Sandaling namayani ang tahimikan sa amin hanggang siya ang unang nagsalita.
"G-good morning"
"Good morning" sabay ngiti awkward
"Nakatulog ka ba ng maayos?, pasensya na pala kagabi" sabay yuko
"Oo naman, wala yon" napangiti ako dahil parang hiyang hiya siya na ewan ang cute lang niyang tignan
"Ito na pala last day ko ngayon dito, bukas aalis na ako" malungkot na sabi nito na siya ring ikinawala ng ngiti ko
Naiintindihan ko ang pakiramdam niya dahil ako rin nalulungkot na sandali lang ang araw na niligawan niya ako.
Sinisisi ko ang sarili ko ngayon dahil sa totoo lang hindi ko pa rin alam kung sasagutin ko na ba siya o hindi.
Ayoko kase biglain ang pagsagot ko sa kanya dahil ayoko magsisi sa huli.
"Sorry" sabi ko
"Para saan?" mukang gulat na gulat siya kung bakit ako humihingi ng tawad
"Dahil hanggang ngayon wala pa rin akong sagot" malungkot na sabi ko
Natatakot ako mawala ka pero natatakot rin ako sa kung anong pwede mangyari kapag sinagot kita.
"Wag kang humingi ng tawad, tandaan mo lang yung sinabi ko sayo kagabi" ngumiti ako sa kanya at tumango
"Tara na, baka hinihintay na nila tayo" sabi nya
Napag-desisyunan nang barkada na bumalik sa rest house
Kaya pagdating na pagdating namin Dumiretso agad ako sa higaan, hindi ko alam parang gusto ko lang magpahinga buong araw.
"Matutulog ka?" tanong ni Alex
"Hmm" sagot ko
"Bakit hindi ka nakatulog kagabi?, puyat ka?" sabay tingin nila sa akin na may mga ngiti sa labi
Tignan mo kung paano sila mag-isip napaka-lilikot ng utak.
"Hoy, kung ano man yang mga iniisip nyo, hindi nangyari yan pagod lang talaga ako" pagpappaliwanag ko
"Okay, good mornight" sabi ni Caril
Tinakpan ko ng unan yung muka ko dahil alam kong mag-iingay sila
Nalipungatan ako wala na mga tao
Mukang may pinuntuhanan silaPumunta ako sa room ng mga lalaki baka sakali nandoon rin sila pero pati sila wala
"Saan naman sila nagsipunta, seriously iniwan nila ako dito" tanong ko sa sarili ko
Pumasok nalang ulit ako sa room naming mga babae at nung tinignan ko ang oras grabe ang haba pala ng tulog ko umaga ako natulog nagising ako mag-gagabi na
Nakaramdam ako ng gutom kaya pumunta ako sa kusina baka sakaling makakita ako ng pagkain hindi nga ako nagkamali at ipinagluto na nila ako bago pa sila umalis.
Kate, kainin mo na lang ito, sandali lang kami may operation lang kaming pinuntahan
Love you♥
-DH Barkada Girls
Operation?, ano namang operation sinasabi nila?Kinain ko nalang ang iniwan nila sakin at nilibang ko ang sarili ko, sinubukan kong mag-online
"Huh?, bakit sobrang dami naman yata ng notification?" tanong ko sa sarili koNung tinignan ko, kung anong dahilan kung bakit sumabog nalang ng ganun yung notification ko
Dahil sa picture namin na natutulog ng magkakayakap ni James kasama sila Nathan at Yuri na nasa ganun ding posisyon
BINABASA MO ANG
Princess meets Campus Heartthrob
Teen FictionKate is one of the new transferee students in Dream High Academy, kaya ganun nalamang ang pagtataka niya kung bakit siya kilala ng lahat at sa kakaibang trato na ibinibigay sa kanya ng mga ito. Until she meets the Campus Heartthrob named James na ma...