Chapter 2

3.6K 137 3
                                    

"uhm do I know you?" tanong ko baka mamaya kasi may atraso pala ko dito

"hindi naman pero kilala kita" kilala nya ako? pero di ko siya kilala

"sorry nga pala hindi ko sinasadya" sabi ko sa kanya

"Nope, it's okay hindi ako rin kasi ako nakatingin sa dinadaanan ko, btw my name is Bianca" sabay lahad nya nang kamay

"Kate" inabot ko ang kamay nya

"I know" sabay ngiti nya, weird talaga

Napag-usapan namin ang pagpasok ko dito and nalaman ko rin na classmate ko siya kaya sabay nalang kami pumunta sa classroom namin

Pagkapasok na pagkapasok namin lahat sila nakatingin samin, no sa akin pala, hindi ko man naiintindihan ang nangyayari di ko nalang pinansin

"totoo nga ang balitang, nakabalik ka na" sabi ng isang babaeng sa akin

sino naman ito?

"stop talking to her like that Patricia wag ka namang maging bully" sabi naman nung isang babaeng

Tumabi ito kay Bianca mukang kaibigan ni Bianca

Mental ba itong napasukan ko?

Nawala ako sa pag-iisip ng may humatak sakin "sorry pero pwede ko bang mahiram si Kate?" tumango naman sila kaya hinatak agad ako ni Abie

"akala ko habang buhay kana sa restroom"

"Kate, tabi tabi nalang tayo?" sabi ni Bianca, ngumiti muna ako sa kanya bago nagsalita "Sure"

"btw Kate friends ko nga pala sila Caril and Alex" pagpapakilala ni Bianca sa dalawang katabi nya

"Hi Kate, Alex" ngumiti ako at tinitigan siya mukang may paka- boyish siya pero maganda

"Hi Kate, Caril" siya yung girl kanina

Well dahil first day class nga
I know na may magaganap na namang introduce yourself as always

Sabay sabay kaming napatingin sa pinto dahil sa lakas na kalabog nito

"No way" sambit ni Abie

"aahhh ackkk"

"Omg! James"

"ang gwapo talaga nila"

"na-miss ko sila"

"teh di ka naman nila miss"

"shut up"

Sino naman itong mga ito na instant artista?, as if namang may nag-aaral na artista dito?

Tatlong lalaki ang dire-diretsong umupo sa tapat namin, mukang alam ko na kung bakit sila tinitilian may mga itsura kasi I mean you know

Sigurado silang tatlo ang heartthrob sa school na ito lagi naman ganyan ang eksena kapag sikat

Nagulat ako nang biglang humarap yung tatlo sa amin

Princess meets Campus HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon