chapter 2

553 12 4
                                    

chapter 2

maley's POV

"men bahala na nga!" sigaw ng utak ko.

tumayo na ako at nakayukong naglakad sa harap. "maley kaya mo yan! matapang ka at wag kang kabahan hindi sila nanganga-in." sabi ko sa sarili.

nasa harap na nila akong lahat. ibinuka ko ang bibig ko para magsalita pero sa lakas ng kaba ko parang hangin lang yung lumabas mula sa bibig ko. "waaah! maley mag salita kana para matapos na to!"  eto na eto na...

1 hingang malalim....

2 tingin sa harap.....

3 go!

"a-ako ss-si ma-maleyday sim-s-son labing syam na taong gulang. kinagagalak kong makilala kayong lahat. yun lang at salamat." nauutal pa ako shete! tumingin ako kay miss bell at ngumiti lang sya sakin. hindi ko na sya hinintay na mag salita at dali-dali na akong bumalik sa upuan ko.

“yuck ang tanda na nya para sa 3rd year student”

“oo nga hindi ba sya nahihiya manang na sya eh?”

“she’s so old na para maging classmates pa natin sya.”

“hindi sya bagay dito sa JSA.”

“what a loser dapat hindi na sya pumasok e ang tanda na nya.”

Mga bulong bulungan ng mga classmates ko. Kung bulong ngang matatawag yun e rinig ko naman. Kung ano ano pa ang mga sinabi nila.. hindi ko nalang pinag ukulan ng pansin.

Pansin ko ang parang nandidiring tingin nila sakin. Sabi ko na nga ba eh.. hindi nila ako magugustuhan. Kahit kelan talaga mapang husga ang mga tao. Pssh!  Hindi ko naman kailangan na magustuhan nila ako. Wala akong paki alam sa kanila kung anu man ang iisipin nila sakin. Basta ako nandito ako para mag aral. kung hindi nila ako gusto, edi bahala sila.

“salamat binibining simson.” Nakangiti pa rin sya habang nagsasalita. Iniwas ko nalang ang paningin ko sa kanya at tumingin sa labas ng bintana. Sunod-sunod na ring nagpakilala ang mga classmate’s ko. Hindi na ako nakinig sa kanila. hindi ako interesado sa mga pangalan nila.

Pagkatapos nilang magpakilala lahat. sinabi na rin ni miss bell na bukas na kami mag e-elect ng mga classroom officer’s.

“miss simson wait.” Tawag sakin ni miss bell bago pa ako makalabas ng room. “its good to see you  again and im glad na makakapag aral kana ulit dito.” Sabi nya habang nakangiti. pwede na syang mag english pag tapos na ang klase nya. Binigyan ko lang sya ng matipid na ngiti bago umalis. Ganun ako sa kanya dati pa. kahit na anung buti ang ipakita nya sakin ngingiti lang ako ay okay na yun sa kanya ..kung yung mga barkada ko dati kung ituring nila si miss bell ay parang kabarkada lang din nila. Iba ako.. masyado syang mabait at hindi ako sanay.

Ganun din ang ginawa namin sa mga next subject namin. Introduce your self lang naman. Pa ulit-ulit at nakaka pagod na magsalita sa harap.

Hanggang sa mag vacant time na namin. one hour lang yun kaya pumunta nalang ako ng library. Ayoko munang pumunta sa cafeteria. Ang daming students dun. Nahihiya pa ako dahil wala naman akong kasabay. Magiging loner lang ako dun. Dito nalang ako sa library iidlip at magba- basa na nga lang ng time magazine. “what a boring day!”  kinuha ko ang THE ANGELINA EFFECT yung cover at sinimulang buklatin. Napadako ang tingin ko sa article tungkol sa pag papatanggal nya ng dibdib, para iwas sa breast cancer. 

O_O

hala! Bakit may tumulong dugo sa page ng magazine???” tanong ko sa sarili ko. napahawak ako sa ilong ko. “Ayte!” Na nosebleed pala ako sa binabasa ko. Napa iling na natawa ako sa sarili ko. Pinunasan ko na yung dugo sa ilong ko at binalik ko na yung magazine. Pupunta nalang ako sa garden wala naman akong naintindahan sa binasa ko. Tsk! Gusto ko lang naman Makita yung mga picture ni Angelina.

You Got MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon