Chapter 36

1.1K 40 4
                                    

Pagkatapos namin sa library dumiretso agad kami kung nasaan ang DH Barkada, ayoko na sanang sumama kaya lang sinabi ni Tanya na baka hanapin nila ako kung hindi ako magpapakita dahil nasanay na rin sila na lagi akong kasama

Agad napunta kay Kate ang atensyon ko na katabi ni Yuri, naka-earphone ito habang nagbabasa nang librong hawak nya

"Andito na pala kayo, tara para makakain na" ngiti sabi ni Ian

"Hala dapat hindi nyo na kami hinintay, pasensya na medyo nalate kami" sabi ni Tanya

"Gaga, syempre hihintayin ka namin" sabi ni Bianca

Hindi ko alam pero parang nahihiya akong gumalaw ni hindi ko man lang kaya kumuha nang pagkain

"Kate" tawag ni Nathan at inagaw ang hawak nitong libro tinanggal naman ni Yuri ang earphone nito

"Mamaya na yan, kain muna" sabi ni Joshua dito

Mukang mahalagang mahalaga siya sa barkada hindi gaya ko na parang saling pusa lang sa barkada nila

si Tanya na ang kumuha nang pagkain ko napansin nya rin siguro na hindi ko kayang makikulit ngayon sa kanila gaya dati

Habang nakain pasulyap sulyap ako kay Kate, hindi ko din alam pero naagaw nya talaga ang atensyon ko naiinis ako at naiinggit, hindi ko na alam

"Kate, are you ready to face your parents?" tanong ni Bianca

Tumahimik ang lahat ultimo sa pagkain, kaya pati ako ay naagaw ang atensyon at napatingin sa kanya

Huminga ito nang malalim bago sumagot "Not yet pero kailangan"

"Sasamahan ka naming lahat, kung hindi mo kaya mag isa, okay lang ba?" tanong ni Jessica, tumango naman ito

"After class nating lahat?" tanong ni Jayson

"Hmm thank you" sagot ni Kate
Ngumiti naman sila sa kanya

"Sasama ka, Luna?, pwede naman yata kung payag si Kate?" biglang tanong ni Harold na ikinagulat ko

Napatingin sa akin si Kate at ngumiti "Yeah it's fine" sabi nito

"uhm hindi na muna, pupunta pa kase ako sa main sponsor ng scholarship ko" sagot ko dahil mukang hinihintay nila ang magiging sagot ko

After matapos ng pangalawang class namin, dumiretso agad ako ng register office para makuha yung address ng main sponsor ko

Nakaupo ako ngayon sa sofa habang hinihintay ko yung main sponsor ng scholarship ko, kinakabahan ako dahil halatang halata na mayaman ang may ari ng bahay na ito

Maya maya pa lumabas ang mag asawa na may ngiti sa labi at lumapit sa akin, niyakap ako nung babae samantala nag-bow naman ako sa lalaki bilang pag galang

"Ikaw ba si Luna?" tanong nila sakin

"Opo, maraming salamat po sa pag-sponsor ng scholar ko" sagot ko

"Wala iyon, ija basta mag-aral ka ng mabuti at wag mong sayangin ang pagkakataon na ito para maabot ang pangarap mo" ngiti sabi ni Mrs.Morales

"Naalala namin ang anak namin sayo ka-edad mo lang siya, kaya lang wala siya dito sayang at hindi makilala" malungkot na sabi ni Mr.Morales

Nagpaalam ako para mag-cr dahil hindi ko na talaga napigilan

Nagulat ako nang makita ang buong DH Barkada pagbalik ko, nakayap si Kate kay Mrs. Morales

Anong ginagawa nila dito?

"Luna? anong ginagawa mo dito?" tanong ni Tanya kaya halos lahat sila ay napunta sa akin ang atensyon bakas rin ang gulat nang iba sa kanila

Princess meets Campus HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon