CHAPTER 3
...nag background check sila kay Bugoy
PULIS: Naku malaking pera ang kailangan nitong babaeng ito para makalabas dito. Eh hindi lang pala mandurukot ito eh. Nahuli na din sya sa ibang lugar na akyat bahay tapos may attempted murder pa sya sa record nya. Tawagan mo nalang yung si Mr. David Concepcion para matulungan sya.
PULIS: Sige po boss! Papapuntahin ko na po si Mr. Concepcion dito.
...sa kabilang banda
ARRON: Joe! Tumawag na ba sayo si Avigail? Kanina pa umalis yun eh nagaalala na tuloy ako.
JOE: Hindi pa naman, naku di ka na nasanay dun sa babaeng yon. Hayaan mo sya uuwi din yon.
...biglang nagring ang telepono ni Arron
ARRON: Hello!
PULIS: Kayo po ang kamag-anak ni Avigail Seron?
ARRON: Kapatid ko po sya bakit ano po ngyari sa kanya?
PULIS: Nandito po sya ngayon sa prisinto, nahuli po sya kanina sa loob ng mall na nadurukot. Eh medyo mas mabigat pa po duon ang kaso ng kapatid ninyo dahil sa background check na ginawa namin sa kanya kanina kaya kailangan po nyang kumausap ng isang abogado. Kung gusto nyo po syang puntahan, puntahan nyo na lang po sya dito sa may prisinto.(binigay ang information ng prisinto)
ARRON: Sige po boss, salamat po!(pagbaba ng telepono)Lintik na babae talaga yan oh! Sinasabi ko na eh iba yung kaba ko ngayon eh.
JOE: Bakit ano ngyari kay Avigail?
ARRON: Ayun nahuli nakakulong sya ngayon. Ang tigas kasi ng ulo! Ano sasama ka ba? Puntahan na natin sya.
JOE: Aba syempre ng masigawan ko yang babaeng yan sa katigasan kasi ng ulo.
...sa may prisinto
PULIS: Ms Seron! May bisita ka.
BUGOY: Sino po?
PULIS: Mga kuya mo!
...pumunta sa visitation area ng prisinto
BUGOY: (biglang nagpaawa)Mga Kuya!! Sabi ko na hindi nyo ko matitiis eh!
ARRON: Magtigil ka dyan sa kadramahan mo ha Avigail! Yan na nga ba sinasabi ko eh, ang tigas kasi ng ulo mo eh. Kung nakinig ka lang sana eh di hindi na humantong sa ganito.
JOE: Ano ba kasi ang pumasok dyan sa kokote mong babae ka? Wala ka ng pinapakinggan sa aming mga kuya mo eh.
BUGOY: Mga kuya naman eh!Tulungan nyo nalang kaya akong makalabas dito imbes na sinesermunan nyo ako.
ARRON: Hindi pa pupuwede dahil mas mabigat ang kaso mo. Kailangan mo daw kumausap sa isang abogado para matulungan ka. Habang naghihintay tayo ng resulta didilehensya muna kami ng pang pyiansa mo.
PULIS: Ms Seron! Kailangan mo ng magpaalam sa kanila, nandito na ang abogado mo.

BINABASA MO ANG
Opposite Attracts
RomanceSi Avigail kilala rin bilang Bugoy isang babae na may kakaibang pananaw sa buhay. Laki sa hirap at mahilig bumarkada. Palibhasa kasi puro lalaki ang mga kapatid nito kaya pati sya ay tila nagin parang kilos lalaki na din. Dati itong mabait at masunu...