Chapter 47

811 25 20
                                    

KATE POV


Naalipungatan ako ng maramdam kong may mabigat na nakasandal sa balikat ko, kaya agad ako napatingin sa katabi ko na si James mukang nakatulog ang lahat sa pagod parang kanina lang napakaharot at ingay nila, we're on the way sa rest house nila Nathan kagaya ng plano

Napakaraming nangyari after nung nangyari kay Abie talagang nagising ang mga natatagong talino ng mga kaibigan ko dahil sa nangyari, akalain mo halos lahat kami nasa highest, tama nga ako na sadyang tinatamad lang ang iba sa amin na mag-aral siguro dahil hindi naman talaga business ang mga gusto nila kunin o dahil after nito mag-aaral ulit kami

Alin man sa dalawa, walang kaso dahil napatunayan naman namin sa lahat na deserve namin ang posisyon namin sa DH, nabanggit rin pala ni Abie ang dahilan sa pang-aaway niya sa mga estudyante sinisiraaan ang barkada, kahit sino siguro ang nasa posisyon niya ay gagawin iyon. Nalaman rin ng mga magulang namin ang ginawa naming pagbabanta sa president, kaya akala ko mapapagalitan kami but kabaliktaran mukang natuwa pa ang mga parents namin sa ginawa namin. Feeling ko talaga iisipin ng iba na napaka-spoiled brat namin, well pasensya sila wala naman talaga sana kaming planong isumbat or gamitin yung power ng posisyon namin kaya lang nasagad na kasi pasensya namin sa kanila.


By the way, nasa byahe pa rin kami hindi na van ang gamit namin ngayon naka-mini bus na kami, kasama kasi namin si Tristan at Terence dahil alam nyo na si Jessica and Alex para sa lovelife nila dejoke hindi naman na sila iba sa amin parang parte na rin sila ng barkada, kaya lang may pag-oa lang talaga si James naalala ko bago namin sila pasamahin


"Alex, bantayan mo yan si Terrace baka maligaw na naman at mapunta kay Kate" kaya ko siya hinampas sa braso

"Manahimik ka, puro ka kalokohan at isa pa Terence ang pangalan niya hindi terrace" pagsaway ko sa kanya

"Oo nga pre, ginawa mo namang parte ng bahay" sabi ni Andrew na ikinatawa ng barkada

"Wag kang mag-alala pre, si Alex na ang kinababaliwan ko ngayon, sayong sayo na si Kate" natatawang sabi ni Terence


"Guys, gising na nandito na tayo" pag gising ni Nathan sa barkada

Hindi pa kami nakakababa pero makikita mo na ang ganda ng paligid, napakatahimik at tanging ingay lang ng mga kuliglig ang maririnig mo talagang nasa province na nga kami, nang makapasok ang saksakyan sa mismong tutuluyan namin isa isa namin binaba ang mga kanya kanya naming gamit.

2 days ang plano namin na mag-stay dito, masyado kasi maikli ang sembreak namin alam na ninyo buhay college ayaw namin ubusin ang buong sembreak na kami kami pa rin ang magkakasama, pumunta lang talaga kami dito para mag-enjoy at magtanggal stress sa mga nangyari.


"Grabe ang laki pala ng staycation house ninyo" manghang sabi ni Gilbert

"Kailan lang ginawa ito for family use ng mga Marasigan, actually isang beses palang ako nakakapunta dito, kaya medyo di rin ako familiar but tutulungan naman tayo ng mga helper sa mga kakailanganin natin kaya no worries, oo nga pala kayo na bahala kung saan room ninyo gusto mag-stay or kung sino gusto ninyong kasama, marami room and bed dito, I think sapat naman siya para sa ating lahat" paliwanag ni Nathan bago kami pumasok sa loob

Dahil sa glass wall ang kabilang side ng part ng bahay kita kita mo agad ang dagat at pool sa labas, sa dagat may inflatable playground, may net na mukang para sa beach volleyball, may mga tent rin at bonfire rin, mukang mag-eenjoy talaga kami nito

Princess meets Campus HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon