ML: dedic po sayo! salamat sa pag follow! ♥_♥
salamat sa pagbabasa!!
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
chapter 7
Maley's POV
"aaaahhhhhh!!!"
kasabay nang pagsigaw ni relfa ay ang muntikan na nyang pagka hulog sa sanga. mabuti nalang at agad syang naka-kapit sakin.
"waaaahhh!!! bakit? bakit?" patiling sigaw din ni jessie na naka kapit din sa sanga.
"m-ma-may a-a-ahas! ottoke! ottoke!" na nginginig na sabi nito. tsk! agad kong kinuha ang lighter sa bulsa ng uniform ko at kumuha ng papel sa bag. "b-baks bakit may lighter ka? nag yo-yosi ka?"
"baks anong ginagawa mo?" natatarantang tanong na din ni jessie
hindi ko masagot ang mga tanong nila "tsk! eyelashed boa" sabi ko nalang at kinuha ang dagger ko na nasa bulsa ng short ko. itinusok ko ang dagger sa papel at sinindihan. ilalapit ko ito sa ahas para lumayas na ito. kailangang mapa alis ko ang ahas bago pa ma ubos ang apoy. "tsk! bitaw ka nga muna baks! hindi ko ma abot ang ahas!" pasinghal na sabi ko kay relfa na naka-kapit tuko sakin. agad nya akong binitawan kaya agad na akong nakalapit sa ahas.
"baks!!" sigaw nung dalawa nang akmang gagapang pa ang ahas sa direksyon ko. lalo ko pang inilapit ang apo sa ulupong. hindi rin nagtagal at parang natakot na rin ito.
Jessie's POV
kinakabahan ako sa ginagawa ni maley! hindi sapat ang maliit na apoy para mapalayas ang ahas na yan. na ngayon ko lang din nakita, "eyelashed boa? anong uri ng ahas ba yun.?" tanong ko nalang sa sarili dahil sa matinding kabang nadarama. hindi ko kasi alam kung ga-ano ang kamandag ng ahas na yan kapag natuklaw kami!
"oh my god baks!" nagulat ako sa sigaw ni relfa dahil sa bilis ng mga pangyayari! pero parang nag slow motion sakin ang lahat. nang umihip ang malakas na hangin kasabay nun ay ang pagkawala ng apoy sa sinindihang papel ni maley. mabilis ang pag gapang ng ahas papunta sa kinaroroonan ni maley. akamang tutuklawin na ng ahas ang kamay ni maley ngunit inihagis nito ang hawak na dagger sa ahas at SAPOL! napanganga pa ako sa pagka mangha! bulls eye dude!
nakadikit na ngayon sa puno ang ulo ng ahas, habang nakatarak pa rin sa ulo ng hayop ang dagger na ginamit ni maley. patay na yata dahil hindi na ito gumalaw.
"baks buhay pa ba yan?" kinakabahang tanong ni relfa kay maley. lumingon lang ito na blangko ang tingin at kinuha ang dragger na nakatarak sa ahas at nakatusok sa puno.
"hindi na" matipid na sagot ni maley at marahas na hinablot ang dagger nya. 'teka! bakit may dragger sya? bawal yan dito sa JSA ah?' nang malaglag na ang ahas sa lupa ay agad nyang pinunasan ang dagger na may dilaw? na liquid? 'tama ba ang nakikita ko?'
"teka! bakit yello ang dugo nyan? at bakit may dagger ka? bakit sapol ang pagtira mo kanina sa ahas? bakit parang sanay na sanay ka?" hindi ko na napigilang magtanong nang sunod-sunod nalilito na rin ako.

BINABASA MO ANG
You Got Me
JugendliteraturGalit siya sa mga lalaki, lalo na sa mga guwapo. Hindi niya rin alam kung bakit siya galit sa mga ito. Nagsimula ang lahat noong mangyari ang isang bangungot tatlong taon na ang nakakaraan. Ngunit isang Chalviegn Charles Montenegro ang dumating sa...