Chapter 38

1K 40 4
                                    

"Ako na" sabi nya at tinabig nya ang kamay ko

Bida bida, as if naman hindi ko alam magtanggal nang helmet

"Pasok ka na, susunod nalang ako" sunod na sabi nya pero hindi muna ako umalis tinignan ko lang siya

"Bakit may problema ba?" takang tanong nya

Umiiling ako at ngumiti sa kanya
"Thank you" ang sama ko naman kung hindi ako magpapasalamat sa kanya

Ngumiti naman siya at lumapit pa punta sakin, nagulat ako sa sunod nyang ginawa nang halikan nya ako sa noo

"You're welcome" sabi nya at ginulo ang buhok ko, shems

Sa sobrang hiya ko nagmadali akong pumasok sa loob nang DH Tambayan narinig ko pa yung pagtawa nya, siraulo talaga

Inaasar na naman ako

"Kate" tawag ni Bianca kaya agad ako napatingin sa kanila nasa sala sila

"Musta date nyo?" napangiti naman sila sa tanong ni Kim

"Namumula ka, ayos ka lang ba?" nag alala tanong ni Tanya at lumapit sakin

"Ayos lang yan beh, kinilig lang yan si Kate kaya ganyan itsura" mapang-asar na sabi ni Jess

Kahit kailan talaga pare pareho mapang-asar

Napansin kong wala yung iba sa kanila si Nathan at Yuri pati circle of friends nila


"Kumain na ba kayo? nagluto kami, wala sila Nathan may pinuntahan" sabi ni Abie

"Nasan si James?" tanong ni Jay

"Bakit?" bigla sabi nang kakapasok lang

"Kamusta date nyo?, ayaw magsalita ni Kate" natanong ni Josh habang nakangiti

Mukang gigisain nila kami, urat!

"Labas muna ko" biglang paalam ni Andrew atsaka tuloy tuloy na lumabas

"Alam nyo nitong mga nakaraang araw parang nagiging seryoso sa buhay yang si Andrew" biglang hirit ni Bianca pagkalabas na pagkalabas ni Drew

"Uyy napapansin nyo rin pala, akala ko ako lang" dagdag na sabi ni Kim

"Hindi naman kaya may problema siya" singit ni Caril

"Tanya, may tampuhan ba kayo o away?" tanong ni Josh kaya natuon lahat kami sa kanya

"Uhm w-wala naman" nauutal nyang sabi sabay yuko kaya nagtinginan kami na parang alam na namin

"Excuse muna, tatawagan ko lang sila Mama nagpapatawag kasi kanina pa" bigla sabi nya nang hindi tumitingin samin kaya tumango nalang kami

Nagmadali naman siyang umakyat papunta sa kwarto nya hanggang makapasok siya

"Confirm, may problema sila" naiiling na sabi ni Jess

"Wag muna natin alamin hayaan muna natin sila" sabi ni Alex

"Hintayin nalang natin sila mag-open i'm sure sasabihin rin nila yan kapag hindi na nila kaya" seryosong sabi ko mahirap makiilam hindi namin pwede ipilit kung ano gusto namin malaman dahil privacy na nila ang papakiilaman namin even na kaibigan nila kami kailangan namin respetuhin yon

"Okay mabalik tayo sa date nyo, Kate ni James" ngiti sabi ni Jay

Jusko!
Di pa ba sila tapos dyan?

"Alam nyo guys lumalalim na yung gabi, inaantok na rin ako kaya good night, kumain na rin naman kami kaya matutulog na ako, good night" hindi ko na hinintay pa ang mga sagot nila at tumakbo na ako pataas para pumunta sa kwarto ko

Princess meets Campus HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon