Kate POV
"Sige manang alam ko naman na, bye" sabay baba nang tawag
Binalita sa akin na umuwi ang mga magulang ko at umalis ulit
Actually sanay na sanay na ako sa kanila na uuwi lang sila sandali at muling aalis
"Kate" agad akong napalingon kay Andrew"Bakit?" tanong ko
"Okay ka lang ba?" tanong nya
"Oo naman, bakit natanong mo?" takang tanong ko
"Hindi ka ba nagseselos?" ano daw ako?
"Saan naman ako magseselos?"
"Sa kwento ni Jes" mukang na mis-interpret nila yung pag alis ko
"Hindi" agad kong sagot
Magsisinungaling na ako sa inyo kung sasabihin kong hindi dahil kahit paano tama si Andrew nakaramdam ako nang selos
Kung paano naging sila,
Kung paano pahalagahan at alagaan ni James si Jessica but suddenly I realize na matagal na iyonPart of their past na ang nangyari sa kanila, kaya hindi na dapat ako magpa-apekto sa mga ganung bagay
"Kung hindi ka nagseselos, bakit ka umalis?" sabi na tama ako
"Tumawag kasi si Manang sa bahay may pinasabi sila Mama at Papa" sagot ko
"Ahh okay pero alam mo okay lang naman kung magseselos ka natural lang naman na maramdaman iyon kapag nagmamahal ka" kung ano ano sinasabi nang isang ito
"Bakit kung makapagsalita ka dyan para kang expert sa love, aber?" nangingiti sabi ko sa kanya
"Ganun talaga kapag Andrew ang pangalan" natawa na lang ako sa kalokohan nya
Nagulat kami pareho nang biglang sumulpot si James sa harap namin
Mukang kailangan ko na naman magpaliwanag sa isang ito
"Kate, pwede ba tayong mag-usap?" tanong nya
"Mabuti yan mag-usap muna kayo, sige dyan na kayo" sabi ni Andrew sabay alis nito
"Galit ka ba?" agad naman napataas ang kilay ko
"Bakit naman ako magagalit?" tanong ko
"Bakit umalis ka kanina?" malungkot na sabi nya
"May tumawag kasi sakin kaya sinagot ko lang" pagpapaliwanag ko sa kanya
"Akala ko nagseselos ka" pabulong nitong sabi pero sapat na para marinig ko, napangiti na lang ako
"Kung ano man ang mga narinig mo totoo iyon, pinangako ko kasi sa sarili ko na kapag nagmahal ako ibibigay ko yung buong pagmamahal ko sa kanya" sabi nito
"Hindi ba parang sobra yung ganun?" wala sa sarili kong tanong sa kanya"Alam mo Kate pag pumasok ka sa isang relasyon isa yung sugal na minsan talo o panalo ka, kung give and take ang pagbibigay nang pagmamahal nyo sa isa't isa magiging maganda ang relasyon nyo pero kung ikaw lang ang give nang give at wala kang na take, you should stop that relationship dahil hindi na maganda yung ganun" mahaba nitong maliwanag
BINABASA MO ANG
Princess meets Campus Heartthrob
Teen FictionKate is one of the new transferee students in Dream High Academy, kaya ganun nalamang ang pagtataka niya kung bakit siya kilala ng lahat at sa kakaibang trato na ibinibigay sa kanya ng mga ito. Until she meets the Campus Heartthrob named James na ma...