Chapter 2: Safe"WHAT TIME ARE you leaving?" He asked Airi. Kumakain sila ngayon sa Cafe by the Ruins ng lunch. Ever since the other day ay magkasama na sila ni Airi na namamasyal. There's something in her presence na nakakapagpawala sa utak ni Carson ng mga thoughts of Mati. Yun nga lang, she's leaving today and he'll be stuck again with his thoughts.
Meeting Airi is one of the highlights of his trip. It's very odd how they kept on bumping with each other sa iba't ibang lugar. He was allowing himself to be sad pero dahil lagi niya ngang nakakasalubong ang babae ay parang nawawala ang focus niya sa pagdadalamhati niya sa pagpapakasal ni Mati. He tried hard na huwag na lang pansinin pero when she was getting soaked under the rain ay hindi naman niya ito natiis and he let her stay overnight. May pagka-bwisit din tong babaeng to kasi hinahadlangan ang pagdadrama niya eh.
"4 PM, bakit?" Tumigil ito sa pagkain. She looked so chill in her oversized t-shirt and shorts, nakataas din ang mahaba nitong buhok, she's actually very pretty.
"Wala lang, I just asked." He shrugged it off.
"Sus, mamimiss mo lang ako eh," she smiled before she continued eating her food.
"Why would I? I will finally have the time to think." Pero hindi naman siya sure kung gusto niya nga ba talagang mag-isa. It was the goal at first, ang mapag-isa para makapag-isip pero parang ngayon ayaw na ata niyang masyadong mag-isip o mapag-isa.
"Ayaw mo kayang mag-isip," she said. "Ayaw mong isipin yung heartache mo."
"What? No!" Noong pangalawang araw na magkasama sila ay pilit nitong hinulaan ang purpose niya sa pag-akyat sa Baguio. He stuttered noong sabihin ni Airi na he was there to mend a broken heart. Since then, she's been bugging him about it.
Airi's actually a really fun person, makakalimutan mo ang problema mo. They didn't share any personal information with each other upon the suggestion of Airi kasi mas adventurous daw at mas memorable yung trip kapag ganun. Hindi na niya pinilit kasi baka mas okay din nga na ganoon na sila. He doesn't need any unnecessary attachment lalo na at kakagaling niya lang sa isang one-sided love story. He doesn't need anything now, kailangan niya lang ng kausap o ng kasama na makakapagpawala sa isip niya kay Mati.
"Sus, wag ka na mahiya. I am a really fun person kaya madaming gusto talagang sumama sa akin. I'm good company." Sabi nito.
"I'd give you that. I'll say this though, I think magiging boring ang stay ko dito without someone as noisy as you." He laughed, ayaw kasi nito nasasabihan na madaldal kahit na totoo naman.
"Ewan ko sayo!" May dinukot ito sa bag na notebook. "Oh, regalo ko sayo."
"Ano to?" He skimmed through the written content and saw na iba't ibang mga lugar yun sa Benguet at mga magagandang gawin dun. "Travel guide?"
"Slight, yan yung ginagawa ko dati noong dito ako nakatira. It might help you, I listed every possible place, restaurants, museums, parks, you name it I listed them down. Kahit nga ghost hunting nilagay ko diyan eh." Natatawa pa ito sa mga ilang kalokohang ideas na sinulat nito.
"You're very good in writing, huhulaan ko na writer ka."
"Nope, mali ka!" Malakas itong napatawa. "Uy, mamimiss mo talaga ako no?"
"Nope, I can get by." But he will probably miss her. Mawawalan na siya ng maingay na tour guide.
"Sabi mo eh." She smiled. "Uy, 3 PM na! I need to get to the bus station now." Nagkukumahog itong kinuha ang ilang paperbags na dala nito at isang malaking backpack na kasya ata si Airi dahil sa laki. Namili kasi ito ng pasalubong bago sila kumain.
BINABASA MO ANG
First Love, Last Love [PUBLISHED] | ✅
ChickLitWATTY'S 2017: Riveting Reads Awardee PUBLISHED under Lifebooks BFF Series #2: Matilda O. Romualdez Mati is single and definitely not loving it. She is waiting for that fairytale, knight in shining armor kind of love story pero parang kakaibang twist...