"Bianca, may tatanong sana ako sayo tungkol sa tatlong lalaki kanina?"
"Hmm ano yon, Kate?" sabay titig nya sakin"Sikat ba talaga yung tatlong lalaki kanina dito sa campus nyo?" ewan ko nacu-curious lang talaga ako sa kanila
"Hmm paano ko ba eexplain, oo, ang tingin kasi sa kanila nang mga babae at binabae dito sa campus ideal man sila but syempre hindi lang naman silang tatlo yung sikat here sa campus actually madami pa but they are top because of their position" paliwanag nya
"Bakit mo nga pala natanong?" curious niyang tanong sakin
"Wala naman na curious lang ako yung reaction kasi ng mga babae sa kanila tapos kanina yung expression ng mga muka nila nung nakita nila ako" kakaiba kasi talaga, kaya siguro medyo weird din yung nararamdaman ko ngayon
"Natural lang na naging ganun yung reaction nila kasi bumalik ka na pero I think mas maganda na wala kang connection sa kanila para tahimik nalang buhay mo kagaya ngayon" seryosong sabi niya
Huh?
"Okay" nagtataka man pero hindi na ako nagtanong pa dahil alam kong mapapahaba lang yung pag-uusap namin kung magtatanong pa ulit ako sa kanya
Habang tahimik kaming nakain nakarinig kami ng mga bulungan at tili na nakaagaw sa atensyon namin
Napansin ko agad ang pagdating nung tatlong lalaki kanina kaya pala maingay na naman
Bakas ang pagtataka sa muka namin nung napansin namin na papunta sa amin ang direksyon nila
Hindi ko nalang sila pinansin at bumalik ako sa pagkain baka kasi si Abie lang ang pakay nila dahil halata naman na magkakakilala talaga sila
"Kate?" tawag nung James sa akin, kaya gulat na iniangat ko ang tingin ko sa kanya
"Bakit?" tanong ko
"Tara!" walang ano ano at bigla nalang ako hinila palabas ng cafeteria natahimik tuloy lahat ng nag-iingay kanina
Pilit kong tinatanggal ang kamay nya sa kamay ko kaya lang sobrang higpit nang hawak nya sakin
"Teka, ano ba bitawan mo nga ako, saan mo ba ako dadalhin?" binitawan nya rin naman ako nang makalabas na kami
"Hindi mo ba ako nakikilala?" seryosong tanong nya sakin
Huh? ano daw?Adik ba siya?
"Natural hindi, kakakilala ko pa nga lang sayo tapos tatanungin mo ako, kung kilala kita, baliw ka ba?" galit na sabi ko sa kanya
Tumahimik ito sandali bago malalalim na bumuntong hininga
Problema ba nito?"Bakit? kilala na ba kita dati pa?" tanong ko sa kanya isang gulat na reaksyon ang nakita ko sa kanya pero agad nya naman binawi at bumalik sa pagiging seryoso
"Hindi, nice to meet you" at bigla na lang siya umalis
What?
BINABASA MO ANG
Princess meets Campus Heartthrob
Teen FictionKate is one of the new transferee students in Dream High Academy, kaya ganun nalamang ang pagtataka niya kung bakit siya kilala ng lahat at sa kakaibang trato na ibinibigay sa kanya ng mga ito. Until she meets the Campus Heartthrob named James na ma...