Opposite Attracts - Chapter 4

2.6K 39 0
                                    

CHAPTER 4

JOE: Boss, pwede po ba kaming magstay para makausap na din po namin yung abogado nya?

PULIS: Pwedeng pwede po. Sige tatawagin ko lang po si Mr. Concepcion

...pagpasok ni David sa visitation area ng prisinto

DAVID: Hi! I'm David Concepcion! And you must be (nakatingin kay Bugoy)Ms. Avigail Seron?

BUGOY: Bugoy ang tawag nila sa akin. Nakakasuka kasi ang Avigail eh masyadong babaeng babae ang dating.

ARRON: Ako nga pala si Arron at ito naman si Joe mga kuya nya kami.

DAVID: Well, it's nice to meet you three. Shall we begin?

BUGOY: Alam nyo pwede nyo naman kaming tagalugin eh, nasa Pinas tayo! Hindi kasi ako marunong mag ispokining Englesh eh!

DAVID: (biglang natawa)Sige, pasensya na!

...at inexplain ni Bugoy ang lahat at nagusap-usap sila kung papaano sya makakalabas

DAVID: Sa ngayon, pwede kayong magpyiansa. Since meron nagsampa ng demanda sa'yo Bugoy,pwede ka pa din makalabas pero hindi ka maaaring lumabas ng bansa kailangan dito ka lang sa may district mamalagi habang nililitis pa ang kaso mo.

BUGOY: Eh ano po ba ang tsansya kong manalo sa kaso ko?Eh kasi naman po yung sinampa sa aking kaso na Attempted murder ng gagong mayaman na lalaking yun eh self defense lang naman po talaga yun. At hindi ko naman alam na kinasuhan nya pala ako.

DAVID: Well, nakatakbo ka kasi kaya hindi mo alam na kinasuhan ka. Pero may chance ka pa namang manalo eh, basta mapapatunayang self-defense ang ginawa mo. Kailangan lang natin na kausapin ang mga nakakita sa ngyari. Pagnagsilabasan sila mas malaki ang chance mong manalo.

ARRON: Eh boss, ang mahal po kasi ng pyiansa nya eh, meron ba kaming malalapitan na pwedeng tumulong sa amin financially para makalabas muna sya pagsamantala?

DAVID: Don't worry, ako na ang magbabayad nun.

JOE: Boss, ang bait nyo naman! Baka mapunta kayo sa heaven nyan pagnamatay kayo!

BUGOY: Kuya naman palabasin mo muna ako dito bago nyo sabihin yan.(biglang natawa)

ARRON: Ikaw(kausap si Bugoy)nakuha mo pang magbiro!Magpasalamat ka na lang dito kay David at tinutulungan ka!Mamaya dyan pabayaan ka nyan eh.

DAVID: It's ok, sanay na din ako sa mga ganyang biro! Sige I'll meet up with you guys nalang sa may front desk at aayusin ko na ang pyiansa mo para makalabas ka na dito.

Opposite AttractsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon