"GIRLFRIEND?" sabay naming tanong pati si James nagulat rin mukang hindi nya alam na alam nang pamilya nya
"Oo girlfriend hindi nyo ba alam na kalat na kalat sa page nang academy nyo?" tanong nang Ate nya
Hutek kalat na kalat kaya pala ganun sila magka-react sakin
"Ahh oo ate Cindy sila nga ni Kate" sabi ni Jayjay
"HAHAHA nagbibiro lang kami" sabi ni Abie at Joshua
"Akala ko hindi nyo alam" sabi ni James, juskoo na-legal pa kami kahit hindi naman talaga totoo may relasyon kami
"nga pala Mom, Dad at Ate mga kaibigan rin namin si Bianca, Kim, Caril at Alex" pagpapakilala ni James
Napansin kong hindi nya na ako pinakilala sa tingin ko dahil kilala na ako ng pamilya nya
"Hello sa inyo, welcome to our home" ngiti sabi nung maganda babae na paniguradong nanay ni James mukang mabait ang parents niya
Lahat kami natuon ang pansin nang may bumusina sa labas "Mukang andyan na ang inaantay natin" ngiti sabi ng Mom James
May pumasok na isang babae at tumakbo mapupunta sa pwesto namin
"Tito, Tita, Ate Cindy kamusta po?" isa isa siya na nag beso sa pamilya ni James
"Okay naman kami ija kayo ba?" tanong nang Daddy ni James
"Naku, okay naman po kami" sagot nang babae
"Buti naman at naisipan nyo ulit na mag aral dito sa pilipinas" sabi nang Mommy ni James
"Oo naman po Tita, actually DH Academy contact us about it" ngiti sabi nang babae
"Teka bakit ikaw lang nasaan si Andrew?" tanong nung ate ni James
"May dinaanan lang siya for a while susunod na rin daw po siya"
Bigla siyang tumingin sa side namin dahil magkakatabi kasi kaming lahat, nakatayo nga lang yung tatlo lalaki sa likod namin
Ngumiti siya nang sobrang lawak bago nagsalita "kamusta guys?, James, Joshua, Jayson, Abie and especially ikaw Kate?" teka ano daw kilala nya ako?
"Okay lang" sagot ni Abie
"Eto pa rin" sagot naman ni Joshua
"Ikaw kamusta?" tanong ni Jayson
Napatingin ako kay James wala siyang emosyon nakatingin lang siya sakin ng mapansin nya ako nakatingin sa kanya ngumiti siya sakin at ibinalik ang tingin sa babae nasa harapan
Ako naman hindi ko naman masagot yung babae dahil first of all hindi ko siya kilala kaya nakakapagtaka talaga sakin na kilala nya ako
"okay lang rin" sagot nung babae kay Jayson
"Btw kailangan na namin umalis may meeting pa kasi kami kayo na bahala dito" pagpapaalam nung Dad ni James
"oo nga mauuna kami" sabi naman ng Mom nya pero bago sila umalis nakipag beso muna ang Mom at Ate nya sa akin at nginitian naman ako ng Dad ni James
"Nice to meet you again ija" sabi nila sa akin ngumiti ako at nag bow sa kanila
Pagkalabas nang mga magulang ni James at nung Ate nya umupo sa harap namin yung babae
"Kamusta ka, Kate?" tanong nya sakin
Mayghad paano ko sasagutin yung tanong nya kung hindi ko naman siya kilala
"Uhm okay lang sorry pero hindi kasi kita kilala, sino ka ba?" tanong ko sa kanya
"Aww okay naalala ko na sorry, my name is Jessica Mendoza bestfriend kita dati kayo ni Abie" sabi nya
BINABASA MO ANG
Princess meets Campus Heartthrob
Genç KurguKate is one of the new transferee students in Dream High Academy, kaya ganun nalamang ang pagtataka niya kung bakit siya kilala ng lahat at sa kakaibang trato na ibinibigay sa kanya ng mga ito. Until she meets the Campus Heartthrob named James na ma...