8: The Other Side of a Man

14K 300 6
                                    

"ANONG ginawa ninyo sa kwarto?" Baling sa kanila ng nanay ni Gray na karga-karga pa din si Ethan habang si Loisa naman ay hawak ang feeding bottle nito. "Magbibigay ka na ba uli sa akin ng bagong apo Gray?"

"Nako po! Hindi po! Hindi po!" Halos nagpapanic na sagot niya sa matandang babae. Hindi naman sila nagtagal sa kwarto, papaanong iisipin nito na may nangyari na agad sa kanila?

"Maka-react ka naman hija, maganda ang lahi niyang anak ko. Swerte ka kung mangyayari yun kaso hindi kita gusto para sa anak ko." Napansin niya naman na napatungo si Gray sa sinabi ng ina.

She could guess na hindi alam ng nanay nito ang kanyang kalagayan. Tapos hindi pa daw siya gusto nito! Aba! Hindi niya rin naman gusto si Gray eh. Crush lang siguro pero di na lalagpas yun dun. Mahirap na.

"Nay, tama na yan. Ihahatid ko muna sila sa bayan, may hotel naman doon kahit papaano. They can stay there." Napag-usapan na nila ni Gray iyon. Ayaw kasi niyang makaabala pa sila lalo sa mag-ina kaya sa bayan na lang sila mamamalagi at pupunta na lang sa hacienda kapag umaga na. She'll make good of her promise na mananatili sila doon hanggang sa makuha ang resulta ng DNA test.

"Anong ihahatid? Pinaayos ko na ang dalawang kwarto sa taas. Dito sila titira. Seryoso ako na ikaw ang mag-aalaga sa anak mo Thomas!" Malakas na sabi nito.

Napaigtad siya sa kinatatayuan. Bumalik nanaman ang sungit sa mukha nito, bagay na ikinatakot niya. She almost hid behind Gray pero bilang matanda na siya at dapat hindi na nasisidak ay she stood firm kahit na slightly nanginig na ang tuhod niya. Sobrang authoritative ng dating ng nanay ni Gray, as matindi pa sa strictness ng parents niya.

"Nay naman." Infairness sa tawag nito sa ina, malamang ay hindi ito nagbago kahit na yumaman na ang mga ito.

"That is final Thomas, pamamahay ko ito. Ako ang masusunod at dahil dito ka nagtago susunod ka din sa akin. Okay?" Wala nang nagawa si Gray kung hindi mapailing na lang sa sinabi ng nanay. Mabilis naman itong bumaling sa kanya. His face was apologetic. Paano ay matino na ang usapan nila kanina kaso mukhang walang perpektong usapan kung ang kalaban ay ang nanay nito.

"Sorry, looks like you're stuck here." Sabi nito kanya. Parang nawala yung mayabang na lalaking nakilala niya noon sa bar. Eto yung anak na masunurin na walang magawa kung hindi sumangayon sa utos ng nanay and he actually looked more handsome dahil doon.

"Ayos lang, natatakot din ako sa nanay mo eh. Hindi ko susubukan na umalis at baka katayin niya ako." She was dead serious pero biglang natawa sa kanya si Gray, his face lit up at kahit na mukha itong problemado ay gumwapo pa din ito lalo sa paningin niya. Possible na mas gumwapo pa ito?

"Don't be scared. Ako ang bahala sa inyo besides after the DNA test I guess hindi naman na niya kayo kukulitin. Ethan couldn't be mine." Pabulong na sabi sa kanya ni Gray.

At first akala niya ay egotistical ito like what tabloids put him out to be. Nagbasa-basa na kasi siya tungkol sa lalaki bago sila magpunta sa Batangas. She wanted to know what she was up against pero looking at Gray now mukhang iba lang ang ipinapakita nito sa mga tao.

"He's yours. I feel it. Kamukha mo siya." She tried to assure him kahit na alam niyang isang diagnosis ang kalaban niya. Kung hindi lang nakakahiya ay susubukan uli niyang kumbinsihin ang lalaki na magpacheck up uli pero she's in no position to do just that.

"Halina kayo, nakahanda ang tanghalian sa hapag." Aya sa kanila ng nanay nito na mukhang wala na atang balak na ibaba pa si Ethan.

"S-salamat po." She uttered.

Habang nasa hapag kainan sila ay mataimtim niyang tinitingnan si Ethan na karga pa din ng lola nito. He hasn't cried since buhatin siya nito. Kumakawag pa ang mga braso nito as if telling her na masaya siya kasi andito sila sa probinsya ng tatay niya. She couldn't help but smile dahil sa nakikita, Ethan finally has somebody to call family, yung totoong kadugo niya.

First Love, Last Love [PUBLISHED] | ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon