CHAPTER 21
DAVID: (biglang napansin ang pananahimik ni Bugoy)Are you ok? Medyo madalas ko ng napapansin na napapadalas ang paggiging tulala mo! May iba ka bang problema?
BUGOY: Ha? Naku naman Sir, wala po! May naaalala lang po kasi ako eh.
DAVID: Alam mo nacucurious tuloy ako kung ano yang naaalala mo eh. Dahil palagi ka nalang nagiging ganyan ang reaksyon. Siguro ka ba ok ka lang?
BUGOY: Ok lang ako pramis!Kayo ha, nahahawa na kayo sa pagiging chismosa ko!
DAVID: (biglang natawa)Hindi naman ganun! Pero kakaiba lang kasi ang nagiging reaksyon ng mukha mo eh, parang super random ng emotions mo na ganyan kaya naman talagang nakakacurious kung bakit ka ganyan minsan.
BUGOY: Naku wag nyo nalang akong pansinin ganito talaga ako kung minsan. (palusot na pagsabi nya)
DAVID: Ok sige sinabi mo eh!
BUGOY: Oh Sir, dyan nalang ninyo ipark ang sasakyan! Nandito na po tayo.
DAVID: (ipinark ang sasakyan sa tabi at lumabas na sila)
...habang kumakain
DAVID: Bugoy can I ask you something?
BUGOY: Oo naman! Ano yun?
DAVID: I hope I won't offend you but, never bang pumasok sa isip mo na magsuot babae? I mean babae ka nga pero parang hindi naman dahil sa mga damit na sinusuot mo!
BUGOY: Ay naku! Gustuhin ko man pero wala naman akong pera na pambili ng mga ganung damit. Ikakain ko nalang yung ipambibili ko ng bagong damit.
DAVID: Well, I guess you have a point.
BUGOY: Bakit mo nama naitanong?
DAVID: Wala lang na curious lang ako kasi never pa kitang nakitang nagdamit pambabae eh. Puro pantalon at maluluwag na tshirts ang sinusuot mo. Nagmumukha ka tuloy tomboy!Baka naman kaya walang manligaw sayo dahil palaging akala eh, tomboy ka!
BUGOY: Naku! Problema na nila yun! Basta ako nananahimik ako dito.Kung gusto nilang manligaw eh di manligaw sila wala namang pumipigil sa kanila eh.
DAVID: (hindi pa kumibo at nginitian nalang si Bugoy)
BUGOY: Naku naman ano ba itong pinaguusapan natin! Wala naman pong interesting sa lovelife ko. Bakit nyo ba palaging tinatanong yan sa akin?
DAVID: Wala lang ngayon lang kasi ako na meet ng klase ng babae na katulad mo. Pero maiba tayo ha, masarap nga itong pagkain dito lalo na itong fish balls. Baka mawili ako sa pagpunta dito.
BUGOY: Eh masarap talaga yan, lalo na pagnatikman ninyo itong isaw!
...pumipas ang oras na hindi na meeting ang napagusapan nila
...pagkatapos nilang kumain...
BUGOY: Eh paano ba yan? Natapos yung oras ng meeting natin na hindi naman meeting ang pinagusapan natin. Baka mawala tayo bigla sa konsentrasyon patungkol sa kaso nito.
DAVID: Ok lang free naman ako bukas eh, you can come by the office anytime afternoon. Yan ang freetime ko bukas, so just let me know. You can call my secretary nalang to let her know na papunta ka na. Ok ba?
BUGOY: Ok po sir! Sige po aalis na din po ako dahil medyo natagalan yung kwentuhan natin eh.
DAVID: Sige, ihahatid na kita sa inyo.
BUGOY: Naku sir, wag na po! Malapit na lang din naman yung sa bahay eh, pwedeng pwede ko ng lakarin.
DAVID: (hindi kumikibo at nakatitig lang kay Bugoy)
BUGOY: (medyo na conscious sa titig ni David) Ah S-Sir! Sige po alis na ako.(biglang tumalikod at maglalakad na sana)
DAVID: (biglang humawak sa kamay ni Bugoy)Wait! I'll take you home! Really I do want to take you home,para safe ka!
BUGOY: S-sige po kung mapilit kayo eh.
...pumasok sa kotse at inuwi na si Bugoy...
...pagdating kila Bugoy
BUGOY: Ah Sir, salamat po ulit sa paghatid at sa paglibre ng pagkain kanina.
DAVID: Walang anuman yun, I should be thanking you.
BUGOY: Ay eh naku sir! Wala po yun!. Sige po alis na ako(Bubuksan na ang pintuan ng kotse ng biglang hinawakan muli ni David ang braso nya sabay hinalikan ito sa labi)

BINABASA MO ANG
Opposite Attracts
RomanceSi Avigail kilala rin bilang Bugoy isang babae na may kakaibang pananaw sa buhay. Laki sa hirap at mahilig bumarkada. Palibhasa kasi puro lalaki ang mga kapatid nito kaya pati sya ay tila nagin parang kilos lalaki na din. Dati itong mabait at masunu...