chapter 20 continuation

324 20 7
                                    

ML/N: Short lang po ito! pasensya na at ngayon lang ang update! heheheh!!! Next Chapter po ang 3 YEARS PAST ni Maley! 

Third Person's POV

"P-prin..What!?"

"ANO?

"Prinsesa?"

Kanya-kanyang saad ng mga tauhan ni Bobby na kahit sya ay nagulat din. Ngunit namilog ang mata niya at saka malakas na tumawa.

"Wahahahaha! Prinsesa daw yow!?" Aniya sa kanyang mga tauhan na nakisabay narin ng tawa sa kanya. "Anong pinagsasabi mong Prinsesa?" Sabi pa nya. "Ito prinsesa?" Turo pa niya kay Maley sa pagitan ng makamatay na halakhak nya.

"Psst! Charles, hoy Charles!" Tawag pansin ni Raven sa nakatulalang kaibigan. Nang matauhan ito ay wala sa sariling napatingin ito kay Raven.

"Ha?" Aniya.

"Ano bang ginagawa mo? Pilitin mong makalas yang tali mo!" 

"O-oo! oo!" Tumango-tango pa sya nang sunod sunod. Walang nakakapansin sa kanila dahil ang lahat ay hindi maalis ang tingin kay Relfa na nakikipaglaban parin sa mga tauhan ni Bobby. 

Lumapit na sa kanya si Maley at inagaw ang bat sa kanyang mga kamay, ngunit bago pa niya makuha ang bat ay muntikan pa sya nitong mapalo. Mabuti nalang at mabilis din ang mga kilos ni Maley kaya napigilan niya ito. Natauhan naman sa huli si Relfa kaya nanghihina itong napayakap kay Maley saka umiyak ng umiyak.

Napanganga na lamang si Bobby at ang lahat ng mga tauhan niya sa nasaksihang kabrutalan ni Relfa. Halos kalahati kasi ng bilang nila ay napatumba ni Relfa at ngayon ay hindi na makabangon.

"Tsk! Ano bang nangyayare sayo?" Tanong ni Maley kay Relfa saka ito inalalayang maupo sa sahig. Iyak parin ito ng iyak na parang batang nababaliw.

"Pri-prinsesa! waaaaahhh!!!" Iyak na naman niya. "Mahal na Prinsesa sana hindi ka nalang pumunta pa dito waaaahhh!!!" Sabi niya sa pagitan ng kanyang hikbi.

"Ano ba yang pinagsasabi mo? Hindi ako prinsesa gagu!" Binatukan na ni Maley si Relfa dahil hindi ito matigil sa kakaiyak. Biglang natauhan si Relfa kaya napatakip ito sa bibig at nanlaki ang mga mata. "Aaahhh!!! Ahahahaha!!! ibig kong sabihin, prinsesa ka ng katarantaduhan!" 

"Gagu! kung ano-ano pinagsasabi mo riyan!" Tumayo na si Maley saka hinarap sina Bobby. "Tsk, tapusin na natin to." Saad niya bago sumugod kina Bobby.

"Waaahhh! BAks!" Tili ni Yessa. Mariin pa syang napapikit nang patakbong sinugod ni Maley ang ilan sa mga lalaki.

Habang sina Charles naman ay natigil sa pagkalas ng lubid at napanganga na naman dahil sa kanilang nasaksihan. Mabilis pa sa hangin ang kilos ni Maley at sing bangis ng tigre ang mga atake nito. 

Bawat galaw ni Maley ay may kalakip parin na preasure. Iniipon niya ito sa loob ng kanyang chi  o energy fource bago ilabas sa pagitan ng mga atake nya kaya mabilis nyang napapatumba ang mga kalaban. 

(ML/N: Hunter X Hunter, Dragon balls! Naruto! hahahaha!!! Pero totoo po na may Chi! Yung kaibigan kong si Chi! hahahaha!!! charot!!! MERON talaga nyan! promise! mamatay ka man! :D)

"Ow may gad!" Nakangangang wika naman ni Jessie. Hindi niya inaasahan na ganito pala kalakas ang dalawang kaibigan. Kung nagulat at hindi sya makapaniwala sa ipinakita ni Relfa kanina, ay mas lalo naman syang hindi makapaniwala ngayon kay Maley. Ganun din ang reaksyon ng iba pa.

Samatalang nagngingitngit naman ang kalooban ni Bobby habang pinanunuod ang kinapupuotang nilalang na unti-unti na ring inuubos ang kanyang mga bata. Hindi na sya nag-aksaya ng panahon at inilabas na nya ang nakatagong baril sa kanyang jacket. Itinutok niya ito sa gawi ni Maley ngunit hindi nya matyempuhan sa bilis ng galaw nito. "Put*****! Hindi parin nagbabago ang style ng pakikipaglaban niya!"

Tumalon nang mataas si Maley at sabay na sinipa ang dalawang lalaki na nasa kanyang tagiliran. Pagkalapag niya ng sahig, bigla yuko upang maiwasan ang tira ng isa pa. Gumulong sya pakanan at mabilis na sinipa habang nakahiga ang dalawa sa mga panga nila. Mabilis din syang tumayo at bumaling sa kanyang likuran sabay suntok nang malakas sa dibdib ng lalaki na may kalakip na preasure kaya nawalan ito bigla ng malay.

*BANG!*

Tumakbo sya ng mabilis upang magtago sa isang poste at inilabas ang kanyang baril. Hinihingal na sumilip pa sya ngunit agad ding nagtago ulit nang bumaril ulit si Bobby sa gawi nya.

"Duck Mamen!" 

Umikot sya sa poste at mabilis na sumilip at nang makakuha ng tyempo ay nagpakawala sya ng isang putok. Sapol sa paa si Bobby kaya napaluhod ito.

Samantalang nakabantay at naka alerto din sina Billy at Riegn at reresbak lamang kapag sinabi na ni Maley. Yun ang usapan nila. Dahil hanggat maaari ay hindi niya gusto na may iba na namang madadamay sa gulo nya. 

Kahit na may tama ng bala si Bobby ay nagawa parin nitong makasakay sa van habang inaalalayan ng mga natirang tauhan. Ngunit sadyang matigas ang ulo nya at gusto na talaga niyang mapatay si Maley ngayon ay bumalik parin sya sa pwesto niya kanina at muling nagpakawala ng sunod-sunod na putok hanggang sa "click" nalang ang naisagot ng baril nya sa huli. "Punyeta!" Muli syang kumuha ng magazine sa likod ng kanyang pantalon. Subalit bago pa man nya maipasok ang magazine sa kanyang baril ay ganun na lamang ang gulat niya nang nasa harapan na nya mismo si Maley.

"Tsk! Ang bagal mo naman?" Nag smirk si Maley sa kanya bago tiningnan ang ilan pa sa mga tauhan  ni Bobby. Naglabas na rin ng kanya-kanyang mga baril ang mga tauhan ni Bobby at itinutok naman kay Maley. Ngunit idiniin naman ni Maley ang dulo ng baril niya sa ulo ni Bobby. "Subukan niyo at sabog ang bungo nito." Aniya sa malamig na tinig.

"I-ibaba niyo yan!" Pinagpapawisang sambit ni Bobby atsaka masamang tiningnan si Maley. Wala na ring nagawa ang mga tauhan niya kundi ang ibaba ang kanilang mga baril. "Kaya mo ba talagang iputok yan ha!?" Singhal niya kay Maley, ngunit tinitigan lang sya ni Maley ng walang emosyon.

"Kaya ko kung gusto mo." 

Bagama't nagulat si Bobby sa isinagot nito ay hindi sya nagpahalata. Lumalakas na rin ang tibok ng puso niya dahil sa kaba. "K-kaya mo bang pumatay ulit?"

Lahat ay nagulat sa sinabi ni Bobby at para namang binuhusan ng malamig na tubig si Maley sa kanyang kinatatayuan.

"Nakapatay na sya?" Charles 

"Oh my god!" Yessa

"Hindi!" Si Relfa na biglang napatayo.

"This can't be." Nakaawang ang mga labi ni Jessie. Isang kriminal na ngayon ang tingin niya sa kaibigan.

"Kaya ko."

"kung kinakailangan at kung kung kailangan kong mailigtas ang mga kaibigan ko. Kaya kong patayin ka."

--monzlissy ♥.♥

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 29, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You Got MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon