Chapter 3
Maley’s POV
Palabas na ako ng school gate ngayon at nakabuntot pa rin sakin si relfa. “uhm maley saan ka dadaan? ” tanong nya. Hindi ako maka paniwala na may mas matanda pa pala sakin sa klase.
Hindi halata sa itsura nya. Ang sabi nya kanina sakin nahinto rin daw sya sa pag aaral dahil sa sakit nya. Hindi ko alam kung anong sakit yun dahil hindi naman nya sinabi.
“sa daan” sagot ko.
“hwag ka ngang pilosopo”
“bakit? Tama naman ako ah? Nagtanong ka kung saan ako dadaan? San pa nga ba edi sa daan.”
“what I mean is saan ang way mo pa-uwi?”
“ahhhh… linawin mo kasi.. tanga tayo eh.”
“ayte! Saan nga?”
“dun sa kabilang kanto pa sa sakayan ng jeep papuntang kapasigan.”
“gusto mo hatid na kita?”
“bakit? May kotse ka?”
“meron!”
“bakit saan ba ang way mo pauwi?”
“sa kabila”
“edi hwag mo na akong ihatid.. mapapalayo ka lang.. sayang ang gas.”
“okay lang yun! Saka gusto ko Makita ang bahay nyo!”
“Bakit naman nya gusting Makita ang bahay namin”
“hwag na nextime nalang… sige na una nako.”
“eeeehh! Sige na kasi!”
“bukas nalang… okay na?”
“sabi mo yan ha?”
“oo nga ang kulit.”
“okay sige! Ba-bye baks!” tumakbo na sya palayo.
Haist ang kulit nya. Naki baks na rin sya sakin. Narinig daw nya kasi yung pag uusap namin ni sir lopez. Kaya baks na rin ang tawag nya sakin. Gusto nya rin na tawagin ko rin syang baks.. haha! Kung alam nya lang talaga kung anong ibig sabihin ng baks ewan ko nalang kung gu-gustuhin pa nyang tawagin ko syang ganun.
BINABASA MO ANG
You Got Me
Teen FictionGalit siya sa mga lalaki, lalo na sa mga guwapo. Hindi niya rin alam kung bakit siya galit sa mga ito. Nagsimula ang lahat noong mangyari ang isang bangungot tatlong taon na ang nakakaraan. Ngunit isang Chalviegn Charles Montenegro ang dumating sa...