chapter 9
Charles's POV
WELCOME TO JACK STONE ACADEMY
napabuntong hininga ako matapos kong bumaba sa kotse. last week lang noong sinabi ni mama na dito na nga daw ako mag-aaral. dahil lang kay yeng-yeng kaya pinalipat nya ako dito. 'keep an aye on your sister' psh! naging instant body guard pa ako ng kapatid ko.
kung sabagay kasalanan ko din naman. dahil nga pala sa nangyari sa kanya noong hindi ko sya naisabay pauwi dahil nga sa may pupuntahan ako. nagkatampuhan din sila ni raven kaya hindi na sumabay si yeng sa kanya. LQ. hindi pa nga sila nag aaway na. na guilty tuloy ako dahil sa nangyari sa kanya.
buti na nga lang daw may tumulong sa kanya. nagulat nalang ako dahil nagpumilit sya kina mama na lilipat daw sya sa school nung taong nagligtas sa kanya. hindi ko alam kung yun nga ba yung dahilan ng paglipat nya o dahil kay raven. sabi pa nya gusto nya daw maging kaibigan yung taong yun kaya pinagbigyan ang spoild.
at yung nga sa JSA pala sya nag transfer, kaya damay na naman ako.
"brad andito na tayo." nagbalik sa reality ang isip ko sa sinabi ni raven. "makita ko lang talaga yung taong yun babasagin ko mukha niya!" nagselos nga pala tong gago na to. baka daw na agaw na ng taong yun ang kapatid ko sa kanya. possesive.
"relax tol! nagiinit ka na naman mamaya pumutok ka nalang dyan." biro sa kanya ni ritchie. sinamaan naman sya nito ng tingin kaya natahimik nalang din sya.
"psh! kung sa FGI kinds of flowers, dito naman zodiac sign" -micko
"tss kumatok nalang kayo nang makapasok na tayo. gusto ko nang matulog." sabi ko sa kanilang tatlo. oo nga pala sumama na rin sila sakin dahil hindi nga kami mapaghiwalay na apat. hindi daw kompleto ang araw nila kapag wala ang master nila. master sa kagaguhan.
Third Person POV
magkakatabi na ngayon ng upo sina maley, relfa, yessamin at jessie. nag request ang mga kaibigan nya sa adviser nila na tabi nalang silang tatlo kay maley. dahil sa likas na kabaitan ng guro ay pinagbigyan na sila.
"mga baks may new students daw ngayon ah?" sabi sa kanila ni relfa habang nagsusulat sa notebook nito. kasalukuyan silang nagsusulat ng tula tungkol sa kabataan nila.
"students? ibig sabihin madami sila?" tanong naman ni yessa.
"kaya nga may 's' di ba?" asar sa kanya ni jessie
tahimik lamang si maley na nakikinig sa pinag uusapan ng mga kaibigan niya. nasa kalagitnaan na sila ng klase nang may kumatok sa pinto. agad itong binuksan ng kanilang guro.
"pasok kayo mga ginoo" sabi ng adviser nila pagkatapos buksan ang pintuan.
"KYAAAAAAAHHHHHH!!!!"
"ang gwapo nila grabe!"
"my gahd! feeling ko mahihimatay na ako! kyaaahh!"
"waaahh!!! classmate's natin sila girl!"
"tanga ka lang bhe? syempre nandito sila sa classroom natin kaya malamang classmate natin sila! sila pa yung mga new student's na sinasabi nila."
binalot ng maiingay na sigawan at tilian ang buong room nila.
samantalang si maley naman ay parang walang pakialam sa paligid niya at nagtuloy lang sa pagsusulat.
"kuya?"
agad napabaling ang pansin nina relfa at jessie kay yessa."what?" takang tanong sa kanya ni jessie. "brother mo ang isa sa kanila?" tanong naman sa kanya ni relfa at nagpalipat lipat ng tingin sa unahan. hindi pa rin napapansin ni maley ang usapan ng mga kaibigan nya. pilit kasi nyang ina alala ang mga pangyayari noong kabataan nya. may mga suma-sagi sa isipan nya na mga eksena ngunit sadyang malabo ang mga ito kaya hindi nya maintindihan.
![](https://img.wattpad.com/cover/10558674-288-k667577.jpg)
BINABASA MO ANG
You Got Me
Teen FictionGalit siya sa mga lalaki, lalo na sa mga guwapo. Hindi niya rin alam kung bakit siya galit sa mga ito. Nagsimula ang lahat noong mangyari ang isang bangungot tatlong taon na ang nakakaraan. Ngunit isang Chalviegn Charles Montenegro ang dumating sa...