23: First Love

11.6K 257 7
                                    


"BAKIT PUMASOK ka na?" Tanong ni Carson sa kanya.

It's been a week since Gray broke up with her. Bumalik na siya sa bahay niya and she just regularly visits Ethan sa bahay ni Gray. Gabi pa naman kasi usually bumabalik si Gray kaya she goes there during lunch. Masakit pa din na hindi naman pala sila ganoon katatag ni Gray together. He's still in love with his ex-girlfriend Pauline kahit na may mga anak na ito. She is his one great love and she meant so much to him. Ilang beses na siyang tinawagan ni Tita Feliza para malaman kung anong nangyari, maging ang sarili niyang nanay ay nagtaka sa nangyari sa kanila ni Gray. She just told them na everything was in a whirlwind na hindi sila masyadong nakapag-isip. Their mothers still believe na bump in the road lang ito.

"Bakit? May trabaho ako eh. Malamang papasok ako." She said at nilagpasan niya lang ito papunta sa opisina niya sa ER. Mula kasi noong bumalik siya sa trabaho ay nag-full time na lang siya sa ER. She finally accepted the position to be the head of the ER.

"Suplada nito. Kumain ka na ba?" Habol sa kanya ni Carson.

"Oo, nagkape ako."

"Pagkain, Matilda hindi ko tinanong kung uminom ka na." He sighed and pulled her aside. "Makinig ka nga muna. Ang tigas naman kasi ng ulo mo."

"Ano ba?" Mahina pero galit na sabi niya. "Matanda na ako. Kaya ko to."

"Alam ko naman yun, kailangan mo lang isipin uli kung ano ba ang ilalaban mo." He said bago may iniabot sa kanyang sandwich. "I worry about you kaya kumain ka, okay?"

"Sorry." She said. "It's just that I miss him. May mali kasi, may hindi tama."

"Then what the fuck are you waiting for? Subukan mo kayang gumawa ng paraan? At least you tried." He smiled bago tuluyan na siyang iwan sa may pintuan ng Emergency Room.

Carson is right, di pa niya pinaglalaban tong relasyon nila ni Gray. She just left him and went home, no questions asked. She just left and let him end things. Kung hindi siya mahal nito bakit iba yung lungkot sa mukha nito? Is he really still in love with Pauline or is there another reason why he chose to end things with her. At the very least she wanted an explanation. She deserves it, right?

"Dra. Romualdez, may pasyente po." Tawag sa kanya ng isang nurse.

"Ah, okay. Papasok na ako." Huminga muna siya ng malalim para pigilan ang luha bago siya pumasok muli sa Emergency Room.

"Doc, eto po oh. Nagbi-bike daw po siya tapos nagdire-diretso sa salamin na pintuan nila." Naglagay na ng gamit yung nurse na kausap niya sa may tabi niya. Malakas na din kasing umiiyak yung bata.

"Hi, what's your name sweetheart?" She asked the child para maibsan man lang ang pag-iyak nito. Hindi na daw kasi pinapasok ng nurse yung tatay kasi kabadong-kabado kaya baka mas umiyak lang daw ang bata.

"At-Ata-lia. I'm Atalia. That hurts! That hurts!" Umiyak uli ito. Tinatanggal kasi niya ang mga bubog na nakabaon sa balat nito.

"Oh, I'm sorry sweetheart. I'll apply some medicine so the pain will be less, okay? Please be strong for me." Sabi niya dito. Nilagyan niya lang ng topical anesthesia ang ilang mga parte na may bubog para mabawasan ang sakit at medyo mamanhid iyon.

"O-okay." May slang pa talaga itong magsalita ng ingles. Nasa five years old itong bata at cute na cute.

Naisip niya tuloy si Ethan. Will she be able to watch him grow up in front of her eyes o nasa sidelines nanaman ba siya? She missed everything in that house, she miss lying down in bed with Gray and just being free to cozy up with him. Minsan kapag nagigising siya sa gabi ay tinititigan niya ang mukha nito. She wants to memorize all his features, every crease and curve, every speck of perfection and flaw, she wants to memorize him. Kaso malabo na ata yun, memoryado na nga niya kaya mas mahirap matulog kapag gabi.

First Love, Last Love [PUBLISHED] | ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon