chapter 17 Billy San

296 12 4
                                        

NATATAWA ako sa title ng chapter na to... basta pumasok nalang yan sa isipan ko! hahaha! nahirapan kasi ako mag-isip ng apelyedo niya...kaya ayan nalang!!! hahahaha!!! move on na!! *PAAAAKKK!*

Maley's POV

Isang linggo ang nakalipas nang hindi ko na pinapansin sina Relfa at ang mga bago nilang kaibigan na sina Pakno. alam ko na dati pa namang hindi talaga kami nagpapansinan nyang si Pakno eh. Kung noon ay nag babangayan kami pagkakita pa lang namin sa isa't isa. ngayon ay iba na... pag nagkasalubong ang mga landas namin ay walang tinginan na nilalagpasan namin ang isa't isa. parang hindi lang kami nagkasalubong, yong ganon. 

Alam ko rin na tahimik lang sina Relfa na nakikiramdam sa akin. pero wala na akong pakialam pa kung anong mga ginagawa nila. kahit magsi-tumbling pa sila sa harapan ko ay hindi ako interesado. gusto ko na talagang mapag-isa nalang habang nag-aaral pa ko. at ang isa pang rason kung bakit pinalalayo ko na sila sakin ay ang posibilidad na baka madamay pa sila sa gulo namin ni Bobby at sa mga nagtatangkang patayin ako. hindi na kakayanin ng konsensya ko na may mapahamak ulit nang dahil sakin. ayokong ako ang magiging dahilan ng kapahamakan nila. dahil baka sa pagkakataong ito ay hindi ko na kayanin. ayoko na mangyari ulit ang nangyari noon. kaya habang maaga pa at hindi pa huli ang lahat ay dapat na talagang pigilan. 

Nasa JSA na ako ngayon dahil ako ang may hawak ng susi ng room namin, at kamalas-malasan nga naman. ako pa ang naging leader ng cleaners sa araw na 'to! 

Maaga akong umalis ng bahay kaya maaga rin ako ngayong nakarating ng school. Wala pa masyadong istudyante ngayon. 

Sabi ko nga diba? Malas! Duck! dahil ako palang mag isa ang cleaners na dumating. Usapan namin ay 7am ay nandito na ang lahat. at sa tingin ko naman ay magpapa-late ang mga hinayupak ko na mga co-cleaners. mga boy sit men!

 Ano pa nga ba ang magagawa ko? Eh di ang maglinis nalang mag isa! Tsk! Tsk! Tsk! napapailing pa ako habang nagwawalis. Mga tamad! Mga inutil! Mga......Tsk! wala na akong maisip! 

Nagtuloy lang ako sa paglilinis ng room. walis dito walis doon, mop dito mop doon, punas dyan punas dito.... Alipin, katulong, maid, alila, mutsatsa,utusan. lahat lahat na pwedeng itawag sa papel ko ngayon ay iyon ako! Humanda kayo kapag ako sinumpong ng pagiging Pakna, Lean thick lang ang walang ganti! Mga Peace tea kayo men!

Nasa kalagitnaan na ako ng paglilinis at pagpupunas ng bintana nang may makita ako na pasilip-silip sa kinaroroonan ko ngayon. Duck! Naging alerto ako at inihanda ang sarili. Tumigil ako sa pagpupunas ng bintana at kinuha ang basurahan upang itapon sa labas. 

"Sino ka at anong kailangan mo sakin?" Dinaklot ko agad ang leeg niya at itinutok doon ang dagger na dahan-dahan kong kinuha kanina sa short ko. "Sumagot ka!" Pagdidiin ko pa.

"Ganito ba talaga ang mga istudyante sa school na to?" Kalmado lang na sabi niya, ni hindi man lang pumiglas o nanlaban.

"Tsk! Oo ganito ako sa school na to, lalo na sa isang tulad mo na tahimik na nagmamasid na parang tik-tik! Ano ka aswang?" Sarkastikang tanong ko sa kanya na ikinatawa pa niya, may nakakatawa ba sa sinabi ko? kung meron kilitiin ako ngayon na, para matawa din ako kawawa naman kasi sya, walang karamay. 

"Relax, masyado ka namang atat nyan. transferee ako dito at hinahanap ko ang magiging room ko, kaya ako nakamasid kanina sa room niyo ay dahil tinitingnan ko ang nakasulat na section don." Kalmado parin sya. Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. nagiging paranoid na nga yata ako. ilang araw na din kasi nang may maramdaman ko na palaging may nakasunod sakin.Ngayon ko lang napansin na naka-uniform din pala siya na tulad ng sa akin. "Pwede mo na ba akong bitawan ngayon mahal na prinsesa?" Nakangiting aniya pa.

You Got MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon