Chapter 28

1.4K 57 6
                                    

Nakangiti ako habang sinasara ang gate namin, sobrang saya nang gabi ito para sakin

Pagkapihit ko nang doorknob agad ako natigilan dahil sa lakas ng sigawan nila

"Ilang beses akong nagsabi sayo na wag mo nang ibalik si Kate sa DH pero hindi ka man lang nakinig tignan mo ang nangyayari ngayon, napapalit na naman siya kay James sa kababata nya" galit na sabi ni Mama

What?
Kababata? si James?

"Hindi pwede na lagi mo nalang pipigilan ang anak mo sa lahat, hindi ba mas maganda na unti unti natin siyang nilalapit sa nakaraan nya" paliwanag ni Papa

"Mas maganda na unti unti na naman siya bumabalik sa nakaraan para ano para mas lalo siyang mapahamak ganun ba ang gusto mo?" dagdag ni Mama

Bigla ako nakaramdam nang kaba sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, tama ba ako sa mga hinala ko?

Nanatili ako nakatayo lang sa pinto at patuloy na pinapakinggan ang sagutan nang mga magulang ko

"Alam mo dapat kalimutan na natin ang nakaraan masyado nang matagal simula nung nangyari ang lahat at dahil doon kaya nawawalan nang sariling kalayaan ang bata" sambit ni Papa

"Hindi pwede na basta basta mo na lang kalimutan ang nakaraan nahihibang ka na ba?, nakalimutan mo na ba namatayan tayo nang anak dahil sa bwiset na nakaraan na sinasabi mo?" galit na sabi ni Mama

Namatayan?
Anong sinasabi ni Mama?

Samantalang buhay na buhay ako!

"Halos dalawang taon na ang lumipas pero parang kahapon lang nangyari ang lahat parang kahapon lang nang mamatayan tayo nang anak" habang unti unti bumabagsak ang luha nya

Huminga nang malalalim si Papa at tumingin kay Mama nang may lungkot sa mata "Wala na tayong magagawa nangyari na ang nangyari kalimutan nalang natin ang nakaraan para matahimik na rin ang anak mo" mahinahong sabi ni Papa

"Hindi mo alam ang sinasabi mo nahihibang ka na talaga, kung alam ko lang na mangyayari ang aksidenteng yon sa kanila hindi na dapat pa ako nakipagtalo sayo, hindi sana tayo nag away, buhay pa sana ang anak natin" hindi ko alam pero unti unti ring bumagsak ang luha ko

Hindi ko maintindihan ang pinag uusapan nila pero nakakaramdam ako nang sobrang sakit sa dibdib

Kaya nang hindi ko na matiis binuksan ko na nang tuluyan ang pinto

Pareho silang nagulat nang makita nila ako

"Kanina ka pa ba dyan, anak?" tanong ni Mama pero hindi ko ito sinagot nakatingin lang ako sa kanila

"Anong sinasabi nyo na aksidente at namatayan kayo nang anak?" tanong ko pero hindi nila sinasagot ang tanong ko, nakatingin lang sila sakin

"Sagutin nyo ko Mama at Papa, ano yung narinig kong kababata ko si James? anong sinasabi nyo na namatayan kayo nang anak samantala andito ako at buhay na buhay? anong kinalaman nyo sa paka-aksindente ko?" sigaw na sabi ko

Sana mali ang lahat nang naiisip ko sana hindi totoo lahat nang nabubuo sa utak ko

"Parang awa nyo na magsalita kayo sagutin nyo ko" naluluhang paki-usap ko sa kanila

"Oo kami ang dahilan kung bakit kayo na-aksidente nang kapatid mo, may kapatid ka ang Kuya Kied mo, limang taon ang tanda nya sayo" pagsasalaysay ni Mama

Nakatingin lang ako sa kanila habang inaantay ang pa ang sasabihin nila

Sobrang dami tanong ang nabubuo sa isip ko papaanong naging ganito ang buhay ko?


"Nung panahon na nagtalo kami sa pera nang Papa mo hindi namin kayo naisip, mahal na mahal ka nang Kuya mo kaya nung araw na nagtalo kami gustong gusto ka nya ilayo dahil ayaw nya na makita mo na nag-aaway kami, kaya kahit hindi nya alam magmaneho pilit ka nya nilayo dito" naiiyak na paliwanag ni Mama

Princess meets Campus HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon