chapter 10.2 The fight part 2

383 11 9
                                    

ML/N: Oh! para sa certified baliw ko na anak sa MMOISY group dedic sayo to..love you nak jen kahit adik at baliw ka pa.. mana-mana lang yan... hehehe!!!

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Maley's POV

Ang sarap pakiramdaman ang hangin. preskong-presko sa pakiramdam. parang nasa probinsya ako ngayon. napakatahimik ng paligid. tanging mga huni lamang ng mga ibon na nag aawitan ang maririnig sa buong paligid. sinong mag aakala na may ganitong lugar sa manila at nasa JSA pa. 

nare-relax ang isip ko at damdamin hatid ng mapayapang kapaligiran. ina-alis nito ang mga alalahanin ko sa buhay. panandaliang nawawa sa isip ko ang mga problema at malulungkot na mga ala-ala ng nakaraan.

sana ganito nalang palagi ang mararamdaman ko, kahit na umalis ako sa lugar na to. tanging ang punong ito lamang ang nagbibigay ng kapayapaan sa isip at sa puso ko.

ramdam kong may tumatawag sa cellphone ko. tiningnan ko ito at ibinalik din agad, sina yessa lang pala ang tumatawag. hindi ko na sinagot dahil naririndi na talaga ako sa kakulitan nya! gusto ko munang lumayo sa kanila. minsan ko lang to maranasan ang ganito kapayapa. walang maingay sa paligid at walang makulit!

*TING-TITING-TING*

'Bell na pala at late na ako!' >.<

nakaramdam ako ng pagkatamad pumasok kaya hindi na ako kumilos upang bumalik sa room. nanatili pa akong nakahiga sa duyan na gawa sa tela na dinala ko kanina dito. naghalungkat ako ng mga hindi na ginagamit na mga gamit kagabi at nakita ko nga itong duyan na gawa sa tela. kaya dinala ko kaninang umaga.

------

*TING-TITING-TING*

ilang oras din akong nakaidlip nang marinig ko ang pang huling bell. alas kwatro na nh hapon at alas singko ang uwian.

sarado pa ang main gate sa mga oras na 'to kaya hindi ako pwedeng dumaan doon dahil baka malaman ng guard na nag cutting ako at baka makita ako ng mga teacher ko na pang hapun. 'lagot ako neto!'

nasa 8 feet ang pader dito sa likod ng school, kaya dito nalang ako dadaan, wala namang nakabantay dito kaya lusot ako sa guard.

inayos ko na ang mga gamit ko sa bag at niligpit ang duyan. 

pinagmasdan ko ang mataas na pader ng JSA. 5'6 feet ang height ko at nasa 8 feet naman ang tatalunin ko. nagmasid muna ako sa paligid, baka may makakita sa akin at mareport pa ako sa office.

dumistansya muna ako sa pader at patakbong tinalon ko ito saka inangat ang aking katawan. 'ah! this is life!' sabi ko nang nasa ibabaw na ako. ang sarap ng hangin. kitang-kita ko ang malawak na mansion ng mga Shin sa di kalayuan. sila ang may-ari ng JSA. ilang minuto pa akong nakatayo sa ibabaw ng pader at pinagmasdan ang paligid bago ako bumaba.

nasa likurang bahagi ako ng school kaya bago makarating sa main road ay maglalakad pa ako sa gilid na bahagi ng school. bagamat sementado naman ang daan dito ay gubat parin ang nasa kanang bahagi ng daan.

napatigil ako saglit nang may maramdaman akong nakamasid sa akin sa di kalayuan, kung saan ako nakatayo ngayon. hindi maganda ang kutob ko. malapit na ako sa gate 2 at nakasarado parin ito. 'hindi ako matutulungan ng mga guard pag nagkataon shete!'

"anong gusto nyo tagu-taguan o langit lupa empyerno?" malakas na sabi ko para marinig nila.

"wala ka talagang kupas my lady!"

You Got MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon