chapter 16

308 13 8
                                    

Jessie's POV

Araw ng lunes at tuluyan na nga kaming hindi kinakausap ni Maley. Kanina sa flag ceremony ay hindi namin sya nakita, pagdating naman namin sa classroom ay nakatungo lang sya sa mesa niya. Ano ba kasing problema niya at ayaw na nya kaming makasama?

 "Psst!"

"Psst! Jess!"

"Jessie!"

Sayang naman kasi ang mga pinagsamahan namin. kahit saglit palang namin syang nakasama ay naging memorable naman ang mga naging bonding namin. Naalala ko pa noong tinanggap niya si Yessa bilang kaibigan, pagdating kasi nang uwian noon ay nag yaya si Yessa na kumain sa labas. 

*Flasback*

"Best tara kain tayo sa labas, my treat!" Masayang anyaya pa ni Yessa kay Maley saka masayang tumingin din sa amin ni Relfa.

"Ayoko, kayo nalang."

"wag ka nang KJ Baks, treat naman niya eh." Si Relfa. Tahimik lang akong nakamasid sa kanila. "At saka for celebration na rin!"

"Para saan naman?" Nagtatakang tanong pa nya.

"Para sa simula ng friendship nating apat!" 

"Tss!" Tanging naiusal ko dahil sa kama-isan nila. Wala na rin kaming nagawa ni Maley nang sapilitan na nila kaming hinila palabas ng classroom diretcho sa parking lot.

---------

"Annyeonghaseyo! Welcome to korean cuisine"

"Order lang kayo ng order ng mga gusto niyong kainin ah? Akong bahala!"  Sabi sa amin ni Yessa nang makaupo na kami sa loob ng isang korean Restaurant.

"Bakit dito pa tayo kumain, eh ang mahal ng mga foods nila dito?" Pagrereklamo naman ni Maley. Hay naku, kuripot talaga ang isang to! Ay teka, hindi nga pala sya ang magbabayad. hehehe!

"Ah-ah-ah!" Ani Yessa na umiling-iling pa. "Don't worry Best i can afford naman eh."

"Sige ikaw bahala." Kibit balikat na sagot niya pa.

"Oh Baks Jessie at Relfs, Order lang kayo ng gusto ninyong kainin." 

"Ano pa nga ba?" Sabi ko.

"Ako ito gusto ko." Turo pa ni Relfa sa menu. "Tsaka ito, ito, ito, ito, ito, at apat nito. hehehe!" 

"SPG!?" Hindi ko napigilan ang bibig ko.

"Anong SPG? Baks?" Nagtataka namang tanong niya sakin.

"It's Super Patay Gutom baks!" Inirapan ko lang sya at nagsimula na ring tumingin tingin ng mga pagkain sa menu.

"Super agad? hindi ba pwedeng matakaw lang?" Ganting irap nya sakin at hindi ko na ito pinansin.

"Bibimbap, Gimbap, Hobakjuk, Seafood pajeon at Cabbage kimchi ang sa akin." Sabi ko at itiniklop ang menu. Pagkatingin ko sa kanilang tatlo ay nanlalaki ang mga mata nila. "Bakit?" Inosenteng tanong ko pa.

"Isa ka ding SPG!" Si Relfa na siniringan pa ako.

"Tsk! Tsk!" Si Maley na iiling-iling pa.

"Kaya mo ba yang ubusin?" Tanong naman ni Yessa. O-order ba ako kung hindi ko kaya? Tong mga to walang bilib sa tiyan ko. hehehe! ang totoo nyan, kanina pa talaga nag-iingay ang mga dragon ko sa tiyan, hindi ko lang pinapahalata.

"Oo naman, libre din yun. sasamantalahin ko na, baka hindi na mauulit ang panlilibre mo sa amin." Taas noong sabi ko pa saka maangas silang tiningna isa-isa.

"Ano ka ba, hindi pa ito ang huli ano!" Ani Yessa. "Magiging madalas pa nga to kung tutuusin, hahahaha! Gusto ko kasing makasama sa hapag ang mga bago kong kaibigan!"

You Got MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon