CHAPTER 25
BUGOY: Alam mo sa susunod na magtatanong ka ulit, hwag mo ng ituloy ok! Kung ayaw mong marining ang isasagot sayo ng tao. At ano naman ang mapapala ko sa pagsisinungaling ko sayo?
QUEN: 'tol naman sa itsura mong yan?Papatol sa'yo yang may ari ng lawfirm na toh? Nahihibang ka na ba?
BUGOY: Nakakairita ka kahit kailan! Mas mabuti pang hindi ko nalang sana sinagot yang tanong mo eh. Bad trip ka 'tol! Bahala ka sa buhay mo!
...umalis si Bugoy at bumalik sa loob ng opisina...
BUGOY: (hindi alam na rinig na rinig pala ang usapan nilang dalawa ni Quen sa loob ng opisina) Ah, pasensya na po at natagalan kami.
DAVID: O-ok lang sige have a sit please!
...umupo at bumalik din si Quen sa loob at tinuloy ang meeting....
...pagkatapos ng meeting ay umalis nadin ang tatlo...
DAVID: Sige, I'll be seeing the three of you sa susunod na hearing.
ESLOVE: Sige po Sir!Aalis na po kami...
...at tuluyang umalis ang tatlo.
...paglabas ng building ng concepcion lawfirm...
ESLOVE: Ano ba kayong dalawa kanina, lumabas pa kayo ng opisina pero rinig na rinig naman ang pinaguusapan ninyong dalawa.
BUGOY: Weh? Di nga?
ESLOVE: Mukha ba akong nagbibiro? Hindi mo ba nakita ang itsura ng mukha ni Sir David pagpasok ninyo ulit sa loob ng opisina nya?Mukhang hindi maipinta.
BUGOY: Ibig mong sabihin alam nyang sya ang pinaguusapan namin ni Quen kanina?
ESLOVE: Sobrang linaw kaya ng usapan ninyo. Hindi pa ninyo sana pinagpaliban yang tsismisan ninyong dalawa kanina.
QUEN: Malay ba namin na maririnig kami sa loob ng opisina nya.
ESLOVE: Kahit na, hindi nyo man lang ba naisip na baka yung ibang empleyado ang makarinig sa inyong paguusap?
BUGOY: Teka bakit pa sobrang affected mo ha? Weh ano naman ngayon kung narinig nya yung pinagusapan namin ni Quen kanina? Eh totoo naman yun lahat.
ESLOVE: Bugoy, kahit na! Hindi pa din tama yun. Ewan ko sa inyong dalawa, puro mga mahihirap umintindi.Pagako naasar lalo eh baka hindi ako tumistigo sa kaso mo eh.
BUGOY: Eto naman nagtampo pa. Para kang bakla!
ESLOVE: Weh? Hindi naman kayo bagay ni Sir David! (biglang tumawa ng malakas)

BINABASA MO ANG
Opposite Attracts
RomanceSi Avigail kilala rin bilang Bugoy isang babae na may kakaibang pananaw sa buhay. Laki sa hirap at mahilig bumarkada. Palibhasa kasi puro lalaki ang mga kapatid nito kaya pati sya ay tila nagin parang kilos lalaki na din. Dati itong mabait at masunu...