19: Happy Hour

13.1K 287 5
                                    


"PAANO KO to sasabihin sa kanila? Nako! Maloloka ang nanay ko!" Naiiling na sabi ni Mati habang pinagmamasdan ang makinang na singsing na suot niya. Everything just feels so surreal.

"Nasabi ko ba sayo na nagpaalam ako sa parents mo?" Sabi ni Gray na ikinagulat naman niya.

"What? Oh my gosh! Ano sabi nila sayo?" She needs to hear this story! Ni wala nga siyang idea na nagkakausap pala nag parents niya at si Gray, more so na nagpaalam pa itong aalukin siya ng kasal.

"Masaya sila. Hindi na daw sila nagtaka kasi inasahan na daw nila yun with us living together most of the time and all." He smiled habang focused pa din sa pagmamaneho.

"Nako! Nasaan na yung sobrang strict ko na parents? Kaloka sila!" She laughed and watched the road. Mula kagabi ay parang lahat ng bagay ay mas maliwanag na, mas makulay at mas masaya. Maybe this is how being in love feels like, for sure ay ganito na iyon.

"I love you." Biglang sabi ni Gray.

"Nakakagulat ka naman." Napatawa siya. "I love you too."

Habang binabaybay nila ang kahabaas ng North Luzon Expressway ay sobrang daming tumatakbo sa utak ni Mati. Never in her wildest dreams did she imagine na at her age ay may dadating pa sa buhay niya na katulad ni Gray? Yung love story nila ang tunay na epitome ng whirlwind romance. Mula kaninang umaga ay wala na siyang ibang ginawa kundi ang titigan ang singsing niya kasi parang naninibago talaga siya doon. She's actually, really engaged at kay Gray pa! This is so crazy!

"What if we move in together?" Tanong niya sa lalaki.

She's thought about it at mukhang dahil sa sinabi ni Gray tungkol sa pagpayag ng magulang niya dahil sa madalas na silang magkasama sa iisang bahay ay mukhang papayag din naman ang mga ito na they start living under one roof. Gusto kasi ni Mati na palagi nang makasama si Gray at lalo na si Ethan since he's growing up. Living separately until they get married will be a hassle since sa isa lang sa kanila pupwedeng tumira ang bata. She thinks na she's old enough naman na to understand the situation she wants to be in at hindi naman siya ang unang babae na makikipag-live in sa isang lalaki at least siya sigurado siya na pakakasalan din siya agad nito.

"What? No. Pakakasalan muna kita." He said with conviction.

Napangiwi naman si Mati sa narinig. Who would have thought na si Gray pa ang magiging conservative sa kanilang dalawa? She stopped herself from laughing dahil sa naging reaksiyon ng lalaki. He looked so cute noong tumutol ito sa naisip niya.

"Eh magpapakasal din naman tayo eventually, mauuna nga lang tayo tumira sa isang bahay. Alam mo kasi I want to be with Ethan as much as I can. I want to be there for him lalo na at developmental stages niya." She tried to explain.

"Then madaliin natin ang kasal." Sabi naman nito. "I want to do it the old fashioned way with you."

"Baka nakakalimutan mo na di parte ng old fashioned way yung ginawa natin kagabi." She laughed. "Tsaka ayaw kong madaliin ang pagpaplano ng kasal natin. Matagal ko kayang hinintay na maikasal tapos mamadaliin mo pa ako."

"Okay, given pero the rest I want to do it properly." He said. "Ganito na lang, let's bring it up later sa dinner tapos kung anong sabihin nila ay yun ang sundin natin. Okay lang ba sayo yun?"

Ginagap nito ang palad ni Mati bago pinisil at sinulyapan siya. Mati felt so much relief rushing in to her habang hawak ni Gray ang kamay niya. She felt as though hawak niya sa kamay niya ang taong hiniling niya ng matagal sa Diyos. Sino nga ba naman ang mag-aakala na ang isa sa pinaka-sought after na bachelor sa bansa ang mapapang-asawa niya? Hindi niya idedeny na akala niya ay nananaginip lang siya kagabi at kaninang umaga pero hindi talaga. Ilang beses na ba niyang kinurot ang sarili?

First Love, Last Love [PUBLISHED] | ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon