Opposite Attracts - Chapter 48

2.9K 73 10
                                    

CHAPTER 48

...nagcelebrate sila sa isang resto kasama ang mga kuya ni Bugoy

ARRON: David! Salamat ulit sa lahat ng naitulong mo sa amin ha. Kahit hindi ikaw yung nagpanalo sa kaso pero hindi mo pinabayaan itong si Avigail.

DAVID: You're welcome!

JOE: Alam mo, ngayon napatunayan mo na kung gaano mo kamahal itong si Avigail, kung gusto mo tutulungan ka namin na mapasagot yan.

BUGOY: Kuya nakakahiya kayo! Ano ba!

ARRON: (biglang nagbiro si Arron)Bayaw! Ayun nalang itatawag namin sayo magmula ngayon diba 'tol(Joe)?

JOE: Ay oo naman! Basta wag na wag mo lang papaiyakin itong si Avigail namin ha, nagiisang babae yan at bunso pa. Kaya pagpinaiyak mo yan, magtago ka na sa pinaggalingan mo.(biglang tumawa ng makita ang pagaalala sa mukha ni David)Eto naman di na mabiro.

DAVID: (tumingin kay Bugoy at ngumiti)Sige kain lang kayo ng kain ako magbabayad nyan.

ARRON: Aba dapat lang ikaw nagaya eh!

BUGOY: (hiyang hiya na dahil sa mga kuya nya)Kuya ano ka ba!Mahiya ka nga sa mga pinagsasasabi mo.

...muling nagkwentuhan at pagkatapos kumain ay umuwi na din sila.

...sa may labas ng bahay nila Bugoy

ARRON: Bayaw, salamat ulit! Sige maiwan ko muna kayo.

JOE: (sumaludo lang kay David hudyat ng pasasalamat nya dito at pumasok na din sa loob)

DAVID: Mukhang na enjoy ng husto ng mga kuya mo yung kinainan natin ha.

BUGOY: Oo nga eh, lalo tuloy akong nahiya sayo.Salamat ulit, hindi ko alam kung hanggang saan ang pasasalamat ko sa mga naibigay mong tulong sa aming magkakapatid.

DAVID: Ano ka ba, I told you already wala yun. (biglang iniba ang usapan)So paano ba yan, tapos na yung kaso mo. Sabi mo sasabihin mo sa akin ang sagot mo sa tanong ko pagnatapos na ang kaso mo.Now is your chance to tell me. So ano may chance ba?

BUGOY: (hindi makapagsalita)

DAVID: If you're not ready, I'd totally understand! Kaya ko namang maghintay eh.Nagbabakasakali lang na ready ka ng sagutin ako.

BUGOY: Ayaw mong madinig ang sagot ko? Ready pa man din ako na sagutin ka!

DAVID: (naexcite sa sinabi ni Bugoy)What? Did I understand you right? Sinasagot mo na ako? As in Yes na Yes?

BUGOY: (nginitian si David)Yes! Oo na! Ayaw mo? (akmang tatalikod)Sige binabawi ko na! Excited pa man din akong sabihin yan sayo, kaso parang ayaw mo.

DAVID: (hinablot ang kamay ni Bugoy at hinarap sa kanya, akmang hahalikan nya ang dalaga)

BUGOY: (tinakpan ang bibig ni David)Hep! Hep!Hep! Pang-ilan na nakaw na halik mo na yan ha!Baka ikaw ang kasuhan ko nyan.(biglang natawa)

DAVID: (parang nahiya)Sorry naman! I'm just happy that finally sinagot mo din ako.(yumakap kay Bugoy)I love you!

BUGOY: I love you too!

...lumipas ang panahon at nagtagal ang relasyon nilang dalawa. Ni naglaon nagpatayo na din ng sariling business si David. Since pagkain ang hilig nilang dalawa, napagdesisyunan nila na Restaurant ang business na ipatayo nila. Magpasa hanggang ngayon ay hindi pa din pinapatawad si David ng kanyang ama dahil sa napili nitong buhay. Masakit man sa isip nya pero kailangan na lang nyang tanggapin iyon.

DAVID'S POV: Darating ang araw dad, at mapapatawad mo din ako. Hindi man ngayon ang tamang panahon pero naniniwala ako na magagawa mo din akong mapatawad.

...pagkalipas ng 5 taon ay inaya na ni David na magpakasal si Bugoy, simpleng kasalan ang ngyari dahil na rin sa kahilingan ni Bugoy na gusto nya ng tahimik na kasal.Sa ngayon ay ang restaurant muna nila ang pinagtutuuan nila ng pansin at napagdesisyunan na 'wag munang magkaanak.Samantala ang mga kuya ni Bugoy ay duon na din sa restaurant nila nagtrabaho para na din matulungan ito sa pamumuhay nila.

........................................................................THE END-----------------------------------------------

*Ano man ang katayuan natin sa buhay, mahirap man o mayaman, maganda man o panget, mataba man o payat. Kahit anong klaseng tao ka pa, tayo ay binigyan ng dyos ng karapatan na umibig. Hindi man pareho ang estado ninyo sa buhay ay hindi iyon magiging handalang sa pagiibigan ng dalawang tao. Sabi nga nila, pagdating sa pag-ibig, lahat pantay-pantay, walang mahirap walang mayaman. *

Maraming maraming salamat sa lahat ng sumubaybay!Sana sa uulitin!

Opposite AttractsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon