakakita ako ng gwapo. well hindi ko alam kung bakit.

You Got MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon