CHAPTER 14
...nakita ni David si Bugoy
BUGOY: Ay naloko na! Nakita pa tayo, tara na dali!
ESLOVE: Eh bakit ba bigla kang nagkaganyan, eh ano naman ngayon kung nakita tayo. Hindi naman masamang kausapin natin sila, abogado mo naman yan eh.
...lumapit kila Bugoy
DAVID: Hi Bugoy! (nakapulupot ang mga kamay ni Coleen sa kanyang braso at iniirapan sya)
BUGOY: Hi po Sir! Sya nga po pala mga kaibigan ko, Si Eslove at si Quen po. Sila po pala yung mga witness sa kaso ko.
DAVID: (nakipagkamay naman sa dalawa)Nice to meet you both! By the way, this is my fiancee Coleen.
...nakaramdam ng matinding insecurity si Bugoy.
BUGOY: Ah sige po Sir, alis na po kami baka po kasi nakakaabala kami sa inyo eh.(at tinignan nya ang dalawang kaibigan at binigyan ng sensyales na kailanga na nilang umalis)
ESLOVE: Ah sige po boss!
...at kumaway nalang si Quen
DAVID: Sige Bugoy, pero bago kayo umalis, are you available tomorrow noon?
BUGOY: Opo sir, pwede po ako. Para po ba sa meeting natin?
DAVID: Yup, kita nalang tayo sa same resto tomorrow same time din.
BUGOY: Sige po sir!
...at tuluyan ng umalis ang tatlo.
QUEN: (napansin ang pananahimik ni Bugoy)Huy! Ano ba nangyayari sayo? Bigla ka nalang naging ganyan?
ESLOVE: May gusto ka ba dun sa abogado mo?
BUGOY: Mga baliw! Gutom lang yan, tara na umuwi na tayo at ng makakain!
...pagdating sa bahay nila dumretso si Bugoy sa kwarto.
BUGOY'S POV: (tumingin sa salamin at tinanggal ang tali ng buhok) Hmmm, mas maganda naman ako dun ng dihamak! Ano kaya nagustuhan ni Sir David dun sa babaeng yun?
JOE: Ehem ehem!
BUGOY: Oh kuya kanina ka pa dyan? (biglang inayos ang sarili)
JOE: Eh kanina pa kaya kita tinatawag, pero mukhang busing busy ka sa pagtitig sa sarili mo sa salamin. Sino ba kinakausap mo?Nababaliw ka na Avigail? At kanina pa kita naririnig kausap ang sarili mo.
BUGOY: Ah kwan eh kuya kasi ano, wala yun nagpapractice lang ako ng sasabihin ko pag nakaharap na ako sa mga jurors.
JOE: (mukhang hindi kumbinsido)Ah s-sige bumaba ka na at kakain na tayo. Nakahain na ang hapagkainan.

BINABASA MO ANG
Opposite Attracts
Любовные романыSi Avigail kilala rin bilang Bugoy isang babae na may kakaibang pananaw sa buhay. Laki sa hirap at mahilig bumarkada. Palibhasa kasi puro lalaki ang mga kapatid nito kaya pati sya ay tila nagin parang kilos lalaki na din. Dati itong mabait at masunu...