Chapter 40

823 28 0
                                    

Kate POV

"Good morning, everyone" masayang bati ni Andrew na kababa lang

"Saya mo yata today" sabi ni Jess

"Syempre pumayag na si Tanya magpaligaw, kung ako sayo Tanya wag mong sagutin yan" singit na sabi ni Abie

"Napakasama mo hindi pa nga ako nagsisimula atsaka may isa pang dahilan kung bakit ako masaya" nakangiti sabi nya

"Ano namang dahilan?" tanong ni Joshua

"Hindi nyo alam ganap today?" gulat na tanong nya samin

"Magtatanong ba ako kung alam ko?" inis na sabi ni Joshua

"Chill pre, di ba may gaganaping party yung university ngayon?" shems oo nga ngayon pala yon

"Exactly, kaya walang klase today dahil nag-pre prepare ang lahat para doon, 8PM ang call time sa party and all of us are expected to be their lalo na ang Campus Title Holder" sabi ni Nathan na kakapasok lang mukang galing siya sa labas

"Hala, wala pa akong damit" reklamo ni Bianca

"Ano yang suot mo ngayon?" takang tanong ni Gilbert na kakarating lang rin
agad na lumipad ang kutsara ni Bianca papunta rito

"Letche ka Gilbert tigil tigilan mo ako" inis na sabi nito

"Umuwi muna kayo sa mga bahay nyo kung wala kayong damit dito or bumili muna kayo maaga pa naman" suggest ni Ian

Sa tingin ko kailangan kong bumili nang bago dahil sobrang tagal ko nang hindi uma-attend nang kahit anong party simula nung umalis ako dito

"Bibili ka Kate?" tanong ni Jess

"Oo, wala na rin kase akong masyadong damit para sa mga ganyang event"

"Hala, tara sama sama tayong girls" masayang sabi ni Kim na nakapit sa braso ni Janella

"Sure, tara" agree nila

Sumaglit lang kami sa mall bumili lang talaga kami nang mga susuotin at gagamitin namin para sa magaganap na party mamaya

"Kate, matagal pa ba yan?" tanong ni Yuri kanina pa siya katok nang katok sa pinto ko

"Guys bilisan nyo naman dyan, naantay yung boys sa venue" narinig kong sigaw ni Lyza sa baba

Yup

Kaming mga girls lang ang nasa DH Tambayan ngayon, pinauna na kasi namin sila sabi namin susunod nalang kami pero sobrang late na kami ngayon sa call time dahil nawili kaming manood kanina hindi namin namalayan yung oras

"Wow, ang gaganda naman" nakangiti salubong samin ni Janella

"Simple make up lang yan" sabay model pose ni Bianca

"Tigilan mo na nga yan kanina ka pa ganyan nang ganyan" iritang sabi ni Alex

Naka-dress kami lahat above the knee

Ewan pero napag-tripan nila na maging pare pareho ang suot at ayos namin tanging sa ayos nang buhok at kulay nang suot lang kami nagkakaiba


"Infairness naman dito kay Alex ang ganda mo pala pag naka-ganyan ka" nakangiti sabi ni Jess

"Kaya dapat lagi ka mag-ayos para naman magka-jowa ka na" natatawang sabi ni Kim

"Sus di ko kailangan nun" nadidiring sabi nya

"Wag kang mag-alala pag na-inlove yang si Alex sigurado mahahalata nyo naman, unti unting blooming" masayang sabi ni Ellisha

"Bakit naman ako?, inlove naman ako pero ganto ako dahil ba panget jowa ko?" reklamo ni Janella

Princess meets Campus HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon