ML/N: Hello kay parkjiyeon_Lkim na patuloy na nagbabasa ng buhay ni Maley! hai din kay RutchieMonte Na tahimik lang sa pagbabasa! hahahaha!!! at sa dalawang magagandang baby ko! Angelgalaxy at Jennilyn! salamat sa supporta at tulong nio! hahaha! matatapos na to, ilang chapter nalang! syempre joki lang yun! :P salamat sa inyong lahat! para sa inyo ito! *kaway-kaway* *flying kiss* :D
Binago ko nga pala ang chapter 1! wala lang! naboringan ako eih! may mga binawas at kunting idinagdag ako...pasensya naman at baliw lang! kasalanan ni Diana! hahaha!
Maley's POV
"Teka nga sandali lang!" Hindi ko na napigilan, dahil litong-lito na talaga ako! "Hoy tik-tik si--" Pinutol niya ang sasabihin ko.
"It's Billy San." Pagtatama niya.
"Wala akong pakialam sa buong pangalan mo bilisan!" Singhal ko na. "Ano bang nangyayari ha at bigla ka nalang naglabas ng baril dito? Alam mo ba na bawal yan, at pwede ka pang makulong! At bakit ganyan nalang ang inaasal mo patungkol sakin?" Sabi ko at binalingan ang lalaking kausap niya kanina na nakatingin sakin ng mataman. "Ang itinitingin-tingin mo diyan?" Pagtataray ko, pero walang epekto. Tumawa lang sya ng mahina saka hinapit sa bewang si tik-tik saka may ibinulong dito. Nanlaki ang mga mata ni tik-tik at masamang tiningnan ang lalaki.
Ano naman kaya yung binulong nya? Pero wala na akong pakialam pa dun! Humahangos naman na pumasok ng room sina Relfa at Jessie kasama ang iba pang kaibigan ni pakno. Nanlaki ang mga mata nila pagkakita sa akin.
"Waaaahh!!! Baks anong nangyare sayo!?" Halos sabay na sabi pa nila. Bagay talaga sila maging si B1 at B2. Lalapit pa sana sila sakin pero pinigilan sila ni tik-tik o bilisan.
Nakabuka pa ang mga kamay niya na humarang sa daraanan ng dalawa papalapit sa akin. "Bawal." Tanging saad niya at masama naman syang tiningnan ng dalawa.
"At sino ka para pag bawalan kaming lapitan ang kaibigan namin?" Si Jessie. Gulat namang napatingin si Relfa sa kanya at bahagya pang namutla at nag iwas agad ito nang tingin kay tik-tik at nagtama ang paningin namin. Gulat at pagkataranta ang nababasa ko sa mga mata niya.
Tumawa nang mahina si tik-tik sa sinabing iyon ni Jessie. Saka ibinaba ang dalawang kamay niyang nakaharang. "Correction miss, you're not her friends anymore. And as i remember she cut your friendship last sunday. Am i right?" Teka bakit ang dami niya atang alam? Pano nya nalaman yun? Andun ba sya nung sinabi ko yun?
"Correction din miss pa-epal, wala akong natatandaan na pumayag kami sa desisyon niya." Nakataas ang kilay at nakapamewang na sya. Agad na lumapit si Ritchie sa kanyang likuran saka minasahe ang mga balikat niya.
"Nice banat tombs!" Saka ito malakas na tumawa, natigil lang sya sa ginagawa nang tiningnan na sya ng masama ni Jessie.
"Umalis ka nga dyang hayup ka, baka ikaw pa ang masapak ko!"
"Oo na eto na nga oh! di ka naman mabiro eih! sige ituloy niyo na ang debate niyo." Aniya saka nagtago sa likod ni Micko.
"You are all pathetic! Bakit niyo pa ipinagpipilitan ang mga sarili niyo sa kanya kung alam niyo naman na ayaw na ng tao sa inyo. Hindi ba kayo nahihiya?" Si Billy. Hindi parin makatingin si Relfa sa amin, nakayuko lang ito kaya hindi ko mabasa ang mga mata nya.
"Hindi namin i-gigive up ang pagkakaibigan namin. kahit sandaling panahon palang namin syang nakilala at nakasama ay napamahal na siya sa amin. Kaya ikaw miss pa epal pwede bang wag ka nalang mangialam dahil kung tutuusin ay bago ka lang dito at wala ka pang alam!" Tiim bagang sa sabi ni Jessie. Tsk! bakit ba ang tigas ng mga ulo nila?
BINABASA MO ANG
You Got Me
JugendliteraturGalit siya sa mga lalaki, lalo na sa mga guwapo. Hindi niya rin alam kung bakit siya galit sa mga ito. Nagsimula ang lahat noong mangyari ang isang bangungot tatlong taon na ang nakakaraan. Ngunit isang Chalviegn Charles Montenegro ang dumating sa...
