Opposite Attracts - Chapter 22

1.8K 33 0
                                    

CHAPTER 22

...biglang lumayo sa pagkakahalik si David

DAVID: Oh my God! i am so sorry Bugoy!

BUGOY: (hindi makatingin kay David)Dyos ko po!

DAVID: This is wrong! It's all wrong.Pasensya na sa ginawa ko Bugoy! Pero dapat talaga hindi ko ginawa yun eh.

BUGOY: S-sige o Sir, aalis na po ako! (at tuluyan ng lumabas ng kotse)

DAVID: (naiwan magisa sa kotse at biglang sinuntok ang manibela)Shiiit!! Ano nanaman ba yang ginawa mo David!! Mali yun, hindi kami pwede ni Bugoy hangga't kliyente ko sya. (tuluyan ng umalis)

...pagpasok sa bahay ni Bugoy

JOE: Oh bakit antagal mo naman yata dyan sa meeting mo?

BUGOY: (hindi pinansin ang kuya at tuloy-tuloy pumasok sa kwarto)

JOE: Aba! Bastos nitong babaeng ito ha! Ano na naman kayang drama nun. (sinundan sa kwanrto si Bugoy at kinatok ang pintuan)Avigail! Hoy! Buksan mo itong pintuan.

BUGOY: (binuksan naman ang pinto)Bakit po kuya?

JOE: Anong bakit? Kinakausap kaya kita pagdating mo palang kanina, hindi mo man lang ako pinansin. Ano ba ngyayari sayo?

BUGOY: Ah w-wala naman po kuya, pagod lang siguro ako.

JOE: Pagod? Ano na nga pala ngyari sa meeting ninyo ni Sir David?

BUGOY: Ah ok naman po kuya, napagusapan na po namin ang tungkol sa kaso at kailangan ko na lang pong kausapin sila Quen at si Eslove para tumistigo sa kaso. Tapos po pwede ko na daw po silang dalhin dun sa opisina nya.

JOE: Mabuti naman kung ganun. Oh sige magpahinga ka sandali at lumabas ka din pagtapos mong magpahinga at malapit nang matapos ang niluluto ko.

BUGOY: Ah eh kwan kuya, busog pa po ako eh.

JOE: Busog? At bakit saan ka naka kuha ng pambili ng pangmiryenda mo? Eh sakto pamasahe lang naman ang pera mo.

BUGOY: Si Sir David po kuya, nilibre po nya ako ng miryenda kanina. Ginutom po kasi ako kanina eh habang nagmemeeting kami at nahalata yata nya ang ingay ng tyan ko kaya yun.

ARRON: (narinig ang usapan nila Joe at Bugoy pagdating sa bahay.)Aba teka nga Avigail, ako seryoso ako ha, nakakahalata na talaga ako dyan sa kabaitan ng abogado mo.

BUGOY: Isa ka pa kuya eh! Ginagatungan mo pa yung sinasabi ni Kuya Joe! Ewan ko sa inyong dalawa mga echusero!

Opposite AttractsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon