chapter 13 Mafia Assasins

349 17 9
                                    

Maley's POV

*BANG* *BANG* *BANG* *BANG* *BANG* *BANG* *BANG* *BANG* *BANG* *BANG*

'Tangana men!' Bago pa ako matamaan ng bala ay mabilis ko nang pinasibad ang motor ko sa mataas na humps. Kanina palang ay masama na ang kutob ko na may hindi magandang mangyayari! Tumalon ako sa motor ko nang maramdaman ang balang tatama sa gasolina ng motor ko mabuti nalang at dumaplis lang ito at hindi sumabog. Nagpagulong-gulong ako sa lupa at mabilis na tumakbo papunta sa maaring mapagtaguan umuulan ng bala sa gawi ko ngunit hindi ko ito alintana. 

'Shit!' Agad kong inilabas ang baril na nakatago sa likuran ko nang makakubli na ako sa malabundok na humps. Nakita ko si Kira na nakipagpalitan na rin ng putok sa mga nakasakay ng Van. Ang ibang DMLR's ay ganun din. Hindi ko alam kung alam na nila ang sekretong tinatago sa kanila ni Kira, pero wala na akong pakialam pa doon, ang importante ay ang ngayon. 

'Peste! sino ba ang nagpadala ng mga lamok na yan dito! Nagiinit ang ulo ko dahil kanina sa pinagawa sakin ng mga organizer at sponsor ng event, at ngayon naman ay ito? 'Bwesit!' Pumwesto ako ng tira at inasinta ang isa sa mga kalaban, natamaan ko ito sa tuhod kaya napaluhod ito. agad silang nagpaputok sa gawi ko kaya napayuko ako ulit upang hwag tamaan ng bala. Sampu sila sa tantya ko.

*BANG* *BANG**BANG* *BANG**BANG* *BANG**BANG* *BANG**BANG* *BANG*

Muli silang nagpaputok at hindi ako makakuha ng tyempo. Bahagya akong sumilip sa gilid ng humps at doon ay nakita ko si kira na nakipagsuntukan na sa ibang armado. 'Wala na syang bala!' Masama to! Itinutok ko ang baril ko sa gawi nila at inasinta ang kalaban niya. 

*BANG*

Sapol! Napatingin sakin si Kira at tanguan lang ang naging sagot namin sa isa't isa. Nagbilang ako sa isip at muling nagpaputok sa may Van, natamaan ko ang dalawa sa kanila sa mismong ulo.

*BANG* *BANG*

Mula sa di namin alam kung saan galing ang dalawang putok ng baril na iyon, ay nakita kong nakahandusay na sa lupa ang iilan sa mga armadong kalalakihan. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid para hanapin kung saan galing iyon. Hindi sa DMLR's at lalong hindi galing kay Kira, Kung ganoon kanino at saan galing iyon?

"Mels mukhang ikaw talaga ang pakay nila." Hindi ko namalayan na nakalapit na pala sakin si Kira. "I'm out, Meron kapa ba?" Aniya na nakasandal din sa lupa. Kinapa ko ang Gear ko upang kapkapin ang dalawa pang magazine na natira sakin. Pareho kami ng modelo ng baril ni Kira kaya sasakto lang ang magazine ko sa baril niya. Agad kong iniabot sa kanya ang isa pa.

"Mukha nga, kanina palang ay alam ko na may gustong pumatay sakin dito." Sambit ko, inilinga ko ang paningin sa paligid, nagkakagulo parin ang mga tao sa buong Arenacross para silang mga laggam sa dami ng bilang nila. Bigla akong nakaramdam ng pag aalala para sa mga kaibigan ko, baka matamaan sila ng balang ligaw. Sana lang ay walang mapahamak isa man sa kanila. Iwinaksi ko na sa isip ko ang kalagayan nila at nakiramdam sa paligid. Hindi parin ubos ang mga kalaban namin. "Saan galing yung dalwang putok kanina?" Tanong ko kay Kira na ngayon ay nakpagbarilan na rin sa mga kalaban.

"Hindi ko alam, pero sigurado ako na kampi sa atin yun." Kalmanong aniya at sumandal ulit sa lupa. sa pagkakataong ito ay ako naman ang umasinta sa kalaban, lima nalang ang natitira. Inasinta ko ang dalawa at agad naman silang tinamaan sa tyan at dibdib, nakita ko na nagpaputok din si Neil at Fitz ng DMLR's sapol ang dalawa pa sa paa, nagawa pa nila kaming gantihan ng putok kaya agad din kaming dumepensa.

*BRRRRROOOOOOOOMMMMMMM*

*BANG* BANG* BANG* BANG*

"Holy shit! takbo!" Sigaw ko nang may isang nakamotor pa ang nagpaulan ng bala sa pwesto namin. Tinakbo ko agad ang motor ko at sumakay. hinabol ko ang nakamotor. nakita ko pa sa side mirror ko na napatumba naman ni kira ang natitira sa Van, ngayon ay ang naka motor nalang. balak nyang tumakas! ngunit hindi ko sya papayagang makalabas dito! binaril ko ang gulong nya ngunit nakaiwas ang gago! Gumanti din sya ng putok sa gawi ko at napayuko naman agad ako upang maiwasan ang tira nya. Racer ako kaya mabilis ko syang nahabol nang hindi nya inaasahan. 

You Got MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon