ITS JUST like any other day in the life of Matilda except today ay kasama niya ang kanyang mga kaibigan. Matagal na din mula noong huli silang nagkasama-sama. Pare-pareho na kasing mga may pamilya na ang mga ito or significant others na kinabubusyhan habang siya hayun at nuknukan pa din ng pagiging single. Masyado siyang busy sa lahat ng mga pangarap niya, no time for love. Or so she says."Matilda, ano na ba ang plano mo? Pakakasalan mo na ba yang hospital?" Tanong sa kanya ni Lorie, happily married na ito at lahat sila ay happy sa naging takbo ng love story nito. It took a while bago naging maayos pero worth it as she says. In love na in love kasi ang loka.
"Kung pwede lang para mas makasama ko siya palagi." she laughed kahit deep inside ay natatakot siyang magkatotoo yun. Ayaw niyang mag-isa pero ayaw niyang ipaalam sa iba.
"Get over it, are you still whining about that douche that left you and said he'll come back tapos papadalhan ka ng invitation 5 years later?" sabi ni Lulu and that hit the spot. Totoo naman kasi na nagluluksa pa din siya sa pagpapakasal ni Tyron 6 years ago lalo na at nakikita niyang nagpopost pa ito ng photos ng mga anak at asawa.
"Hoy Louisa Rose tantanan mo ako ah. I'm long over that guy, bahala siya sa buhay niya. Masyado lang talaga akong busy sa ospital. I'm always there kaya naman wala na akong time sa love na yan. I'm just 32, di naman ako nagmamadali." ngumiti siya bago sinimsim ang kape sa baso niya.
Sinungaling! Iniiyakan mo kaya ang pagiging single mo. Loka!
In truth, nagmamadali naman na talaga si Mati at nagtataka na siya kung pangit ba siya kasi wala ni isang nanliligaw sa kanya. May mga foreigner noong nag-aaral siya pero sadyang hindi nakuha ng mga iyon ang attention niya. Masyado siyang focused kasi noon sa pag-aaral, doon niya ibinuhos ang lahat ng emotions at time niya hanggang sa di niya namalayan na natapos na siya ng Medicine.
She took up Medicine sa Johns Hopkins University School of Medicine, akala niya noong nag-apply siya doon ay sobrang suntok sa buwan kasi isa ito sa mga pinakamagagaling na institutions kaya naman hindi na siya umasa pero noong natanggap siya ay sobrang saya niya. She felt as though the world conspired to give her that opportunity, blessing na ang makatapos siya ng maaga sa college. She graduated Medical Technology a little before turning 19 kaya naman ginamit niya yun para naman hindi siya sobrang tanda matapos nang pag-aaral. Noong makatapos siya sa Johns Hopkins ay doon na din siya nagresidency para sa Surgery. She finished at the age of 28 pero di pa rin siya nag-settle at kumuha pa din siya ng Emergency Medicine sa UCLA to change her environment. Officially ay natapos siya nang mag-31 na siya. Tapos ngayon ay halos isang taon na siyang nasa St. Ignatius.
"Di bale, I'll set you up with my husband's friend. He's hot and rich. Swak yun sayo and when I met him mabait naman siya." excited na excited na sabi ni Kara.
"Over-selling ka naman ata, baka naman playboy yan ah!" She hesitated kasi ayaw na niya ng heartbreak. Ang gusto niya ay yung solid na love lofe.
"Edi iwanan mo dun kung di at par sa mga sinabi ko, Thomas is such a charmer!" kinuha nito ang cellphone at nagsimulang mag-text noong matapos ay ngumiti ito muli at humarap sa kanya, "Okay, all set. Magkita na lang kayo sa Cafe Vivere on Friday, he'll meet you there. Balitaan mo kami about the date ah!"
"Ewan ko sayo Kara, kapag yan hindi okay ah!"
"Just try kasi!" Halos sabay-sabay na sabi sa kanya ng mga kaibigan.
Sa kanilang siyam ay siya na lang ang dakilang single at mag-isa. Everyone has somebody na mahal sila. Magulo man ang mga naging kwento ng mga puso ng mga ito ay natuloy din sa happily ever after. Wedding after wedding, engagement after engagement, or boyfriend after boyfriend ay naiinggit pa din siya. Her friends found the ones who will make their hearts beat faster, the love of their lives pero siya na desperately looking ay wala man lang lumalapit.
BINABASA MO ANG
First Love, Last Love [PUBLISHED] | ✅
ChickLitWATTY'S 2017: Riveting Reads Awardee PUBLISHED under Lifebooks BFF Series #2: Matilda O. Romualdez Mati is single and definitely not loving it. She is waiting for that fairytale, knight in shining armor kind of love story pero parang kakaibang twist...