Last Trip to Happiness: Chapter 1

14K 156 15
                                    

A/N: This will be a very fast-paced story, matagalan ang leaps or super dami ng mga mangyayari per chapter pero busog ka pa din sa details

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

A/N: This will be a very fast-paced story, matagalan ang leaps or super dami ng mga mangyayari per chapter pero busog ka pa din sa details. This will probably be 6 or 7 parts, depende sa bagsak nung scenes na naiisip ko. I hope you guys enjoy it! Vote, comment and share kasi it helps us a lot to share with other people our stories. Thank you so much! Salamat sa pagsubaybay ng First Love, Last Love, this is my special treat for you guys!

If you're wondering kung may special chapters ang First Love, Last Love hindi pa ako sure pero may concept na ako. I'm waiting for 10 k reads bago ko siya simulan and i-post! Thank you! :)

🙋🏻: psychedelic26
________________

Chapter 1: Sweet Haven

IT HAS BEEN THREE HOURS since Carson left Mati's wedding reception. He can only take as much. Hindi niya alam na ganoon pala kalala ang tama niya sa kaibigan. His heart practically broke noong i-announce na ng pari na mag-asawa na si Mati and Gray. Wala naman siyang intensyon na siraan ang araw na ito para sa dalawa. Masaya siya na masaya si Mati and he knows that Gray loves his best friend very much. Wala siyang laban sa pagmamahalan nung dalawang yun.

He sighed, bakit nga ba siya nahulog sa loka-loka niya g kaibigan na si Mati? Ngayon tuloy parang may butas ang dibdib niya. He thought he just fancied her kasi maganda, matalino at magaling na doctor ito pero it was more than that pala. He loved her as a woman. Hindi niya namalayan na sa mga pagtulong nito sa kanya ay magkakaroon ito ng tunay na puwang sa buhay niya.

"Alam mo ijo, you could have been Mati's groom tomorrow kung hindi ka lang umatras eh." Pagalit sa kanya ng nanay niya habang kumakain sila ng umagahan.

"Ma, stop it. Ako pa nga ang isa sa mga tumulong na magkabalikan sila. Mati's not for me." Kahit hindi siya sigurado sa sinasabi. There was a part of him na gusto sanang magkaroon siya ng chance sa dalaga.

"I have been pushing you na ligawan na siya ever since she started helping you doon sa mga pinapadate ko sayo. Tinuloy-tuloy ko yun para magkadevelopan na kayo pero hindi pa din. Sayang talaga!" Naiiritang sabi ng nanay niya.

"Ewan ko sayo Ma, ang kulit mo. Ikaw na lang sumama sa akin bukas dun sa kasal. Mati might want you there too." Iniba na lang niya ang topic kung hindi ay hanggang bukas siya sesermonan nito.

"Alright, alright titigil na ako pero please move on ka na agad sa kanya ah. Find yourself a good girl to date. Okay?" Wala talagang tigili tong nanay niya.

"Hindi na po Ma, tatanda na lang akong binata." He suddenly declared. Tiyak na magwawala nanaman ang nanay niya sa sinabi niyang iyon.

"Dios mio ijo! Huwag mong susubukan kung hindi ay ipapakasal talaga kita sa kahit na sinong gustuhin ko. Mauubos ang lahi ng pamilya natin!" He is an only son at only son din ang daddy niya kaya wala na talagang magdadala ng pamilya Fortalejo.

First Love, Last Love [PUBLISHED] | ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon