CHAPTER 46
DAVID: Bakit ano ba nararamdaman mo pagmagkasama tayo?
BUGOY: Masaya!Parang laging buo ang araw ko!Parang may kulang pag hindi tayo nagkikita.
....napakalaking ngiti ni David habang nakikinig kay Bugoy.
...biglang natigil si Bugoy
DAVID: Oh bakit ka huminto? Nakikinig ako eh!
BUGOY: Kaya nga ako huminto eh, kasi napakalaki na ng ngiti mo! Ano ba kasi yan?Para kang ewan!
DAVID: Alam mo mabuti pa sa mga kuya mo ikaw magtanong baka ngitian ka lang din nila.
BUGOY: Ewan ko sayo!Paghindi ka tumigil sa kakangiti mo dyan aalis ako!
DAVID: Hahaha eto naman sige na kumain ka na lang! Ngayon alam ko na kung meron o wala akong pagasa sayo!
...Umaktong parang walang narinig si Bugoy at nagpatuloy na lang sa pagkain.
...pagkatapos kumain ay nagtungo na sila sa bahay nila Bugoy
BUGOY: Salamat sa pagsundo at sa paghatid ha! Sabi ko naman sayo, kahit wag na eh.
DAVID: Ok lang yun, ginusto ko naman eh. Wala din akong ginagawa sa bahay kaya ok lang.
BUGOY: Sige pano ba yan? Pasok sa ako sa loob ha, ingat ka sa pag-uwi!(tumalikod at naglakad papasok sa loob ng)
DAVID: (hinawakan si Bugoy sa braso para pigilan)Avigail!
BUGOY: Oh may kailangan ka pa?
DAVID: Ah, 'wag mo sanang iisipin na minamadali kita. Pero gusto ko lang sanang malaman kung may pagasa ba ako sayo.
BUGOY: Hindi ko masasagot ang tanong mo sa ngayon, sana mahintay mo hanggang sa matapos ang kaso ko, siguro sa panahon na yon, handa na akong sagutin ulit ang katanungan mo.
DAVID: (ngumiti)Sige, hihintayin ko yang kasagutan mo.Pasok ka na sa loob, alis na rin ako.
...at tuluyan ng umalis si David

BINABASA MO ANG
Opposite Attracts
RomanceSi Avigail kilala rin bilang Bugoy isang babae na may kakaibang pananaw sa buhay. Laki sa hirap at mahilig bumarkada. Palibhasa kasi puro lalaki ang mga kapatid nito kaya pati sya ay tila nagin parang kilos lalaki na din. Dati itong mabait at masunu...