Chapter 14

1.8K 88 2
                                    

"Kung napansin nyo lahat nang holder natin ay kasama sa highest top every semester nang buong Dream High Academy, kaya naman nakakasigurado kami na lahat nang narito sa inyong harapan ay karapat dapat na maging holder at maging halimbawa o impluwensya sa lahat nang mag aaral sa paaralan ito" sabi nang aming principal

Parang hindi naman sa tingin ko nga walang matino samin na napabilang dito

Dahil kahapon nakilala ko ang ugali na meron si Nathan at Yuri akala ko talaga tahimik sila pero hindi

Parang kami lang rin ni James para silang aso't pusa kung magtalo kahapon grabe

"Respect them and trust them na magiging isang silang role model sa inyo" desisyon po kayo? jokee

Isang linggo na ang nagdaan simula nang nangyari ang event na iyon

Okay naman kaya lang nakakailang dahil nagbago ang pakikitungo nang lahat kung dati ay wala silang pakiilam sayo ngayon nag iba na

Napapadalas ang pagsasama namin nang barkada namin at barkada nila Yuri at Nathan halos araw araw kami kami ang nagkikita

Okay naman pag nagsasama kami dahil kahit paano masaya at magulo

Unti unti ko rin nakilala si Jessica at Andrew okay naman sila

Masiyahin si Jessica samantala si Andrew naman maloko sobra dalawa sila ni Gilbert sobrang kukulit at isa pa out of this world kung mag isip silang dalawa jusko

Si Ian at Harold naman tahimik pero nagsasalita naman sila kaya lang madalang lang more on na nagsasalita sila kung may sense ang topic parang si Ellisha and Lyza lang din

Parehong mahilig si Harold at Lyza sa music mahahalata mo agad kapag tinignan mo sila lagi may nakakabit na earphones or headphones sa kanila

Samantala si Janella ibang iba naman personality nya parehas sila ni Bianca nang personality and more on siya ang savage samin

"Kung alam ko lang na mahirap maging STEM student mas prefer ko na lang sana ang TECHVOC" sabi ni Bianca

"Tama ka dyan sa sinabi mo ang hirap" agree ni Abie sa kanya

"Hay nako guys wala subject or strand na madali lahat may kanya kanyang hirap kaya nga tayo nag aaral para ma-challenge tayo at matutunan ang mga hindi pa natin alam" sabi ko sa kanila

"She's right, kaya wag kayo magreklamo nang mareklamo, natural ginusto nyo rin naman ito" sabi ni Kim

"Btw balita ko one-week mawawalan nang pasok?" agad kami napatingin kay Janella

"One week? saan mo naman nabalitaan?" tanong sa kanya ni Gilbert

"Edi sa mga instructor natin, saan pa ba gusto mo?" sagot nito

"Bakit ba ang hilig nila mag cut or mag cancel nang klase, wala nang matutunan mga estudyante nyan" wala sa sariling tanong ni Nathan

"I think they are planning another event" sagot ni James

"So, mas mahalaga na ang event than studies?" tanong ni Yuri

"Oo nga gusto ko pa naman mag aral ang sarap kaya sa pakiramdam yung marami kang natutunan" hindi ko alam kung anong nangyari at sabay sabay kami tumingin kay Gilbert nang walang emosyon sa muka namin

"Bat ganyan kayo makatingin? parang hindi kayo naniwala sa sinasabi ko" sabi nya

"Hindi parang, hindi talaga kami naniniwala, ang isang tulad mo? sisipagin mag-aral?" sabi ni Janella

"Ikaw babae hindi mo ba kayang magsinungaling kahit minsan lang?" tanong nito sa kanya

"I'm not a liar kasi I'm a good girl" at nagsimula na naman sila magbangayan nakalimutan kong sabihin na sa amin laging may tatlong pusa at aso na nagbabangayan

Princess meets Campus HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon