Chapter 29

1.4K 60 1
                                    

James POV


Dumating na yung araw na kinakatakutan ko ang malaman niya ang totoo, una pala alam ko nang mali ang ginawa naming paglilihim sa kanya nang totoo pero wala akong choice kung sa ikakabuti niya naman

"Susundan ko siya" sabi ko sa kanila pero may pumigil sa akin "Hindi, James, hayaan mo muna siya makapag-isip isip" pag-aawat ni Yuri

"Tama, bigyan muna natin siya nang space, kailangan nya iyon" malungkot na sabi ni Jes

"Naiinis ako sa sarili ko, kasalanan ko ito" at nagsimula nang umiyak si Abie

Niyakap naman ito ni Josh
"Wala kang kasalanan" sabi nito habang hinahaplos sa likod ang kapatid nya

"Kuya, hindi kasalanan ko ito, kung una palang sinabi ko na sa kanya ang totoo, edi sana walang mangyayari ganito" dagdag na sabi nito


Tumingin sa akin si Abie "Sorry, James at nadamay ka pa, i'm really sorry" sabi nito habang patuloy pa rin sa pag-iyak

"Hindi, Abie wala kang kasalanan pinilit ka naming sabihin mo sa amin ang lahat kaya may kasalanan rin kami" sabi ko dito

"Mali talaga itong naisip na paraan nila Tito at Tita para kay Kate, kahit pa ba makakasama sa kanya" wala sa sarili sabi ni Andrew, lumapit naman dito si Tanya

"Wag na kayong magsisihan, ayusin nalang muna natin ito" sabi ni Nathan

"Palamigin na muna ninyo ang ulo niya atsaka nyo siya kausapin" sabi ni Tanya

"Oo nga, mas makakatulong para sa lahat iyon" dagdag pa ni Lyza

Kate POV


Nawalan ako nang ganang pumasok hindi ko kase akalain na yung mga kutob ko ay magkakatotoo ang hirap intindihin, naisip kong wag muna umuwi nang bahay at pumunta sa Tita ko kapatid ni Papa si Tita Hill


"Kate, iha napadaan ka?, tara pumasok ka" mukang nagulat siya at hindi inaasahan ang pagdating ko

Nang makapasok na ako sa loob nang bahay, agad akong yumakap kay Tita na naging dahilan para umiyak na naman ako, puro nalang ba iyak ang gagawin ko

"Oh bakit?, Kate anong nangyari?" tanong ni Tita habang hinahangod ang likod ko

"Tita, sila Papa, Mama at mga kaibigan ko mga manloloko sila, nagsinungaling silang lahat sakin" para akong bata na nagsusumbong sa kanya

"Kate, hindi kita maintindihan" sabi nito, kaya agad akong humiwalay sa pagkakayap

"Tita, sila Mama at Papa tinago nila sakin ang totoo pati na rin ang mga kaibigan ko lahat sila pinaniwala lang nila ako sa buhay na hindi naman pala totoo" huminga siya nang malalim

"Ito na nga ba ang sinasabi ko" sabi ni Tita, huh?

"Ano pong ibig nyo sabihin?" tanong ko

"Nung na-aksindente kayo nang Kuya mo at nagkaroon ka nang amnesia pinag-usapan ng buong pamilya kung anong magiging desisyon nang Mama at Papa mo para sayo, sinabi nila na ilalayo nalang nila at babaguhin ang buhay na nakasanayan mo, marami ang tumutol tungkol rito dahil mali ang gagawin nila pero dahil sila ang magulang mo naisip namin na alam nila kung ano ang makakabuti sayo, kaya wala nang tumutol sa naging desisyon nila" paliwanag ni Tita

Princess meets Campus HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon