Chapter 1

5.3K 168 1
                                    

Kate POV

Sa tingin nyo ba yung mga napapanood natin, tulad ng mga nasa drama at nababasa natin sa book at kung ano ano pa tungkol sa amnesia, totoo kaya yon? talaga bang nangyayari ito sa totoong buhay? I'm sure na karamihan sa tao naitatanong ito

Well for me it's true, paano ko nasabi? medical can prove it but ako rin dahil ito kasi ang nararanasan ko ngayon. I have dissociative amnesia, hindi ko alam ang nakaraan ko, kung paano ako lumaki? kung anong naging buhay ko? at kung paano ako naging ganito?

Nahihirapan ako sa ganitong sitwasyon, kasi hindi ko kilala ang sarili ko pati na rin ang mga taong naging part nang dating buhay ko, halos isang buwan din daw kasi ako na-comatose at pag-gising ko daw para akong sanggol na kapapanganak palang

Matagalang treatment daw ang ginawa sa akin para bumalik ako sa normal kong buhay, it's almost 2 years

Anyway, daldal ako nang daldal dito hindi nyo pa pala ako kilala dami kasing sinasabi, my name is Princess Kate Morales parang ang haba di ba?

Well hindi talaga parang dahil talagang mahaba kaya nung nagsimula ako mag aral ulit iritang irita ako pagsinusulat ko ang pangalan ko, 17 years old

Yup! malapit na mag-legal age
Hindi ko man kilala ang dating ako pero atleast now kilalang kilala ko na sarili ko

Ako yung taong mapag-isa na kayang mabuhay nang hindi humingi ng tulong sa iba? meron ba ganun? I mean hindi ako mahilig maki-paghalubilo sa iba

Simula nung junior highschool ako wala akong naging kaibigan na classmate ko

Hindi ko rin alam kung bakit?
Siguro di ko lang talaga masakyan trip nila pero syempre may kaibigan pa rin naman ako dalawa

kaya lang hindi ko rin alam kung paano ko sila naging kaibigan
mga parents ko kasi ang nagsabi na kaibigan ko daw sila, childhood friends ko daw

Sa tingin ko naman tama naman nakakasundo ko naman sila sa mga bagay bagay and also magaan rin ang loob ko sa kanilang dalawa

Tungkol naman sa buhay ko? hmm gusto ninyo pa ba malaman? tungeks talaga natural Kate nagku-kwento ka

Marangya naman ang buhay na meron kami nabibigay lahat ng gusto ko "only child" lang daw kasi ang ate ninyo pero hindi ako masyadong close sa magulang ko pinapangunahan ko na kayo

Dahil may kaagaw ako sa atensyon nila na itatago ko na lang sa pangalan na trabaho at negosyo

okay cut!

Tama na ang pagkukwento sa buhay kong hindi ko naman alam kung talaga bang interesado kayo

"Ija bumaba ka dyan at hinahanap ka nang Mama mo" what? tama ba yung narinig ko si Mama himala after 5 months may balak pa pala silang umuwi

"Okay po susunod na ako" sagot ko kay Manang Edna siya ang madalas na nakakasama ko dito sa bahay, siya rin kasi ang nag-aalaga at nagbabantay nitong bahay

Pagbaba ko nakita ko agad sila Mama at Papa
si Papa na nakatutok sa newspaper at si Mama na nagbabasa ng papeles

Well, hindi na nakapagtataka. sana'y na ako sa kanila na kahit nasa tapat nang pagkain dinadala nila ang trabaho nila

"Good Morning" bati ko sa kanila pero imbes na tugunin ay tumango na lang sila ng hindi man lang ako tinitignan

"by the way Kate today ang pasok mo sa Dream High Academy baka makalimutan mo" hindi ko alam pero sila talaga ang nagdedesisyon ng school na papasukan ko

"opo, i'm aware of it"maikling tugon ko

"studywell Kate, I hope na magustuhan mo doon"

"I'm done" nakakawalang gana pag-ganito, mas gusto ko pa na mag-isa nalang kumain

Pag akyat ko sa room ko, sinilip ko ulit schedule ko

8 AM start ng class ko

Maaga aga pa naman pero mag aasikaso na ako dahil alam ko sa sarili ko na mabagal talaga ako kumilos

Mahirap gahulin sa oras well time is gold, actually dalawa kami ni Abie lumipat

Abie is my bestfriend siya yung isa sa mga nabanggit ko kaninang kaibigan ko daw, her full name is Abegail Ann Fernandez lagi ko siyang kasama kadalasan sa kanya ako umiiyak pag hindi ko na kinakaya and I'm really thankful to have her

Nagpahatid nalang ako and sakto naman pagdating ko, nahagip agad ng mata ko si Abie nakababa lang sa sasakyan

"kanina ka pa?" tanong ko sa kanya

"Nope, actually kakarating ko lang rin" sagot niya

"Oh I see" sabay kaming pumasok
I dunno but I smell something about this school something na parang alam ko na ang school na ito weird

Napatingin si Abie sa akin nahalata nya siguro sa expression ko

"Is there something wrong?" tanong nya

"Huh? uhm wala" sagot ko

"Okay, let's go?" sabay hila sakin

Habang naglalakad kami napapansin ko ang mga estudyanteng nadadaanan namin na nagugulat and then bigla nalang magbubulungan

Ganito ba talaga dito? and syempre dahil may tenga ako naririnig ko sila

"Bumalik na sila" komento nang isa

bumalik?, sino kami?

"Oo nga, alam na kaya ito ng mga Campus Title holder?" sabi naman nung isa

"I think so impossible namang hindi"

weird man sa pandinig ko ang pinag uusapan nila binabalewala ko nalang kasi mahirap na baka mamaya hindi naman kami yung pinag uusapan nila nakiki-sagap ako

"tara na baka mamaya late na tayo" pagmamadali niya sakin

"uhm wait Abie mauuna ka na susunod na lang ako" sabi ko

"Why?" tanong niya

"comfort room?"sagot ko

"okay basta sumunod ka nalang" sagot naman niya

"yup" sagot ko

maglalakad na sana ako nang pinigilan nya ako "bakit?" tanong ko

"doon yung CR saan ka pupunta?" natatawang sabi nya

"ahh doon ba, sorry naman, sige" natatawang sagot ko

Aba malay ko ba kung paano pasikot sikot dito
teka nga pala, paano naman nya nalaman na dito yung CR?

Hindi pa rin naalis yung tingin ng mga tao sakin takte siguro may dumi ako sa muka

Pagpasok ko may nakabangga pa ako sabay kasi kami papasok sa cr, hindi siguro namin namalayan ang isa't isa

Teka paano ko nga pala nalaman na dito sa building na ito ang CR?

Tinignan ko yung nabangga ko "Minsan miss tumingin ka na----" hindi nya naituloy ang sasabihin nya dahil napalitan ito ng gulat habang nakatingin sa akin

I think meron talaga dumi sa muka ko

"Kate?" tanong nya

Huh? kilala nya ako?

Princess meets Campus HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon