CHAPTER 7
...kinabukasan tumawag si David kay Bugoy
DAVID: (kausap sa phone)Is this Ms. Avigail Seron?
BUGOY: Oo ako nga, sino toh?
DAVID: Hi Bugoy! This is your attorney, David.
BUGOY: Ah kamusta na Sir?
DAVID: I'm ok thank you and yourself?
BUGOY: Sir naman eh, ano ba sasusunod na inglesen nyo ko babagsakan ko kayo ng phone. Sabi ko naman sa inyo, I don't ispokining ingles eh.
DAVID: (tumawa ng malakas)Pasensya na nasanay lang kasi ako pagkausap ko ang mga kliyente ko.
BUGOY: Eh Sir, weh di ang isipin ninyo magkaibigan nalang tayo para naman hindi nyo na ko iniingles pa.
JOE: (narinig na kausap ni Bugoy ang abogado nya sa phone)Hoy! Wag mo ngang nilalandi yang abogado mo!
BUGOY: (pinatahimik ang kuya nya at bumulong)Shhh!!! Wag ka ngang magulo kuya! kanya kanyang diskarte lang ok.
DAVID: Kaya nga pala ako tumawag para magset up ng meeting with you. Kailangan nating pagusapan ang mga susunod nating hakbang. Ang first trial mo ay within the next few weeks kaya kailangan na natin magusap.
BUGOY: Ganun po ba? Sige kailan po ang meeting?
DAVID: Pwede ka ba today?
BUGOY: (biglang sumaya)Pwedeng pwede po! Anong oras po ba?
DAVID: Well since I'm free for the rest of the day, will you make it within the hour?
BUGOY: Sure Sir, bigay nyo nalang ang direksyon kung papaano pumunta dyan sa opis ninyo at para makapunta ako dyan.
....at ibinigay naman ni David ang direction at ibinaba na din ang phone.
BUGOY: (wagas ang ngiti dahil makakalabas na din sya sa wakas)Eh Kuya pano ba yan, kailangan ko daw pumunta sa opis ni Mr. Pogi! Kailangan daw naming magmeeting.
JOE: Hoy babae! Hindi date ang pupuntahan mo ha, meeting yun kasama ng abogado mo. Kung makangiti ka dyan kala mo kalandian ang aatupagin mo dun. At baka nakakalimutan mo, sasamahan ka namin dun para sigurado na hindi ka tatakas pagtapos mong pumunta dun.
BUGOY: Kuya naman eh! Hindi naman ako tatakas eh. Hindi ako lalarga sa layasan. At hindi ko naman type yung si Mr. Pogi eh. Hindi kalandian ang sasadyain ko dun ok.
ARRON: Alam mo 'tol ganito nalang tutal na sa akin naman ang number ni Sir David, tatawagan ko nalang sya at makikisuyo nalang ako na ihatid nya 'tong babaeng ito sa bahay pagkatapos ng meeting nila.
BUGOY: Kuya wag! Nakakahiya naman dun sa tao!
JOE: Nakakahiya o baka naman baka mabuking ka na may lakad kang iba?
BUGOY: Bahala na nga kayo dyan! (at pumasok sa kwarto para magbihis)

BINABASA MO ANG
Opposite Attracts
RomanceSi Avigail kilala rin bilang Bugoy isang babae na may kakaibang pananaw sa buhay. Laki sa hirap at mahilig bumarkada. Palibhasa kasi puro lalaki ang mga kapatid nito kaya pati sya ay tila nagin parang kilos lalaki na din. Dati itong mabait at masunu...