DAMN, WALA atang normal na nangyari sa buhay ni GT these past few weeks. Kulang na description ang word na chaotic para maayos na maipaliwanag ang mga nangyayari. Hindi siya sure kung malaking kalokohan lang ang pagpasok ni Mati at Ethan sa buhay niya. Looking at it ay sobrang convenient ng lahat ng nangyayari, everything falls accordingly to Mati's favor. Halata naman na kahit ang mama niya ay gustong andoon si Matilda. That girl is driving him crazy.
Kung tatanungin siya a few weeks ago kung ano ang plano niya sa buhay malamang ay ang isasagot niya lang ay 'to have fun.' Wala naman kasi sing ibang plano kung hindi yun lang. Never did he think na magkakaanak siya kasi alam na niyang may diperensya siya. Pauleen, his ex-fianceè, left him because of that. Hindi niya akalain na ganoon lang pala kababaw ang pagmamahal ng babae sa kanya. She ruined him and broke his heart.
Today is our final doctor's appointment, makukuha na namin ang mga resulta ng head-to-toe executive check up namin ni Pauleen. She wanted us to have this check up para assured sila sa health ng isa't isa, she assured na whatever problems may occur ay sabay nilang haharapin. Gray was not worried at all, he's young and healthy so is Pauleen.
"Good morning Ms. Peralta, Mr. Oliveros." Bati sa kanila ng doctor.
"Ayos naman lahat ng results ng tests niyo, medyo mataas lang ang thyroid levels mo Pauleen pero nothing a little good natured diet can't fix. I'll give you the number of my friend who is a Nutritionist para matulungan ka." He smiled and handed Pauleen several pieces of paper. Siguro yun yung mga results ng test nito.
Pauleen smiled at him kasi maayos daw ang resulta ng tests sa kanya and she's fit as a cow. She looks so radiant and happy, palibhasa ay nurse ito kaya sobrang health buff. Gray met her noong makabangga niya ito sa isang corporate event ng kompanyang pinagtatrabahuhan niya. Ito daw ang bagong nurse. He instantly fell in love with her at mula noong magkabangga sila ay hindi na silang dalawa mapaghiwalay.
"As for you Mr. Oliveros, okay din naman lahat ng check ups mo pero may nadiscover kami. Remember na we tested even your reproductive health? Napag-alaman namin na mababa ang sperm count mo. You may find it extremely difficult to get your will be wife impregnated. I can recommend some treatments." Hindi halos makatingin sa kanya ang doctor. Siya man ay parang nabingi sa sinabi nito. Hindi niya akalain na iyon pa ang magiging problema niya. Hindi ba pwedeng hypertension na lang o mataas na blood sugar? Kailangan pa talaga na baog siya?
"May solusyon ba yun doc?" Tanong ni Pauleen. Halatang-halata sa mukha niya yung dismaya at lungkot na pinaghalo.
"You guys can opt to do IVF instead or GIFT." Suhestiyon nito.
"Yung natural way, wala ba?" Si Pauleen pa din ang masigasig sa pagtatanong habang siya ay tahimik lang.
"There are ways pero there is no assurance." Iyon lang ang sabi ng doctor sa kanila bago ito nagpaalam at lumabas ng consultation room.
Naiwan sila ng nobya sa katahimikan. Hindi siya nagsasalita at hindi ito nagsasalita. Natakot siya sa totoo lang kasi baka nagalit ito sa kanya, alam niyang Pauleen always wanted a big family kasi solo itong anak. She wants a happy home filled with kids, love, and happiness. Para siyang paulit-ulit na sinuntok kasi sobrang nadismaya siya sa hitsura at reaksyon ni Pauleen.
"Pauleen, honey." Sabi niya dito. "Say something."
"Malaki ang chance na hindi tayo magkaanak." She said coldly.
"Kahit tayong dalawa lang magiging masaya ako." Sinigurado niya dito. Masaya siya basta kasama niya si Pauleen.
"Pero ako ang hindi magiging masaya." Para siyang sinaksak paulit-ulit sa narinig niya. Ganito lang na talaga ang pagmamahal sa kanya ng nobya niya?
BINABASA MO ANG
First Love, Last Love [PUBLISHED] | ✅
ChickLitWATTY'S 2017: Riveting Reads Awardee PUBLISHED under Lifebooks BFF Series #2: Matilda O. Romualdez Mati is single and definitely not loving it. She is waiting for that fairytale, knight in shining armor kind of love story pero parang kakaibang twist...