Opposite Attracts - Chapter 38

1.6K 23 0
                                    

CHAPTER 38

BUGOY: Ha? Seryoso ba kayo?

ARRON: Aba bakit mukha ba akong nagbibiro?

BUGOY: Eh papaano ko naman gagawin yun? Eh wala naman akong kilala na magpapanggap na nanliligaw sa akin.

JOE: Akala ko ba puro lalaki ang kaibigan mo?Dahil sabi mo wala kang babaeng kaibigan. Bakit 'tol loner ka ba? At wala kang kaibigan?

BUGOY: Eh si Eslove at si Quen lang naman ang ka close ko eh.

ARRON: Eh di mamili ka sa kanilang dalawa.

BUGOY: Ay ganun? Pero kuya may point ka!.

JOE: Basta ka pag tumawag ulit sa'yo yang lalaking yan kausapin mo lang at kung gusto nyang makipagkita sayo, puntahan mo lang. Siguro naman alam mo na kung papaano ka magpapaselos ng isang tao.

BUGOY: Bahala na si Batman kuya!

...biglang nagring ang telepono ni Bugoy

BUGOY: Oh eto na oh, ayan oh (pinakita ang telepono nya, tumatawag si David)Hello!

DAVID: Avigail, naistorbo ba kita?

BUGOY: Hindi naman, kausap ko lang mga kuya ko bakit? Ano problema?

DAVID: Wala naman, itatanong ko lang sana kung ok ka na ba? Sorry talaga sa ngyari kanina ha. Maniwala ka talagang walang katotohanan ang engagement na inannounce ni Daddy kanina.

...biglang tumawag ang ama nya sa kabilang linya.

DAVID: Ah, sige tawagan na lang ulit kita May call ako sa kabilang line eh. Bye!

...binaba na ang telepono.

DAVID: Hello dad!

MR. CONCEPCION: David! Talaga bang may balak kang patayin ako sa kahihiyan ha bata ka? Sobrang tagal kong inalagaan ang pangalan ko tapos eto ang igaganti mo sa akin?

DAVID: Bakit dad? Sino ba nagsabi sa inyo na may engagement? Ni hindi ko nga alam ang tungkol dun eh. At isa pa wala na kami ni Coleen. At teka nga, sya ba ang kakontsaba ninyo sa engagement na yan?

MR. CONCEPCION:Ikaw ang inaalala ko, sinasalba ko ang kahihiyan na pwedeng idulot ng ginawa mo sa kliyente mo.

DAVID: I don't need your help dad! Kung mawalan ako ng lisensya dahil sa ginawa ko, probleman ko na yun. At sino ang napahiya kanina? Diba kayo din, sa susunod kasi na subukan ninyong tulunga ako, wag nyo nang ituloy!

MR. CONCEPCION: Alam mo ba na pinahiya mo ako sa mga friends and business coleagues ko kanina? Ano na lang ang mukhang ihaharap ko sa kanila?

DAVID: What ever happened earlier, you surely deserved it! Hindi ko hiningi sa inyo na ipagsabi sa lahat ng bisita ninyo na engage kami ni Coleen.

MR. CONCEPCION: Talaga bang nagmamatigas ka? Kung yan ang gusto mo, pwes bukas na bukas irereport ko sa bored ang ginawa mong pakikipagmabutihan sa kliyente mo. Tignan lang natin kung may career ka pa pagkatapos ng bukas.

DAVID: Well dad, you do what you have to do! Even if it's worth your son's career! Nasa sa inyo yan. I know what I'm doing dad.

MR. CONCEPCION: Ano ba nakita mo sa babaeng yon? Hindi ka na nahiya? Sarili mong kliyente pinatulan mo?

DAVID: I love her dad. Yes! You heard me right, I do love her. Hindi sya pangkaraniwang babae. May kasalanan man sya sa batas pero handa syang magbayad sa mga ginawa nyang kasalanan. At least sya totoo syang tao hindi katulad ninyo. (at sabay binaba ang telepono)

Opposite AttractsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon