First Love, Last Love: SPECIAL CHAPTER

11.5K 236 10
                                    


A/N: This is sort of a belated Mother's day treat to all my mommy readers and the moms of my readers. I want to applaud all of you for all the sacrifices that you make. Please know na you are always, always appreciated. ❤️😘
_________________

MOTHERHOOD IS NOT an easy task and whoever will have the guts to say otherwise is a damn liar! It is a full time job na walang bayad na pera, ang makukuha mo lang ay yung kakaibang saya na makikita mong lumaki yung mga anak mo into bright young kids at yun na nga ang naiisip ni Mati palagi. After years of just working in a hospital and being a complete and utter workaholic at that ay napagdesisyunan niyang tumigil na sa pagtatrabaho kasi kailangan siya ng mga anak niya. Kahit na mahirap dahil alam niyang calling niya iyon ay ginawa pa din niya para sa mga anak niya, mas mahalaga sila kaysa sa pangarap niya.

Ethan is now 10 years old and he is just a darling, darling boy. Napakabait and he understands everything lalo na yung minsan ay kaunting atensyon lang na naibibigay sa kanya. He also helps with his siblings, binabantay niya ang mga ito, binibigyan ng pagkain at kahit na medyo matanda na siya for their games ay nakikipaglaro siya sa mga ito. Even at his age, tuloy ang pagbisita nila kay Giselle and he's still telling her stories.

As for the triplets, grabe! Kulang ang 'they are a handful' para idescribe ang mga ito. Natatawa siya sa lahat ng mga kamag-anak at mga kaibigan nila, they all say that Mati's crazy for saying that their two boys look different when they look exactly alike. Hindi niya alam kung bakit pero para sa kanya ay hindi magkamukha si Marius and Sage. As for Destiny, she's the little diva. Palibhasa ay nag-iisang babae ay sobrang bantay sarado ni Gray pero sobrang spoiled din. Ang kailangan lang gawin ni Destiny ay mag-pout and she will get everything she wants to the point na kung hindi niya napigilan ay baka may pony na sila sa bahay.

The triplets are now 5 years old and will be entering preschool this coming school year. Yun ang pinaghandaan niya kaya naman siya nag-quit na sa trabaho although Dr. Tan specifically said that she will have a position upon her return. She just smiled kasi mukhang malabo na yun. Dumaan din kasi sa year of losses ang kompanya ni Gray kaya naging sobrang busy ito sa re-establishment para mas mapagtibay ang kompanya which he successfully did.

"Sweetheart, wake up." Naramdaman niyang hinalikan siya ni Gray sa pisngi. Nakatulog na siya sa desk niya dahil sa paghahanap ng mga activities na pwede niyang ipagawa sa mga bata.

"Oh, sorry. I woke up earlier kaya naman nag-internet muna ako. Anong oras na ba?" She stretched her arms and yawned. Pagod na pagod ang katawan niya, it feels as though she's still working dahil sa energy ng mga bata.

"Maaga pa naman, it's still 6 AM. Humiga ka muna uli, I'll take care of the kids." Nginitian siya ni Gray bago siya inalalayang papunta sa kama. "Namamayat ka na dahil sa pagod mo."

"The kids are a handful kahit may mga yaya sila ay sobrang nakakapagod talaga." She smiled, kahit naman nakakapagod ay wala siyang ibang nararamdaman kundi saya.

"Why not go back to work? Since okay naman na sila and I can also miss work kasi the company's back on its feet." Kinumutan pa siya nito. They've been married for nine years now and he's still the same. Nag-aaway sila pero palaging routine na nila na hindi matulog hanggang hindi nila naaayos ang problema.

"Feeling ko kulang ang time ko for them and I'm not so much of a mother kapag nagtatrabaho ako." Nalungkot siya dahil sa sinabi niya. She wants to be a doctor pero mahirap naman na pamilya niya ang isakripisyo niya.

"No, that's not true. With or without your job, you are an excellent mother—" hindi na natuloy ni Gray ang sasabihin ng biglang pumasok si Destiny sa kwarto nila.

"Daddy!" Sigaw nito, napabangon naman bigla si Mati sa kama at tiningnan ang anak. Ang aga-aga ay nakabusangot na ang mukha nito.

"Honey, I told you to knock first." She reminded her daughter at natawa na lang siya dahil sa ginawa nito. She turned around, marched out of the room, closed the door and then knocked. "Come in!"

First Love, Last Love [PUBLISHED] | ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon