CHAPTER 41
...pagdating ni David sa bahay ni Bugoy naabutan din nya si Quen duon na may dalang bulaklak
ARRON: 'tol, nandito na si Sir David oh!
BUGOY: Ah sige kuya papasukin mo.
QUEN: (aalis na kunwari)Oh sige na aalis na ako, basta bukas ulit ha dadalaw ako sa inyo.
BUGOY: Sus, sige nandito lang naman ako sa bahay eh.
...umalis na si Quen at napansing parang biglang natahimik si David
BUGOY: Huy! Ayos ka lang ba?Nakaalis na yung isa kong bisita, halika pasok ka!
DAVID: Diba barkada mo yun? Nanliligaw sya sayo?
BUGOY's POV: Ay parang interesado syang malaman ha.
BUGOY: Ah yun oo si Quen,tandaan mo naman sya diba? Isa sya sa mga witnessess. Oo ewan ko ba dun, sabi ko nga sa kanya hindi kami talo pero mapilit eh kaya hinayaan ko nalang din.
DAVID: Ah ganun ba?(may lungkot sa mga salita nya)Sya nga pala nagkausap na ba kayo ni Mr. Reid?
BUGOY: Ah, hindi pa pero sabi nya magmemeeting daw kami soon. Ewan ko lang kung kailan ang soon na yun.
DAVID: Naku naman eh may hearing na kayo next week ha? Kailangan na nyang makausap ka dahil kailangan mong ma fill in sa stories mo. At ng makausap na din nya ang witnessess.
BUGOY: Ewan ko pero tatawagan ko nalang siguro sya bukas.
DAVID: Oh maiba tayo, kamusta ka na nga pala? Sorry ulit dun sa ngyari kagabi ha?
BUGOY: Wala yun, sinabi ko naman sayo na wala kang dapat ipaliwanag sa akin eh. Wala namang tayo eh. Kaya ayos lang basta ang importante ayos na kayo ni Coleen at ikakasal na kayo.
DAVID: Avigail, sinabi ko naman sayo wala ng kami ni Coleen. Hiwalay na kami remember? Kagabi ko lang ulit sya na kausap. Si daddy ang may pakana ng lahat.
BUGOY: Ang tatay mo? Bakit naman nya gagawin yon?
DAVID: (hindi sinagot ang tanong ni Bugoy)Basta kahit anong mangyari at kahit anong marining mo na tungkol sa amin ni Coleen hindi totoo yun. Wala ng kami! At nandito ako ngayon dahil gusto kong malaman mo na I really like you.
BUGOY: Ha? Ano sinabi mo? (nagulat sa sinabi ni David)
DAVID: Siguro naman hindi ka manhid at hindi ka bingi Avigail. Mahal kita!Pero hindi ko naman hinihiling na suklian mo yun eh. It's enough for me that you know how I feel. You know I'd do anything for you. Basta pag handa ka na sabihin mo lang.
BUGOY: (biglang iniba ang usapan)Teka, hindi ba nagalit ang daddy mo sa'yo kagabi? Dahil sa paghatid mo sa akin?
DAVID: 'Wag mo ng pansinin yun. Kung nagalit man sya, kasalanan nya yun in the first place hindi ko talaga alam kung bakit sya nagkaganun. Wala naman akong ginawang masama eh.
BUGOY: Hindi ba't bawal ang pakikipagugnayan ng abogado sa kanyang kliyente?Baka mamaya dyan matanggalan ka ng lisensya ng dahil lang sa akin. Hinding hindi ko mapapatawad ang aking sarili pagnangyari yun.
DAVID: (hindi alam kung papaano ipapaliwanag kay Bugoy ang mga ngyari sa opisina kanina)

BINABASA MO ANG
Opposite Attracts
Lãng mạnSi Avigail kilala rin bilang Bugoy isang babae na may kakaibang pananaw sa buhay. Laki sa hirap at mahilig bumarkada. Palibhasa kasi puro lalaki ang mga kapatid nito kaya pati sya ay tila nagin parang kilos lalaki na din. Dati itong mabait at masunu...