Opposite Attracts - Chapter 9

2K 31 0
                                    

CHAPTER 9

...makalipas ang ilang araw....

BUGOY: (tumakas sa bahay nila at nakipagkita sa mga kabarkada) Hoy pare! Long time no see!

ESLOVE: Hoy 'tol! Ano balita? Ilang araw din ka naming hindi nakikita ha?

QUEN: Oo nga eh, bantay sarado ka na yata ng mga kuya mo eh.

BUGOY: Hindi noh! Ano saan larga natin? Saan tayo raraket ngayon?

ESLOVE: Sigurado ka ba dyan sa gusto mong gawin? Eh kakahuli lang ulit sayo.

QUEN: Oo nga 'tol sigurado ka? Baka pagkami naabutan ng mga kuya mo eh, mapatay kami nun.

BUGOY: Hindi yan! Ako bahala sa inyo! Ano saan tayo?Gusto nyo dun tayo sa may Recto? O sa may Baklaran?

ESLOVE: Baclaran nalang muna tayo ngayon, tutal linggo naman eh, maraming magsisimba ngayon. Tiba-tiba tayo pagnagkataon nun.

...sa may Baclaran...

QUEN: Oh Bugoy magiingat ka ha, mahirap na at baka mahuli ka nanaman!

ESLOVE: Oo nga patay patay kami sa mga kuya mo nito!

BUGOY: Sige na ok lang ako.

...pero bago pa sila magsimula sa raket nila...

QUEN: (biglang nagpanic!)Naku malas! Tara na mga 'tol may abala ngayon dito! Daming pulis ayun dali nagkakahulihan na dali takbo na tayo.

...at biglang nagsitakbuhan ang tatlo...

...pagbalik sa kanila

ESLOVE: Muntikan na tayo dun ah!

BUGOY: Buti nalang nakita mo Quen! Kundi siguro baka nahuli na tayo.

QUEN: Eh ikaw lang kasi ang mapilit na rumaket ngayon eh. Dapat lielow muna tayo sa ganyan dahil nagkakainitan pa lalo na't may kaso ka pang lilitisin.

BUGOY: Eh nakakabato kasi sa bahay eh. Kinukulong ako dun walang kwenta kasi wala akong makausap na matino.

...biglang nag ring ang cell phone ni Bugoy...

BUGOY: (David calling...) Hello Sir! Ano po atin?

DAVID: Well as promised! Tinawagan lang kita para iset up ang next meeting natin. Are you free tomorrow?

BUGOY: Sir naman, nangiinsulto ba kayo?

DAVID: Bakit?

BUGOY: Eh tinatanong pa po ba kung busy ako eh, wala nga akong trabaho. Natural wala akong pupuntahan.

DAVID: Ok I'm sorry, but anyway be here in my office at 1 pm. Kung gusto mo lunch meeting nalang if you don't mind.

BUGOY: Eh Sir, nakakahiya naman po, eh wala naman po akong pera eh. Sa office nyo nalang po.

DAVID: No it's ok, my treat.

BUGOY: Ok sir sige po kayo bahala.

Opposite AttractsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon