Opposite Attracts - Chapter 6

2.4K 43 0
                                    

CHAPTER 6

BUGOY: kuya naman eh, wag mo akong tinatakot ng ganyan.

JOE: Aba sa tingin mo tinatakot ka namin?

ARRON: Hoy Avigail tandaan mo, sobrang bigat ng kasalang nagawa mo!Hindi biro ang kaso sa'yo.

BUGOY: Kuya naman, self-defense lang naman kasi yung ginawa ko eh.

ARRON:Self-defense?Papaanong self-defense? Eh akyat bahay ka kaya. Kaya nga nagtangkang patayin ka nung tao eh.

BUGOY:Ha!Eh tanga sya eh, magpasalamat sya matalino ako at pinikturan ko sarili ko nung time na yon at nagmistulang parang pinagtangkaan nya akong reypin. Punit punit ang damit ko nung makauwi ako tapos nagkapasa pa ako.

ARRON: Aba at sa tingin mo dapat pa ka kaming magpasalamat dahil sa ngyari?Tandaan mo Avigail ha, pagsalamat ka at hindi ka natuluyan nung lalaking yun. Kumilos kilos ka nga ng tama. Parang hindi ka babae eh.

JOE: Alam mo kasi 'tol, paghindi pa din tumino yang babaeng yan, kalbuhin na natin para magtigil na sya. (sabay nagtawanan ang dalawang kuya ni Bugoy)

BUGOY: Sige pagtulungan ninyo kong dalawa. Siguro kung buhay pa sila mama at papa malamang ko maiintindihan nila ako.

ARRON: Kung nabubuhay siguro sila, lalo na si Papa, panigurado mas nauna pa syang kalbuhin ka at igapos ng patiwarek!Hindi gawain ng matinong babae yang mga pinagagagawa mo noh!

JOE: Naku! Maaga kong tatanda sa babaeng ito! O baka mas malala pa dun, baka tumanda akong binata ng dahil sayo!

BUGOY: Eh kaya nga sinasabi ko sa inyo na maghanap na kayo ng mga syota ninyo ng hindi ako ang pinupuntirya ninyo. Tapos sisisihin nyo ako pag tumanda kayong binata.

ARRON: Ay naku! Dyan ka na nga kahit kailan ka hindi ka matinong kausap. Hoy! Paalala ko lang sayo ha, hinding hindi ka makakalabas ng bahay ng hindi kami kasama.

JOE: At hinding hindi ka makikipagkita sa mga barkada mong walang kwenta.

BUGOY: Ay so pagrumaket ako gusto nyo din sumama? Kasi sabi nyo hindi ako makakalabas ng hindi kayo kasama eh. Hay naku mga kuya kung sa umpisa pa lang yan na ang ibig nyong sabihin sana sinabi nyo na ng maaga.Makikiraket lang pala kayo eh.

ARRON: Hoy! Tigil tigilan mo ako sa paggiging pilosopo mo ha. Hindi yan ang ibig kong sabihin. Tandaan mo lilitisin pa ang kaso mo.Dapat ngayon palang ay magdasal dasal ka na na hindi ka tuluyang makulong.

BUGOY: Eh kuya mukhang magaling naman na abogado si Mr. Pogi eh.

JOE: At pati ang abogado mo pinagdidiskitahan mo. Hindi ka type non noh! Sa mga ginagawa mo sa tingin mo hindi pa yun na turn off sayo?Ang ganda mo nga magna ka naman! Saksakan ng likot ng mga kamay!

Opposite AttractsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon