Bianca POV
"Alis muna ko, love balik ako mamaya" pagpapaalam nya bago tuluyan lumabas
Mahigit isang linggo na ganito si Joshua pagkatapos ng klase namin dali dali siya umuwi sa DH Tambayan para magbihis at pagtapos aalis na kapag tinatanong ko naman siya ang tanging sinasagot nya
"Basta mahalaga ito" sinubukan ko tanungin si Abie tungkol dito kung may alam siya sa mga pinaggagawa ng kuya niya "Hindi ko rin alam Bianca wala naman kase siyang sinasabi sa akin" sagot nya
Ayoko mang-isipin na may tinatago siya sakin, nararamdaman ko
Naramdaman ko ang pagyugyog sa balikat ko ni Kim
"Girl, ayos ka lang ba?" tanong nya
"Huh?"
"Kanina pa kita tinatawag pero tulalay ka dyan, anyare sayo?"
"Wala, wala ano ba yon?"
"Here, lahat ng copy nandyan may indicate na link sa baba, just scan para ma-analyze mo lahat ng na-collect nila" kinuha ko naman yung inabot nya
"Thank you" sabi ko bago isa isa tinignan yung document
"Sure kang okay ka lang ha? tutulong lang ako kay Yuri maghanda ng pagkain" sabi nya kaya tumango tango nalang ako habang nasa document pa rin ang atensyon ko
Buti nalang at hindi masyado mabigat yung task na binigay sa akin kahit kase wala ako sa mood kailangan ko makipag-cooperate sa research paper na ginagawa namin
"Bianca, patawag nga yung iba para makapag-lunch na tayo" rinig kong sigaw ni Jessica mula sa kusina
"Okay" isa isa kong tinawag ang lahat si Joshua lang ang wala sa hapagkainan ngayon
"Nasaan si Joshua?" tanong ni Nathan nung mapansin nya kulang kami
"Nawawala lagi si Joshua kapag tapos ng klase tapos babalik gabi na, may alam ba kayo sa pinaggagawa nun?" sabi ni Andrew sa akin sila unang tumingin
"Wala" tanging sagot ko bago pinagpatuloy yung pagkain
"Wala rin akong alam wala naman nababanggit sa akin si Kuya" rinig kong sabi ni Abie
"Even me, wala kong alam wala siyang sinasabi sakin" sabi naman ni James
Hindi naman na nakakapagtaka ako nga na girlfriend walang kalam alam kung anong nangyayari sa kanya
"Hi, love" lumapit ito bago humalik sa noo ko
That scent again, vanilla perfume
"Saan ka galing?" tanong ko
"Dyan lang sa tabi tabi" ngiti sabi niya bago nagpaalam na pumunta sa kwarto nya
Please, don't cheat on me, don't lie on me, it's hurt
Namalayan ko nalang na unti unti bumabagsak yung luha pinipigilan ko ilang araw na
Yes, pakiramdam ko niloloko ako ni Joshua sa nakalipas na ilang linggo na ganun siya naging mailap siya sa mga gamit niya, ayaw niya ipahawak ang cellphone nya kesyo daw privacy nya yon na tama naman kaya hindi na ako nangulit, maiinit ang ulo nya simple mga pagkakamali lang na nagagawa ko galit na agad siya tapos maya maya lalapit siya sakin at sasabihin na pagod lang daw siya kaya niya ako napagalitan o nasigawan
BINABASA MO ANG
Princess meets Campus Heartthrob
Teen FictionKate is one of the new transferee students in Dream High Academy, kaya ganun nalamang ang pagtataka niya kung bakit siya kilala ng lahat at sa kakaibang trato na ibinibigay sa kanya ng mga ito. Until she meets the Campus Heartthrob named James na ma...